Chapter 25

985 32 1
                                    

"Tara"

Nasa labas kami ngayon ng school para dumiretso sa bahay nila David, kasama namin dito si Sam at Miz dahil nag aabang sila ng jeep

"Puno eh" sabi ko nang makitang puno ang loob ng jeep na pinara ni David

"Hayst! Hassle talaga. Anong oras na eh, hinihintay na tayo ni Mama" sabi nito habang nag lilingon lingon para mag hanap ng jeep

"Ayun" turo ko agad sa jeep na pumara sa harap ng overpass. Agad naman kaming tumakbo papunta doon para makasakay

Bigla naman akong may naalala dahil sa jeep na ito, naalala ko yung may umagaw sa akin ng pwesto

Natanggap kaya si Kuyang naningit sakin sa trabaho? Sana lang.

Nang maka sampa na kami ay agad namang umandar ang jeep. Ilang minuto lang ang binyahe namin bago makarating sa bahay nila David

Pag baba namin ay nag lakad pa kami ng kaunti dahil nasa bandang looban ang bahay nila

Nung nakarating kami ay nahiya pa ako dahil may mga tao sa labas, marahil mga bisita ni Tita.

"Si mama?" Tanong ni David sa isang babae na nasa lamesa

"Nasa kusina" sagot naman nito

Hinawakan nya ang braso ko saka kami pumunta sa may kusina, nakita ko ang mama nya na nag lalagay ng spaghetti sa may malaking tupperware

"Mama" agaw ni David sa atensyon ng ina, agad naman napatingin sa gawi namin ni Tita

"Ohh David andyan na pala kayo" sabi nito saka lumapit sa amin, nag bless si David saka humalik si sa ina.

Nag bless din ako

"Happy Birthday po tita" bati ko

"Salamat iha, buti nalang nakapunta ka. Sabi ko dito kay David wag syang uuw kapag hindi ka kasama dito" natatawang sabi ng Mama nya

"Wala po yon, saka kayo pa. Malakas po kayo sakin eh" pam bobola ko pa

"Wala po akong dalang regalo tita pero i hahabol ko nalang po" sabi ko

"Sus anukaba iha, sapat na na nandito ka, ayos na yon"

"Oh kumain na muna tayo" singit ni David

"O sha, kumain na nga muna kayo, dito nalang kayo kumain sa loob para hindi mahiya si Jane sa labas" sabi ni Tita

"Oy Tanya, ikuha mo ng plato ang ate Jane mo" utos ni Tita sa batang babae na sa tingin ko ay pinsan ni David dahil wala naman syang kapatid na babae

"Sige po" pag sunod naman ng bata

"Sige na umupo na kayo don sa lamesa" pag aaya ng Mama nya

"Tara"

Kumuha lang ako ng spaghetti, lumpia at puto. Hindi ako kumuha ng kanin at ulam dahil busog pa naman ako

"Yan lang kakainin mo?" Tanong sakin ni David

"Oo"

"Tikman mo ung palabok ni Mama, magugustuhan mo yon" sabi nya habang nag sasalin ng juice sa baso tapos ay binigaybsa akin

"Sige, kukuha ako mamaya" nahihiya talaga ako sa mga ganitong handaan dahil hindi naman ako nag pupunta ng mga ganito

Sa totoo lang ay ito ang unang beses kong mag punta sa isang handaan

"Oh, kasama pala ni David ang nobya nya" nagulat ako ng may nag salita mula sa pinto

"Hindi nya yan nobya Mari, kaibigan pa lang" sagot naman ng mama ni David

Happy Crush Lang Ba Talaga? [Completed] Where stories live. Discover now