RL:27

179 3 0
                                    

27:he's sick

Pag dating sa bahay ay naabutan naming sinusukatan si Blythe, ngumisi ito nang makita kami. Si Rov kasi nagpumiilit pang ihatid ako dito sa loob ng bahay, pwede namang sa labas nalang. Marami din itong naiwang trabaho.

Gulat si mommy nang makita kami "Hijo I didn't know you come, dapat sinabi mo nang maaga para naipagluto kita ng lunch" Bumeso pa si Mommy kay Rov.

"It's okay tita, anything will do" sagot naman ng lalaki.

I glared at him "May trabaho ka pa" madiin sambit ko ngunit mahina lang, baka marinig ni Mommy, kurutin pa ako sa singit. Nakakahiya.

"Don't worry about it, hmm" Mahinang saad din nito. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.

"Manang Celine!" Tawag ni Mommy sa punong kasambahay ng bahay. Agad namab lumitaw sa harap namin ang matanda "Mag handa kayo ng tanghalian para kay Rov" tumango naman ang matanda sa utos nito.

Napa-iling nalang ako at lumapit sa nagsusukat dahil ako na ang susunod. Sinukat lang nila ang maiimportanteng parte ng katawan ko. Iwas na Iwas naman akong tumingin sa gawi ni Rov dahil ramdam ko ang titig nito sa'kin.

Nagpasalamat lang ako sa sumusukat sakin ng matapos niya akong sukatan. Agad akong umupo sa sofang inuupuan ni Rov, but I keep my distance. Siya lang tong lumapit sa akin at hinapit ang bewang ko.

"Your not wearing the dress yet, but your now gorgeous" agad namula ang pisngi ko sa binitawan nitong salita. Inirapan ko ito at bahagyang tinulak palayo, para itago ang pamumula ng pisngi ko.

"Hijo, magpasukat kana. Ikaw ang magiging date ni Rain" Sambit bigla ni Mommy na ikinanganga ko.

"Mom!" Suway ko dito.

"Hep, wala ka pang date!" Suway din nito sa akin "Sige na hijo" Nakangising sumunod naman si Rov kay mommy na ikinanguso ko.

Matalim lang ang tingin ko sa lalaki habang sinusukatan ito. Napapairap na lang ako tuwing sadyang iniyayakap ng babaeng sumusukat sa kaniya ang sarili sa bewang niya.

"Hey" tawag ni Rov sa'kin matapos siyang sukatan ng damit. Hindi ko siya pinansin at kunwaring tumitingin sa magazine ng mga dress. "Hey, may nagawa ba ako?" Hindi pa din ako umiimik

"Teh, kakain nadaw!" Dinig kong sigaw ni Blythe mula sa dining.

Tumayo ako at naglakad papuntang dining na hindi pinanpansin o inaaya ang lalaking kasama. Makapal naman ang mukha niya, kaya alam king susundan niya ako. Hindi nga ako nagkamali, nang maramdama ko ang presensya nito sa likuran ko.

Pagdating sa dining ay tahimik lang akong umupo, tumabi naman ito sa'kin. Hindi ako nagsasalita habang kinakausap siya ni Mommy tungkol sa kompanya at iba pang bagay.

"Pagiging business man ba talaga ang gusto mo?" Nakuha ng tanong nayon ang attention ko.

Ginusto niya kaya ang mag handle ng business, o no choice lang siya? Kagaya ko kaya ay pinapili din siya ng mga bagay na ayaw naman niya talagang gawin, tulad ng pagpapakasal o paghahandle ng kompanya?

Tumikhim muna siya bago magsalita "My real profession is a soldier, I was once handle Eagle Force which is Javier team at the moment" walang halong pagmamayabang na saad nito.

Hindi naman ako makapaniwalang tumingin dito. That's cool, men! Kaya pala sanay siyang humawak ng baril, sundalo pala amputa! Shet, may tagapagtanggol na pala ako pag nagkataon.

"Wow" manghang wika ni Mommy "Bat hindi mo itinuloy? What happened?" Tuloy na pagtatanong pa niya.

Tumingin muna ang lalaki sa'kin. He looks hesitated to answer. Iniwas niya ang tingin at tinuon iyon sa pagkain "I was shot near at my vital organs, it's complicated. I was comatose in 3 months, they didn't even expected for me to survive." Tumigil muna ito at huminga ng malalim. "After that, Mom didn't want me to go back and just want me to handle our family business" Dagdag nito.

My Possessive Bodyguard:RAIN_LOPEZ (Complete)Where stories live. Discover now