CHAPTER 38: She's not my shota

462 15 6
                                    

SKYLA ZOEY (Pov)

"Himala at wala kang make up ngayon." sabi ni Elijah at tinaasan ang baba ko. "Why? Mas maganda ba kung may make up ako?" tanong ko dahil lagi nya akong nakikitang may make up.

"Hindi ah, mas maganda ka kapag walang make up." tumango pa sya at ngumuso.

"May dala kang kotse?" umiling ako. nag pahatid ako kay kuya Gael dahil pupunta syang mall para kitain ang mga kaibigan nya.

"Tara na." pumasok kami sa university at buti nalang hindi ako hinarang ng guard. "Sino nag hatid sayo?" tanong nya habang nag lalakad kami papunta sa Court.

"Kuya Gael." sagot ko at niyakap ang braso nya. "Ihahatid kita mamaya." tumango lang ako.

"Bili tayo shake." sabi ko at pumunta sa Freedom dahil duon ang bilihan ng shake.

"Ilan po?" tanong nang tindera. "Isa lang po." sagot ni Elijah at kinuha ang wallet sa bulsa gamit ang isang kamay.

"Ayaw mo?" umiling sya at binigay ang bayad sa tindera. "Ito po." binigay ang shake kay Elijah bago ibigay sa akin ni Elijah. "Dito muna tayo." sabi nya bago ako hilain papunta sa puno ng manga.

may simentong lamesa ang naka palibot sa puno at may simentong upuan din.

umupo kami duon at may iilang estudyante din ang andito. "Dito muna tayo, may 10 minutes pa naman." tumango ako at ininom ang shake.

"Are we really okay now?" tumango ako at tumingin sa kanya. "Oo nga, pupunta ba ako kung Hindi." umirap ako.

"Suplada." bulong nya at umakbay sa akin.

Hindi ko na sya pinansin at tumingin nalang sa kamay nya na naka patong sa lamesa.

"Ang laki ng kamay mo." nilagay ko ang shake sa lamesa at binalik sa kanya ang tingin. natawa ako nung nilagay nya ang palad sa aking mukha at saktong-sakto.

"Ang liit ng mukha mo." natatawa nya sabi at humalik sa ulo ko.

Ilang minuto pa kami nag stay sa freedom bago kami bumababa sa Court.

"Stay here and watch me." he winked bago tumakbo papunta sa gitna.

Nag simula na sila mag practice at buti nalang nung tinignan ko ang bag nya ay may dala syang tubig.

ayuko kasi pumunta sa cafeteria dahil medyo malayo.

"Skyla!" may tumawag sa akin kaya agad ako lumingon at nakita ko si Liam kasama ang team mates nya.

Tumakbo sya papunta sa akin at naiwan ang mga kasama nya. "Why are you here? pinapanuod mo si Elijah?" tumayo ako at hinarap sya.

"Isn't obvious?" tumawa sya. "Andito din kasi sila Cairo, mga classmates ko." sabi ko at tumango sya bago umupo sa bleachers kaya umupo narin ako.

"Kayo na ni Elijah?" pinunasan nya ang kanyang pawis sa noo. "Hindi..." maingat kong sagot.

"Pero nanliligaw?" umiling ako. "Hindi rin, bakit ba?" nilagay nya ang panyo sa balikat bago tumingin sa akin.

"Wala, is it bad to ask you?"

"Hindi naman, pero..."

"But?"

"Why are you curious about my relationship with him?" He bite his lower lip. "Para alam ko kung may chance ba ako sayo o wala." umiwas sya ng tingin sa akin at tumingin sa Court.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Only Girl Of Section Moon StoneWhere stories live. Discover now