"Bakit diyan ka!?" Tanong ko sakanya

"Bakit bawal ba Honebabyloves?" Sabi niya ng pabulong at nilalapit pa talaga ang desk niya.

Nang aasar nanaman.

"Manahimik ka." Pagbabanta ko sa kanya pero nginisian niya lang ako.

Naitaas ko ang tingin ko ng biglang exaggerated na tumayo si Sheena aka Coloring book. Tumingin sakin. Tumahimik ang buong room at tumingin sa kaniya ang iba ng may pagtataka

"Room rule. Bawal ang lumipat ng seat." Mapupulang mata na parang konti nalang ay tutulo na ang luhang anunsyo niya. "Miss Lambino told me tha-"

"What's happening here?" Agad kaming tumayo at bumati kay Lambanog dahil nasa pintuan na siya.

"Nothing, Ma'am." Sagot sa kaniya ni Pres. Tumingin sa kaniya si Sheena ng matalim at padabog na umupo.

Tumango si Miss Lambanog. Naglakad na siya papunta sa desk niya at nagsimula ng mag salita.

Habang sinasabi ni Ma'am ang direction sa gagawin naming quiz, napansin kong inurong ng kaunti ni Pres ang upuan niya palapit sa akin. Hindi ko na siya pinansin at naglabas na ng ballpen at isang papel dahil sisimulan na ang quiz. Ilang minuto ang lumipas ng kalabitin ako nito bigla.

"Honeybabyloves! Honeybabyloves! Uy!" Hinarap ko siya ng pasimple at sinamaan ng tingin.

Kairita..

"Ano!? Ano yun!? Pag ako napaglinis na naman ng CR. Lagot ka sakin!" Banta ko sa kanya sa mahinang boses saka bumalik na sa pag answer na pinapagawa ni Miss Lambanog.

"Number 12 mo nga." Bulong niya kaya agad ko siyang nilingon.

Siya itong rank 1 sa class namin pero humihingi ng answer sa bobong katulad ko?

Wag mong sabihing bobo siya sa KPWKP!?

"Sagot nga! Honeybabylo-"

"Mr. Maximo! Anong pinaguusapan nyo ni Derna?" Napatalon ako ng konti sa kinauupuan ko at binalik ang tingin sa papel ko dahil nahuli kami ni Pres na naguusap.

"Ginugulo kaba ni Derna!? Kumukopya ba sayo!?" Dagdag pa ni Ma'am Lambanog kaya gulat na napaangat ang tingin ko sa kaniya.

Panong ako pa ang kumukopya eh siya nga ang humihingi ng answer?

Bwesit ka talaga Lambanog ka!

Suntukin ko yang brace mo na 5 years na sa ngipin mo eh!

Sasagot na sana ako sa kaniya ng magsalita si Pres kaya hindi ko na tinuloy.

"Ah Ma'am hindi po. Binalik ko lang po sa kaniya itong correction tape na hiniram ko." Sabay about sakin ng correction tape na hawak niya.

Shutangina hindi akin ito!

Tinignan ko si Pres pero kay Ma'am siya nakatingin. Tumango lang sa kaniya si Miss Lambanog. Humarap siya sa akin at kinindatan ako saka tumawa ng mahina.

Tawa tawa kapa diyan eh, muntik nanaman akong mapahamak.

Agad kong kinurot si Pres dahil tatanga tanga siya. Napangiwi siya dahil doon.

"Ahhh!" Ipit na sigaw niya na tila pinipigilang wag mag ingay dahil nasa harap lang si Miss Lambanog.

Magdusa ka animal ka.

"Muntik na ako do'n tanginamo!" Matigas na bulong ko kay Pres. Kinindatan niya lang ulit ako at nginitian.

Pa cute si tanga.

Binalik na niya ang tingin siya sa papel niya at iniinda 'yong kurot ko.

Feeling strong kasi.

Bumalik na rin ako sa ginagawa ko at hindi na siya pinansin.

"That's all for today class. See you tomorrow." Anunsyo ng second subject teacher namin kaya naman agad nang nagsitayuan ang mga kaklase ko.

Naginat ako saka sininop ang mga nagamit kong notebook "Recess na!"

Pinakahihintay ko..

Ano kayang pwedeng kainin ngayon?

Parang nag c-crave ako sa ice cream pero pwede ring pizza, masarap din ang burger nalang pero medyo mahal.

Fries nalang?

Ay, ewan putangina.

Habang nag-iisip ako ng kakainin ko nang may nangalabit nanaman sakin kaya agad ko itong inambahan ng suntok. Itong lalaking 'to ang kulit din eh no, gusto talaga atang masaktan.

Tinignan ko siya ng masama "Anong kailangan mo!?"

"Libre mo ako ng, Burger, fries, saka mogu mogu."

Aba ang kapal din ng pagmumukha nito at nagpapalibre.

"Ang kapal naman ng feslak mo at nagpapalibre k-"

"May utang ka sakin. 500 'yon." Putol niya sa akin na ikinatigil ko.

Oo nga pala yung utang ko sa kanya kahapon!

"Kailan mo babayaran iyon? Sabi mo ngayon?"

Nagsisingil ba siya? Tangina wala pa akong pera!

"Ah Pres.. ang ganda ng araw no?" Pagiiba ko ng usapan.

Tinignan niya ako ng nagtataka. Nakakunot ang kaniyang noo at nakasalubong ang kaniyang mga kilay.

"Tingnan mo yun oh!" Dagdag ko pa sabay turo sa kung saan.

Agad naman siyang lumingon sa tinuro ko.

Uto uto talaga.

Agad akong tumakbo at iniwan siyang nakatingin sa kung saan.

"H-hoy Derna!" Rinig kong sigaw niya.

"Tumatanggap ka ba ng kiss pambayad!?" Balik na sigaw ko.

"Hindi!"

"Edi sa sunod na iyong utang ko! Wala pa akong pera!" Tuluyan na akong tumakbo palayo sa kaniya.

Sorry pogi babayaran naman kita eh..

Pero hindi pa ngayon.

C I 9 N U S


Please, Say Yes.(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon