Chapter 4

1.6K 27 0
                                    

Araw ngayon ng sabado at halos isang linggo na akong nag tatrabaho dito pero hindi ko pa din nakita kahit anino man lang ng amo ko.

Sabi ni manang siguro busy na naman kase sya lang daw ang nag iisang anak na lalaki kaya sya na namamahala sa lahat ng negosyo nila.

Wala naman akong pakialam doon sa amo namin to be honest kase sweldo lang hinihintay ko.

Nandito ako ngayon sa garden at nagdidilig sa mga halaman at nagwawalis nadin. Sina Andy, Annie, Rhea, at nanay Minda naman ay nasa loob nagluluto ng panghapunan. Pinatulong sila ni nanay Mirna at ako lang ang nag-iisa rito sa hardin.

Habang nagdidilig ako ay may biglaang nagsalitang lalaki sa gilid ko kaya napaharap ako sa kanya pati na rin ang hose na dala ko at nabasa ang lalaking nagsalita.

Dahil sa pagkabasa nya ay nabakat ang kanyang malapad na dibdib.Tumaas ang tingin ko sa mukha nya at grabe ang gwapo. Mayroon itong kulay abo na mata at ang taas ng pilikmata nito. Ang define din ng panga nito. Shit na lang talaga.

"Miss are you done surveying my whole body?" Di ko namalayan na nakatingin pala ako dito ng higit na ata sa isang minuto.

"Hala pasensya na po at nabasa kita" paghingi ko ng tawad sakanya.

Ngunit hindi ito nagsalita at tinignan lang ako ng mariin sa mata.

"Sir?" pagtawag ko sakanya. Nakatingin lamg ito sa akin ngunit ilamg segundo lang ang nakalipas ng magsalita ito dahilan para magulat ako.

"Why are you so f*cking careless?" aniya.

"P-patawad po sir hindi ko po sinasadya" naiiyak na sambit ko.Tama nga sila nanay Minda na nakakatakot pala ito magalit.

Namamalikmata lang ba ako pero parang nakita kong nag soften ang expression nya ng makitang iiyak na sana ako.

"So you're the new maid?" tanong nya.

"A-ako nga po sir" nauutal na sagot ko.

"We just met but your already giving me a headache" aniya at yumuko nalang ako.

"But maybe I'll like you giving me headache"

Parang may sinabi ito bago umalis sa harapan ko kaya hindi ko narinig.

Tinapos ko na lang ang gawain sa garden at pumasok sa loob. Nakita ko siyang nakaupo at nakasandal sa couch.

Akmang pupunta na sana ako sa kusina ng tawagin ako ni sir Hendrix Clyde Villegas Elizalde. Ang mahal ng pangalan diba?
At na memorize ko kaagad yun kahit dalawang beses lang binanggit sakin ni nanay Minda.

Nilapitan ko sya at tinanong "Ano po yun sir?"

"Make me a cup of black coffee" aniya at wala man lang please grabe naman porket amo.

"Sige po" sabi ko.

Pumunta ako sa kusina at nakita sila na busy sa pagluluto kaya tahimik akong nagpakulo ng tubig. Pagkulo ay tinimpla ko na ang black coffee na order ng magaling kong amo.

Pagkatapos kong magtimpla ay pumunta ako sa sala at dahan dahang nilagay ang kape sa table sa harapan nya.

"Eto na po sir" sabi ko at nginitian sya. Tumaas ang tingin nito sakin bago ibinalik sa libro ang atensiyon.

"Never mind. I changed my mind but make me a tea instead cause it's more healthier" aniya at ngumisi ng nakakaloko.

"Kung hindi lang talaga kita amo matagal na kitang sinapak dyan eh" mahinang sambit ko habang kinukuha ang kape.

"What did you say?" tanong nya. Patay ako nito pag narinig nya.

"Wala po sir sabi ko gagawa po ako ng tea" pilit ngiting sambit ko sakanya at umalis na. Narinig ko pang humalakhak ito. Sarap talaga sapakin.

Pagkatapos kong gawin ang tea nya ay inihatid ko na ito sakanya.

"Yan na po sir" ani ko.

Nag excuse na akong pupunta sa kusina para tumulong kina nanay Minda sa paghahanda ng hapunan. Sabi ni manang kailangan daw extra kami ngayon sa hapunan dahil bibisita ngayon ang pamilya ng amo namin at dito maghahapunan.

Ang daming niluto na putahe at kadalasan ay hindi pamilyar sa akin. Pagkain nga naman ng mga mayayaman.

Pagkatapos namin sa pagluluto ay nilinis na namin ang malaking dining table at inayos na din ang mga pagkain. Maraming putahe ang niluto nina nanay Minda. As in sobrang dami.

Ilan kaya ang bibisitang pamilya ni sir? may mga kapatid kaya siya?

Iniwakli ko sa isipan ang mga tanong na iyon at nagpatuloy sa pag-ayos ng hapag.

To be continued...
Thanks for reading.

Applying As His Maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now