Chapter 2

2.1K 28 0
                                    

Nandito na ako sa manila at grabe ang tataas ng nga gusali dito di kagaya sa probinsya. Ang dami ding tao dito at ang daming mga sasakyan. Kakaiba talaga doon sa probinsya kase ang tahimik doon at walang mga gusali at mga pollution galing sa mga sasakyan o mga factory.

Tinawagan ko si Kim at sinabi na nakarating na ako. Sabi nya naman na susunduin nya ako kaya maghihintay na muna ako sa kaniya.

Habang naglalaro ako sa cp ko nay biglang tumawag sakin kaya tinignan ko kung saan galing yun.

Nakita ko si Kim na papunta sa kinaroroonan ko habang nakangiti. Napangiti din ako kase ang tagal na nung huli kaming nagkita.

I stood up ang greeted her with a hug and she did the same.

"Grabe ang ganda mo naman Kemi" aniya habang sinusuri ang kabuoan ko. Napatawa nalang ako sakanya.

"Mas lalo kang gumanda Kim ah. Anong secret mo ha?" napatawa din sya at kinurot ang gilid ko.

"Let's eat muna?" aniya at tango lang ang sagot ko.

Pagkatapos naming kumain sa isang restaurant at umuwi na kami sa condo nya kase nakakapagod ang byahe grabe parang gusto ko na lang matulog buong araw.

Malaki ang condo ni Kim kase kung ikukumpara kami at mas may kaya yung pamilya nila Kim kaysa sakin at maganda din ang trabaho ni Kim.

"Oi Kemi!" tawag sakin ni Kim. Nandito kami ngayon sa kwarto nya at nakahiga ako na nakapikit ang mata at si Kim naman ay may ginagawa sa laptop nya.

"Bakit?" sabi ko at inimulat ang mata.

"Kailangan mo ng trabaho diba at may suggestion ako sayo" mabilis akong umupo sa kama at tinignan sya.

"Talaga? Anong trabaho naman yun?" nakataas kilay kong tanong.

"Maging maid" sabi nya pero nag aalinlangan ako.

Baka kase maliit lang ang sweldo at hindi ko talaga bet ang maging isang katulong.

"Wag kang mag alala hindi normal na pang maid ang sahod dito" sabi nya at napa kunot naman ang nuo ko.

"What do you mean?" tanong ko.

"Ang magiging amo mo ay isa sa pinaka malaking business holder dito sa buong Pilipinas at hindi lang yun, gwapo din pero yun nga lang walang nakakatagal na mga personal yaya sa kaniya dahil sa pangit na ugali nya raw" pagpapatuloy ni Kim.

"Ganoon ba kayaman?" ani ko. Tumango ito bago nagsalita ulit.

"Gusto mo ba i-try? kilala ko yan kase boss namin yan sa kompanya." aniya.

"Sige para may trabaho na ako kailan daw pala pwede magsimula?" nakangiting tanong ko.

"Sure kaba talaga? Kase mag m-message ako sakanya" ani Kim.

Kahit naman ayaw ko ay wala naman na akong choice kaya hindi ako pwedeng mag inarte ngayong malapit na lang ay magiging palaboy na ako.

Tumango ako at humiga ulit.The whole day went just like that and it's night already kaya tumulong nq ako kay Kim para magluto ng hapunan. Nag offer ako na ako na ang magluto upang salamat sa pagpapatuloy niya sa akin.

Habang kumakain kami, biglang tumunog ang phone ni Kim indication na may message or notification.

Kinuha nya ito at binuksan. Lumaki ang mga mata nya halatang shock kaya nabulunan tuloy yung gaga.

Binigyan ko sya ng tubig at ininom nya ito.

"Nag approve sya bess yess!" aniya at nag victory dance pa ang anteh nyo na parang sya ang mag t-trabaho.

Yess sa wakas may trabaho na ako at ang una kong gagawin kapag nakuha ko na ang sweldo ko ay mag condo kase nakakahiya kay Kim na palagi lang ako dito.

Sinabi nya na pwede na daw ako magsimula bukas na bukas at mag impake daw ako ng gamit dahil kapag nag yaya ka daw dito ay walang uwian sabi ni Kim.

Nanghingi din sa akin ng ID at iba pang information si Kim para ipasa daw niya sa boss niya. Medyo nagtaka ako kung bakit mabilis lang ang pagtanggap ng boss niya sakin at bukas agad ay simula na.

Tinulungan nya pa akong mag impake ng gamit ko at yung iba ko namang gamit ay iiwan ko muna dito sa condo nya. Tsaka ko na kukunin kapag nagka pera na ako.

Gabi na kaya napagpasyahan kong maligo at ginawa ang night routine ko at humiga sa kama. Nandito ang kwarto ko sunod sa kwarto ni Kim. Isa itong guest room.

Marami pa akong iniisip at ang mga posibilidad na mangyari bukas kaya nininerbyos na ako. Pinagsawalang bahala ko na lang at natulog na lang.

To be continued...
Thanks for reading.

Applying As His Maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now