Sinamaan ko sila ng tingin at dali-daling nag punta sa locker.


Sa locker.


"Tabi guys! May dadaang panget"


"Eeew! Basa yung nerd. Naligo? Hahahaha"


Kung ano ano na naririnig ko. Pinabayaan ko nalang at nag tungo na sa locker. Kinuha ko yung extra uniform ko at pumunta na comfort room para makapag palit.


After 123456789 years, nakapag palit na ko. Paktay ako nito. Late ako sa first subject ko. Hay, sa second subject na nga lang ako papasok. May 1 hour vacant time pa ko.


Lumabas na ko ng C.R.. Nag lakad lakad muna ako at nag isip isip. Sarado pa yung library kaya di muna ako makaka punta tsaka opening palang kaya orientation lang ang gagawin kaya hindi pa open yun.


Ting!


Pupunta nalang akong canteen. Hindi ako gaanon nakapag breakfast eh.


Sa canteen


Wala gaanong tao. Malamang nasa kanya kanyang rooms na mga students. Malaki tong canteen namin. May kanya kanyang tambayan din mga students dito.


Nag lakad na ko dun papunta sa ice cream station. Bibili nalang ako ng favorite ko. Caramel Ice Cream. *O*


Nang nasa pila na ako may nanlait sakin sa likuran ko.


"Hoy panget!" alam kong ako yon. Di na ko lumingon. Hinayaan ko lang siyang mag salita.


"Ako nauna dito panget."


"Aba di lumilingon" napikon na at hinawakan ako ng lalaki sa braso at hinila ako papaalis sa linya. Ngayon na tansya ko kung ano siya. Isa siyang baboy ramo =___=


"Sumusobra ka na!" palaban kong sinabi sa baboy ramo na yon.


"Ang panget mo kaya ako ang mauna!" sabi niya ulit. Grrr.


"Hindi porke't pangit ako basta mo nalang akong hihilain paalis. Hindi tama yon.!" sinagot ko na ang baboy. Nakatingin lang siya sakin. Tumalikod ako at nag salita..


"Palibhasa baboy ramo kaya mabilis manguha ng pagkain asdfghjkl" dagdag ko. Syempre pabulong yun pero narinig yata nung baboy kaya agad siyang sumugod sakin at


*BOOOOGSH*


Napapikit ako. >_____-


Yung baboy natumba na sa sahig.


"Babae yan pre, nirerespeto." sabi nung lalaking nanuntok. Sino siya?


"Ikaw miss" tumignin siya sakin mulo ulo hanggang paa. Parang ija-judge pa yata ako nito ah.


"Kahit panget ka, matuto kang lumaban" sabi nung lalaking pinag tanggol ako sabay umalis na agad.


Ay teka lang? Sama ng ugali. Pangit daw? -___-


Pero ang gwapo niya ha.


======================================================================================================================================


Itutuloy...


Next Chapter: x2: Mr.OMG


Vote x Comment lang kayo :)

Ms. Nerd TransformationWhere stories live. Discover now