10

885 24 0
                                    

DEANNA

Andito kami ni Jema sa bahay nila pinapasok na nya Ako habang hinihintay Ang parents nya.. nakaupo lang Ako dito sa sofa nila sa may sala habang sya umakyat sa kwarto nya para magbihis..Maya Maya dumating na Ang parents nya.. medyo kinabahan Naman Ako.. tumayo Ako at bumati sa kanila..

"Good Evening Po Ma'am and Sir" bati ko..

"Good evening din" Sabi Ng daddy nya..

"Ano kaylangan mo? Kaibigan ka ba Ng anak namin" Sabi Ng mommy Naman nya..

"Ahh yes mommy kaibigan ko po sya" nagulat Ako biglang nagsalita SI Jema..

"Si Deanna Po kaibigan ko" pagpapakilala nya sakin..

"Okay, magbibihis lang kami saglit, dito ka na kumain Deanna" Sabi Ng daddy nya..

"Ahh nakakahiya Po hehe" nahihiya na Sabi ko..

"Ayos lang kaibigan ka Naman Ng anak namin" nakangiting Sabi ulit Ng daddy nya.. ngumiti na lang Ako. Umalis Naman na sila sa harap ko..

"Wooohhh" Sabi ko sabay upo.. natawan Naman sakin SI Jema..

"Hahah ano kaya mo pa? Nagpapakilala ka pa lang pawis na pawis ka na" Sabi nya..

"Tawa ka pa kinakabahan na nga eh" Sabi ko kaso tinawanan lang nya ako lalo...

Maya Maya kumakain na kami.. tahimik lang kami minsan naguusap din..

Andito na kami Ngayon sa may side pool nila Jema...

"Paano kayo nagkakilala" tanong Ng daddy nya..

"Dahil Po sa kaibigan ko at kaibigan ni Jema sir nagkakilala Po kami"Sabi ko..

"Kamusta Naman SI Jema sa school?" Tanong nya..

"Ahh sir kung tungkol Po sa pagaaral hindi ko Po alam eh Hindi Po Kasi kami classmate. Nagkakasama lang Po kami pag lunch or minsan Po nagkakayayaan na Lumabas" Sabi ko..

"Okay.. umiinom ka ba?" tanong nya..

"Minsan Po pag may occasions sa bahay pakonti konti" Sabi ko

Tahimik lang Ang mommy ni Jema at SI Jema na nakikinig samin...

"Kung aayain kita tatanggi ka ba?" tanong nya.. nakakahiya kung tatanggi Ako hahah...

"Hindi Naman Po sir Basta konti lang Po hehe" Sabi ko.. tumango Naman sya..

"Hon mauuna na Ako sa taas ha inaantok na Ako eh, good night" Sabi Ng mommy nya at humalik sa Asawa nya..

"Deanna mauuna na Ako ha maiwan ko na kayo" Sabi nya..

"Sige po ma'am Good night Po" nakangiting Saad ko...umalis naman na sya...

"Jema kuhanan mo Naman kami Ng maiinom magpatulong ka nalang Kila Yaya" Sabi ni daddy nya. Tumango Naman SI Jema at umalis na..

Tahimik lang Ako na nagiisip kung sasabihin ko na ba... Hangang sa..

"Deanna ramdam ko. May gusto ka bang sabihin" Sabi Ng daddy nya..

Napalunok Naman Ako at kinabahan..

"Ahh sir ano Po Kasi eh... Gusto ko Po sabihin Ang dahilan kung Bakit andito Ako" nakikinig lang Naman sya sakin... "Sir gusto ko Po sana ligawan SI Jema sir.. Kaya Po Ako andito para ipaalam sa inyo..  kung ok lang Po" kinakabahang Sabi ko..

"Sinabi mo na ba sa anak ko" tanong nya...

"Opo sir at pumayag Naman Po sya.. sir alam ko Po na bawal pa Po pumasok SI Jema sa Isang relasyon pero handa Po akong maghintay hangang sa matapos namin Ang pagaaral namin at magkaroon na Ng nararamdaman SI Jema sakin.. alam ko Po Kasi na walang feelings SI Jema sakin pero pumayag Naman Po sya na ligawan ko sya" mahabang Sabi ko..

"Sigurado ka ba na kaya mo syang hintayin?" tanong nya...

"Opo siguradong sigurado Po.. Sabi Po Kasi Ng daddy ko na kung talagang gusto ko Ang Isang tao handa akong maghintay kahit gaano katagal" Sabi ko...

"Sige, pumayag Naman pala SI Jema. At mukhang mabait ka Naman Sige papayag Ako Basta maghintay ka at sana wag Kang makaapekto sa Hindi magandang resulta sa pagaaral ni Jema" Sabi nya..

"Opo maraming salamat Po sir" Sabi ko...

Maya Maya dumating SI Jema Dala Ang inumin at pulutan..

"Tito na lang anak kanina ka pa sir Ng sir eh" Sabi nya

"Hehe sorry Po Tito" nahihiyang Sabi ko...

Uminom lang kami at nag kwentuhan din.. Maya maya nagsalita SI Tito...

"Jema pumasok ka na Muna sa loob gusto ko makausap SI Deanna saglit" Sabi ni Tito.. kabado bente SI Deanna Wong hahah..

Umalis Naman na si Jema..

"Deanna ipagkakatiwala ko Ang anak ko sayo ha wag ka sana maging bad influence sa kanya" Sabi ni Tito..

"Opo Tito hinding Hindi Po" Sabi ko.. sabay Inom..

"Alam mo natutuwa Ako sayo.. Kasi Ang tapang mo nakakatuwa at pumunta ka dito para ipaalam sakin na gusto mo ligawan Ang anak ko.. Saka iba Ang pakiramdam ko sayo. Pakiramdam ko safe Ang anak ko pag Anjan ka.. sana anak alagaan mo sya at pag naging kayo na mahalin mo sya ha, matagal pa ilang taon pa Ang hihintayin mo.. sana ipangako mo na hihintayin mo Ang anak ko at hindi ka maghahanap Ng iba.. Kasi gusto kita para sa anak ko at alam Kong mabait ka ramdam ko Yun" nakangiting Sabi ni Tito...

"Opo Tito Ako Po bahala sa anak nyo at pangako Po hihintayin ko sya at hindi maghahanap Ng iba.. wag po kayong magalala hindi ko Po ipapako Yun hehe" Sabi ko..

"Hahah Ikaw talaga.. Basta aasahan ko Yan ha" Sabi nya tumango Naman Ako..

"Cheer's!" Sabi nya.. uminom lang kami hangang sa nagpaalam na Si Tito na magpapahinga na...

"Papahinga na Ako anak ha.. tatawagin ko na din SI Jema.. good night" Sabi ni Tito..

"Sige po good night Po Tito salamat Po.. Ikaw na Po magsabi Kay tita" nakangiting Sabi ko.. tumango naman sya at niyakap Ako Bago umalis...

Maya Maya dumating na Si Jema..

"Ahh Jema mauuna na Ako Gabi na din Kasi".. Sabi ko.. pero Ang totoo masakit na ulo ko haha...

"Sige, kaya mo pa ba? Papahatid na lang kita gusto mo" Sabi nya..

"Hindi na kaya ko pa Naman eh" Sabi ko.. tumango Naman sya at naglakad na kami palabas..

"Salamat Jema ha" Sabi ko..

"Ayos lang kamusta Naman haha okay ka pa ba?" tanong nya..

"Haha ayos Naman.. kanina kabado pero nawala din Naman.. ahh sige na Jema mauuna na Ako.. pasok ka na.. good night" Sabi ko...

" Good night deans.. ingat ka" tumango Naman Ako..

Bago Ako sumakay Ng sasakyan hinalikan ko Muna sya sa noo.. nagulat sya kaya..

"Sorry" Sabi ko...

"Ayos lang" Sabi nya..

"Sige na uwi na ako pasok ka na" pumasok Naman na sya.. umalis na din Ako pagkapasok nya...

Hayyyy ang sarap sa pakiramdam haha ok na Kay Jema. At ok na din sa parents nya..

______________________________________
Ang haba haha dalawang chapter na to hahaha charrr..

Kahit Gaano Katagal Where stories live. Discover now