19

959 8 0
                                    

"Vien, can you make me a coffee? Please?"


Lihim na naiikot ni Vien ang mga mata niya habang nakatingin sa librong binabasa niya. Ilang araw ng malamig ang pakikitungo niya sa asawa dahil sa inis at selos na naramdaman niya noong nakita niya itong may kasamang babae.


"Vien?" muling saad nito. Vien sighed. Sinara niya ang librong binabasa.  Inis siyang siyang tumayo nang hindi tinatapunan ng tingin ang asawa niyang nasa harapan niya lang. Busy ito sa laptop nito kanina pa. Habang naglalakad, pansin niya ang pagsunod ng tingin sa kaniya ni Regulus. 


Walang imik siyang pumunta sa coffee brewer at pinagtimpla ito ng kape. Saglit siyang lumingon dito at nahuli niyang nakatingin ito sa gawi niya. Tumigil siya sa ginagawa at mariing tiningnan ang asawa. "Stop staring at me, Regulus. Hindi nakakatuwa," naiinis na sambit niya bago binalik ang tuon sa ginagawa niya. Matapos niyang asikasuhin ang kape ng asawa ay mabilis niya ring binigay ang kape nito.


Umupo siya muli sa sofa at pinagpatuloy ang pagbabasa. Pinapag-aralan na niya kung paano patakbuhin ang isang business gamit ang librong binabasa niya. "Hm, Vien? Wala ka bang naaalala?" biglang tanong ni Regulus sa kaniya. Hindi siya umimik sa lalaki bagkus ay tinuon niya lang ang pansin sa binabasa.


Naputol lang ang panonood niya nang ikinuha ni Regulus ang libro niya. Tiningala niya ang lalaki. He supposed to be with his girlfriend right? Lalo na ngayong na-confirm na ni Vien na girlfriend nga nito ang kasama nitong noong nakaraang araw sa loob ng boutique. Ibigsabihin din non ay nakauwi na ulit ito sa Pilipinas. Kailangan pa kaya siya tinatraydor ng mga ito?


Tuwing naaalala iyon ni Vien ay nasasaktan siya pero at the same time ay naiinis din siya.


"What's your problem? Give it back to me!" galit na saad niya. Halatang nagulat si Regulus sa pagsigaw niya pero wala siyang pakialam. Kinuha niya ang book niya. "Kung wala kang magawa sa buhay mo, huwag ako ang guluhin mo, Regulus." malamig na sambit niya sa asawa at akmang aalis na siya nang hinigit ni Regulus ang kaniyang braso.


"Ano ba?! Let—"


"Kakaiba ka na these past few days, Vien." biglang sumeryoso si Regulus. Binawi naman ni Vien ang kamay niya. "Ano namang pakialam mo? Galit ako sa'yo."


Papasok na sana si Vienna sa kuwarto niya nang marinig niyang nagsalita muli si Regulus. "Your birthday is coming this September 7, right? Matagal ko ng gustong ipaalala sa'yo pero lagi mo akong iniiwasan. And now, you just told me na galit ka sakin. Bakit ka ba galit, Vien?" mahinahon ng tanong ni Regulus. Hindi lumingon si Vien sa gawi ng asawa. Tuloy-tuloy lang siyang pumasok sa loob ng kuwarto niya at sinara iyon.


Doon ay dahan-dahan nang tumulo ang luha niya. Pati pala kaarawan niya, nalimutan na niya dahil sa dami ng mga iniisip niya. Nasasaktan pa rin ang puso niya lalo na ngayong nasa Pilipinas na pala ang girlfriend ni Regulus. Ano na ang mangyayari sa kanila kapag nagkaalaman na kung ano ang totoo?


Dumagdag pa ang parang sakit na niya tuwing umaga. Palagi siyang nagsusuka at masyadong sensitive ang pang-amoy niya. Malakas din siyang kumain. At napapansin na rin iyon ni Regulus. Ang weird niya. Hindi naman siya ganito noon.

Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]On viuen les histories. Descobreix ara