Ngumiti naman si Karylle sa effort ni Toni na pagpapasaya sakanya kaya nakaisip sya ng ideya. "Tara, shopping tayo!" sambit ni Karylle.

"Karylle ikaw ba yan?! Ukay ukay lang ang paborito mong galaan diba? Ano nainom mo? Milktea?" -sambit ni Toni, tumawa naman si Karylle sa sinabi ni Toni.

"Baliw, syempre wala naman masama kung magpamper tayo kahit very light lang. Tara na!" pagyaya ni Karylle.

--

Napagdesisyunan ni Karylle at Toni na magshopping at magpamper sa Shang, namili muna sila ng mga damit sa Zara, H&M, at iba pang stores. Sa una ay ayaw pa bayaran ni Karylle ang mga damit at muntik nya pang ibalik dahil umaabot ng 9K ang bayad per store. Pero dahil nga isa na syang CEO, uso magayos ng sarili.

Pagkatapos noon, dumiretso sila sa isang salon para magpapamper. Nagpalit si Karylle ng hair color, from black ginawa nyang ash brown. As for Toni, From light brown to dark brown. Nagpamani-pedi session rin sila at foot spa, pati na rin body massage.

After nilang pumamper, tinamaan na sila ng gutom at napagdedisyunan na kumain sa Mcdonalds, dahil gustong gusto ni Toni ang Chicken Mcdo. #SegwaySaEndorsement.

Habang naglalakad, may natatanaw si Karylle sa bandang malayo na nakatayo sa tapat ng isang store. Tindig lalake pero pag tinignan mo ang pwet, ang laki.

At doon lang pumasok sa isip ni Karylle na si Vice pala iyon.

"K, oh! Si Vice! Naks, napagusapan nyo ba to?" pangaasar ni Toni.

"Hindi ah!" depensa ni Karylle.

Nang walang ano-ano'y lumingon si Vice sa direksyon na pinatutunguhan ni Karylle at Toni.

"Nakita ka nya Karylle sheeeeeet!!!!" kilig na tugon ni Toni.

Laking gulat ni Karylle na papalapit na si Vice kay Karylle. Ngunit nang lumabas si Buern galing sa store, agad nyang hinila si Vice.

"Ayan kase. Hindi sya nainformed na artista sya." natatawang tugon ni Karylle.

Para makapagusap, tinawagan ni Buern si Karylle.

"Hi buern!!" tugon ni Karylle sabay nakaway kay Buern.

(Hi karel! Gusto ka daw makasama ni Viceral. Paano?) tugon ni Buern.

"Pasabi kay Vice hi!" masiglang sambit ni Karylle.

(Hi kurba ko, Mahal kita.) singit ni Vice.

"Naks, may endearment!" singit din ni Toni.

(Sige ganto nalang. Susuotan ko ng hoodie si Meme, tapos lalapitan ka nya and iwanan ka namin ni Toni bale isasama nalang namin sya sa team vice, Para makapagdate kayo.) sambit ni Buern.

"Okay. S-sige." Karylle

Binaba ni Buern ang cellphone at pumasok sila sa store na nilabasan ni Buern at sinuotan ng hoodie at shades. Mabuti nga't nakapants si Vice para hindi talaga sya makilala. Pagkalabas nila ng store, Nagsignal si Buern ng hand gesture para lumapit sakanya si Toni para sumama sa Team Vice. Pagkatapos noon, lumapit si Vice kay Karylle.

"Sinusundan mo ba ko baby?" panimula ni Vice.

"Baka ikaw? Eh gusto ko magshopping dito bakit ba." pangaasar ni Karylle.

"Sa pagkakaalam ko, sa ukay ukay ang favorite shopping place mo. Naiba na?" tugon ni Vice.

"Syempre we need to try new things minsan diba?" depensa ni Karylle.

"Hay, i love you talaga." random na sambit ni Vice. Rason para kiligin si Karylle.

"Luh, aba malande!!" pangasar ni Karylle. Ayaw nya kaseng nakikita ni Vice na kinikilig sya kase nagmumukha syang espasol. SABI NYA. HINDI AKO DONT JADS MI.

Perks of being a Fangirl (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon