Chapter 12: More Than Friends

44 9 15
                                    

Hindi pa man tumutunog ang lumang alarm clock ko na nasa study table ay dumilat na ang aking mga mata. Alam kong maaga pa pero hindi na talaga ako inaantok gayung lagpas hatinggabi na ay hindi pa ako makatulog kanina. Ayaw ko man ipahalata kina Tatay at Nanay kahapon pero kinilig ako nang subukin ni Emrys na ipaalam ako kay Tatay para magsimba. Hindi rin ako makapaniwala na nagawa niyang ilapit ang loob ni Tatay sa kanya. Kagabi sa hapag kainan ay panay ang kwento ni Tatay tungkol sa mga nalalaman ni Emrys sa makina at ang pagiging masunurin nito sa mga bilin ng kanyang mga lolo at lola. Hindi niya direktang sinabi ngunit alam kong hinangaan niya ang lalaki.

Iniisip ko rin kung bakit ako susunduin ni Emrys ngayon. Dahil ba hindi kami nakapagsimba kahapon? Kinapa ko ang aking mukha at minasahe ito, mula kahapon nang magpaalam si Emrys para umuwi ay hindi na matanggal ang mga ngiti ko. Napahawak ako sa puso ko, okay lang naman na kinikilig ako 'diba? Hindi naman siguro masama iyon.

Tama na nga, ayaw ko nang mag-overthink. Tumayo ako at nagsimulang ayusin ang aking pinaghigaan, inunat ko nang husto ang bedsheet. Pagkuwan ay narinig ko ang alarm ng aking phone. Nang i-off ko iyon ay sinundan naman ng reminder alarm.

"Shit! Ngayon pala yung photoshoot namin!" Sinapo ko ang aking noo. Iyan kasi Caela, inubos mo oras mo kagabi sa kakaisip kay Emrys, nakalimutan mo tuloy maghanda ng isusuot ngayon.

Binuksan ko ang plastic cabinet ko para pumili nang isusuot na damit. Apat lang naman ang maayos kong dress, yung dalawa ay isinusuot ko pang simba, yung isa ay ang isinuot ko noong moving up ceremony at yung isa ay yung gown na regalo ni Emrys. Napanguso ako sa naisip at saka nagkibit balikat, dress din naman iyon kaya ibinilang ko na.

Nagdesisyon akong yung dress ko na lang noong recognition ang isusuot ko, lalo na at plantsado na iyon. Paano ko ito ngayon dadalhin sa school nang hindi nakukusot? Mamaya ko na nga pag-iisipan, tutulungan ko muna si Nanay sa paghanda ng almusal.

Paglabas ko ay gising na rin si Nanay. Naghihiwa siya ng bawang para sa sinangag. Niyakap ko siya ng mahigpit mula sa kanyang likod. "Good morning, Nanay kong maganda!"

"Morning, anak kong kamukha ko!" nakangiting sagot ni Nanay habang inihihilig ang ulo sa ulo ko.

Nakita kong nakahanda na ang anim na itlog sa mesa at mga hotdog. "Sunny side up po ba ang luto ng mga itlog?"

"Oo. Alam mo na kung ano ang gustong luto ng Tatay at mga kapatid mo," bilin ni Nanay.

"Opo," sagot ko at saka binuksan ang kalan at pinainit ang kawali. Ayaw kasi ng tatlong lalaki ng malasado ang gitna ng itlog. Ganun din kaya ang gusto ni Emrys?

Matapos ko lutuin ang anim na itlog, isinunod ko naman ang hotdog habang si Nanay ay nagsasangag ng kanin. Sandali lang naman ay luto na ang hotdog kaya nang mailagay ko sa bandehado ay naligo na ako.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa kuwarto. Bahagya pa akong nagulat nang makita kong tumayo si Emrys sa aming upuang kawayan sa salas at mabilis na puminta ang matamis na ngiti sa kanyang labi.

Basa pa ang buhok ng lalaki at maayos na nakasuklay. Maliban sa mas guwapo siya tingnan kapag bagong ligo parang napakabango pa niya.

"Good morning, Caela!"

Hindi na naman mahinto ang kaba sa dibdib ko. Bakit ba kasi nahihilig na siyang ngitian ako? Alam ba niya na kinakabahan ako sa tuwing nakikita ang pantay-pantay niyang mapuputing ipin? Alam ba niya na halos hindi ako makahinga sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko?

Isang tipid na ngiti lamang ang pinawalan ko. "Good morning!"

Muntik pa akong mapalundag sa gulat nang tawagin ni Nanay ang pangalan ko. "Caela! Yayain mo na ang Tatay mo na kumain, andun na sa labas inaayos ang jeep niya."

Two Steps Behind YouWhere stories live. Discover now