35

845 26 5
                                    

JEMA

Tuesday na papasok na Ako sa school.. after 10 minutes andito na ako nagpapark..pagbaba ko nagulat Ako sa Nakita ko sa harap ko..

"Ayy Palaka!!.. Jusko Deanna Wong Bakit bigla bigla Kang sumusulpot?" Gulat na Sabi ko..

"Hahaha sorry na kung nagulat ka.. susunduin lang Naman kita" Sabi nya habang tumatawa..

"Tumatawa ka pa.. lika na nga" pagsusungit ko sa kanya..

"Jema nasabi mo naba Kay Thang yung lakad natin sa Friday to Sunday?" Tanong nya habang naglalakad kami..

"Hindi pa pero mamaya sasabihin ko sa kanya" Sabi ko.. "Ikaw nasabi mo na Kay Ponggay?" tanong ko..

"Oo pumayag Naman sya.. kaso magpapaalam pa ako mamaya sa work ko sa grocery.. weekend Kasi ako nagtatrabaho don eh" Sabi nya..

"Don ba yon sa grocery kung saan kayo nagkita ni Thang?" tanong ko..

"Oo Doon nga.. sana nga pumayag para makaalis tayo" Sabi nya..

"Papayag Yan.. don Pala sa Isang fast food restaurant don ba work mo pag weekdays?" Tanong ko..

"Oo.. Bakit mo alam?" Tanong nya..

"Sabi ni Ponggay.. at Nakita din kita don kaso umalis na Ako Kasi nga nagtatago Ako Diba haha" Sabi ko na natatawa dahil naalala ko nanaman yung time na tago Ako Ng tago sa kanya..

"Dito ka na.. mamaya kita tayo sa canteen for lunch" Sabi nya..

"Sige see you later.. Thank you deans ha" tumango lang sya at umalis na..

"Hoyy!"

"Ayy kabayo!!" Ginulat nanaman Ako..

"Ano ba Thang kanina si Deanna nanggulat Ngayon Ikaw Naman.. sino Naman kaya mamaya.. isa pang gulat hihimatayin na Ako" Sabi ko dahil ito nanaman nagulat nanaman Ako..

"Daming sinabi ha.. ano Yun Bakit may pahatid?" Tanong nya..

"Malay ko Nakita ko lang sa parking yon susunduin daw Ako.. lika na nga pasok na tayo" Sabi ko..

"Sana all may Taga hatid at sundo sa parking hahah" Sabi nya..

"Baliw.. oo nga Pala thang busy ka ba sa Friday to Sunday?.. may Beach tayo sa Zambales nagaaya si Deanna kasama si Ponggay pero magpapaalam pa si Deanna sa work nya" Sabi ko ..

"Ayy zambales bet ko Yan.. go Ako Jan teh" Sabi nya..

"Sana payagan si Deanna" Sabi ulit nya..

Nagaral lang ulit kami hahah kaya nga kami andito eh..

"Hi Pongs I miss youuuu" Sabi ni Thang.. andito na Kasi kami sa canteen para mag lunch..

"Luh close agad yarn" Sabi ko..

"Syempre Naman Jems bff na kami ni Thang" Sabi ni Ponggay habang yakap si Thang..

"Thang and Deanna = ----

"Pongs shut up! Wag mo na ituloy Ang pangit" Sabi ni Deanna haha.. pangit Kasi talaga pag pinagsama..

"Bakit deans? Thang and Deanna= my bff" Sabi ni Ponggay...

"Wala kala ko bad words eh.. Sige na order na kayo don orderan nyo na lang kami" Sabi ni Deanna na nakakunot noo..

"Hep! So Hindi Ako kasama sa bff mo? tanong ko Kay Ponggay..

"Syempre kasama ka Jema no pwede bang Hindi.. ano gusto mo Jems libre ko lunch natin" tanong nya..

"Kahit ano" Sabi ko.. umalis Naman sila ni Thang..

"At Ikaw Naman Po bakit nakakunot noo mo?" Tanong ko sa katabi ko..

"Wala.. si Pongs Kasi eh Ang kulit kulit kala ko kung ano Ang sasabihin" Sabi nya habang nakakunot noo.. natawa Naman Ako..

"Dahil lang don? Hayy halika nga dito harap ka" humarap Naman sya.. at pinilit ko na paghiwalayin Ang mga kilay nya na halos magdikit na..

"Wag na mainit ulo.. Sige tatanda ka Nyan Hindi ka na cute" Sabi ko..

"So cute Ako?" Tanong nya na umaliwalas Ang mukha

"Hahaha oo na" Sabi ko..

"Ayieee cute daw Ako" Sabi nya na nakangiti..

"Shhhh Tama na gutom lang Yan hahah" Sabi ko..

Maya Maya dumating na yung dalawa at kumain lang kami tapos pumasok na at hinatid ulit kami ni Deanna at Ponggay..

_______________________________________
Last na bukas Naman hahah..

Sino gusto SPG? Sagot agad para makapagisip Ako at makakuha Ng idea sa iba haha comment kayo ebriwan.. good night

Kahit Gaano Katagal Where stories live. Discover now