68

850 32 12
                                    

DEANNA

After nang pangyayari kagabi umakyat Ako sa kwarto at dito naglabas Ng sama Ng loob.. pinagsusuntok ko lang Naman Ang mga pader dito.. at natulog Ako Ng mapagod Ako.. masakit na din ulo ko..

Paggising ko Wala akong katabi.. kaya Dali dali akong tumayo at Lumabas Ng kwarto para hanapin Ang Asawa ko.. pagdating ko sa baba Nakita ko si Kyla..

"Oh deans gising ka na pala!.. kumain ka na nagluto Ako kanina" Sabi nya.

"Thanks Kyla.. asan si Jema at Si Mark?" Tanong ko..

"Si Mark Dala ni Mafe don sa kanila.. at Si Jema Naman pumunta sa hospital" Sabi nya..

"Bakit nagpa check up ba sya?" Tanong ko..

"Hindi.. pinuntahan si Ella.. sinugod Kasi kagabi nila Bea at Jho Yun" sagot nya.. "kumain ka na dyan deans mamaya Maya lang andito na yon" dugtong nya..

"Sorry Ky ha sa nangyari kagabi" nahihiyang Sabi ko..

"Ayos lang yon.. naiintindihan ko kung bakit mo nagawa yon.. dahil sa pagmamahal at takot mo na mawalan si Jema.. nakwento din Kasi ni Jema sakin yung sagutan nyo sa kwarto kagabi.. at wag ka sakin mag sorry.. sa Asawa mo" Sabi nya...

"Sige KY salamat" Sabi ko.. at umakyat sa taas..

Pagdating ko sa kwarto naligo Ako agad.. nagbabad Ako sa tubig Ng mga 20 minutes at pagkatapos Lumabas na Ako... Nang nakabihis na Ako bumababa Ako Kasi nakaramdam Ako Ng gutom.. pumunta Ako sa kusina para kumuha Ng pagkain.. pagkakuha ko kumain na Ako.. inaya ko Naman si Kyla pero kumain na daw sila kanina..

Maya Maya narinig ko na Ang boses ni Jema na kausap si Kyla..
Agad akong Lumabas sa kusina.. at lumapit sa kanila..

"Hi love!" Bati ko at hinalikan sya na parang walang nangyari kagabi..

Tiningnan nya lang Ako saglit at bumalik na Kay Kyla ang atensyon..

"Sige na bes baka hinahanap ka na sa inyo" Sabi ni Jema Kay Kyla..

"Sige bes mauuna na Ako ha.. wag kayong magaaway haha" Sabi ni kyla..

Nagpaalam lang sya at umalis na din..

Umakyat naman si Jema sa taas sumunod Naman Ako..

"Love?" Tawag ko..

"Kung yung nangyari kagabi Yan wag na Muna Ngayon Deanna please lang" Sabi nya.. Galit sya..

"Sorry" sabi ko at Lumabas sa kwarto..

Naupo nalang Ako sa sala at nagisip isip.. Maya Maya dumating si Mafe at Si Mark..

"Oh ate Deans andyan na si ate?" Tanong nya sakin pagpasok nya...

"Oo andon sa taas" Sabi ko..

"Ate oh si Mark Ikaw na Muna bahala nagmamadali Ako.. pupunta Ako sa hospital eh" Sabi nya at binigay sakin Ang anak ko..

"Ahh mafs sorry kagabi ha" Sabi ko sa kanya.. ngumiti Naman sya sakin at..

"Wala yon ate.. Kay ate Ella at ate Jema ka ata dapat mag sorry" Sabi nya.. "Sige na te Mauna na ako" Sabi nya at umalis..

"Salamat mafs" Sabi ko bago sya umalis...

"Hello baby ko!" Bati ko sa anak ko at hinalikan sya..

"Saan ka galing? Gumala ka?" Tanong ko..

"Don yoya at yoyo (Lola at lolo)" Sabi nya.. natawa Naman Ako dahil bulol haha..

"Ano ginawa mo don? Nagplay kayo?" Tanong ko..

"Yes dada.. and we eat Po" sagot nya..

"Wow! Ano kinain mo?" Tanong ko..

Inisip Naman nya kung ano yon..

"Hindi to Ayam dada" sagot nya.. Ang cute Ng anak ko magsalita..

Maya Maya bumababa si Jema..

"Kiss Ikaw Kay mommy" Sabi ko.. lumapit Naman si Jema at hinalikan sya Ng anak namin..

"Akina sya paliliguan ko" Sabi nya nang Hindi Ako tinitingnan.. Ang cold ha..

Kinuha Naman nya yon at umakyat sila sa taas... Hayyy Galit talaga sya..

Lumipas Ang Oras Hindi talaga Ako pinansin Ng asawa ko.. ni Hindi Ako tinawag para kumain kanina eh.. kahit tingnan Hindi din magawa..

Gabi na at andito na ako sa kwarto namin nakahiga.. Anong Oras na Wala pa din si Jema.. Dali Dali akong tumayo at pumunta sa kwarto Ng anak namin.. pagpasok ko Nakita ko Ang magina ko na natutulog..

Lumapit Naman Ako para gisingin si Jema.. maliit lang Ang kama Ng anak namin alam Kong nahihirapan syang matulog dito..

"Love.. love.." tawag ko at tinatapik sya Ng mahina..

"Love.." dahan dahan syang nagmulat Ng mga mata..

"Halika na don na tayo sa kwarto natin.. mahihirapan ka lang matulog dyan" Sabi ko..

Tumayo Naman sya at hindi na nagsalita.. inayos lang nya Ang anak namin at naglakad papunta sa kwarto namin.. sumunod Naman Ako.. nahiga lang sya at nagkumot habang nakatalikod sakin.. nahiga na din Ako..

Makatulog na nga lang bukas ko nalang sya kukulitin..

Sorry na mahal..

Kahit Gaano Katagal Where stories live. Discover now