RL:21

176 3 0
                                    

21:free



Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko. "Gusto ko yan. Kukunin ko" Sabi ko, tukoy sa sapatos. Tumango lang ito at sinumulan nang alisin ang sapatos, tsaka isinuot ang suot ko kanina.

Kukunin ko na sana ang sapatas ng maunahan niya ako. Walang sabi-sabi itong naglakad papunta sa kinaroroonan nila JD, na ngayon ay inaayos na ang bibilhing sapatos. Kaagad akong sumunod at tinangkang kunin ang sapatos na napili niya, nang ilayo niya ito.

Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay "Akin nayan. Pababayaran ko kay JD."  Inis na sabi ko dito.

"I'll pay it." Tipid nitong sabi na mas lalo kong kinainis.

"No need." Mataray kong sabi. Tinangka ko ulit kunin ang sapatos pero nilayo niya lang ulit to "Akin na nga kasi Rov!" Sabi ko at inis siyang hinampas sa braso.

Dahil sa ginawa ko ay sinamaan niya ako ng tingin. "Damn woman. Ang sakit ng hampas mo" Iritang sabi nito sa akin. Inirapan ko lang ito.

"Anyare sa mukha mo?" Puna ni Blythe ng makalapit kami sa kanila.

"Namumula ka ate, nag kiss kayo?" Agad nanlaki ang mata ko at sinamaan ng tingin si Nicole. Napangiti lang ito at nag peace sign.

"We didn't kiss. Hindi ko naman siya jowa para halikan." Sabi ko sabay irap. Agad naman pabaubo si JD kaya sinamaan ko ito ng tingin. "Naiinis lang ako kase ayaw niyang ibigay ang sapatos ko!" Dagdag ko pa.

"Ako ang pumili nito" si Rov.

"Eh ano naman?!" Asik ko dito.

"Babayaran ko" seryusong sabi niya.

"Kung ganon ginamit mo lang ang paa para sa Vera mo" Laban ko dito. Nakakainis kasi, may pasukat-sukat pa siyang nalalaman sa paa ko kung sa iba din naman ibibigay.

"I told you, we're not together." Madiin at malamig na sabi nito.

Napakagat labi ako at pinilit pading labanan ang titig niya "Wala akong pake. Pero sa sapatos nayan ay may pake ako!" Madiin ko ding saad dito. Aba hindi ako magpapatalo, kung kausapin ako parang walang ginawa ah!

"Sayo to, ako lang ang magbabayad" pilit padin niya.

Mariin akong napapikit at napabuga ng hangin "Dina kailangan, may pera ang kapatid ko!"

"Tama nanga yan, parang mga bata amputa." Pigil samin ni JD. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan.
"Hayaan mo nang siya ang magbayad, baka mamulubi din kami." Nakangising sabi nito. Aba kinampihan talaga ang bestfriend!

"No way! Ako nalang ang magbabayad" Sabi ko at tinangkang kunin ang sapatos.

Bago ko pa man maabot iyon at hinayawak na niya ang dalawa kong kamay sa palapulsuhan, at ikinulong iyon sa isa niyang kamay. Dahil sa laki ng kamay niya at sa payat ng kamay ko, ay naging madali lang sa kaniyang gawin iyon.Tinangka kong bawiin ang mga kamay ko, pero mas hinigpitan niya lang ang hawak.

"Ouch" daing ko ng masaktan sa higpit ng hawak niya, pero hindi niya ako pinansin. "Rov Isa! Ang sakit!" Asik ko dito.

Tumikhim si Kuya Dark kaya napalingon ako dito, ganon din si Rov. Tumaas ang kilay niya kay Rov kaya napakagat labi ako. "Bitiwan mo, nasasaktan." Madiing sambit nito.

Nag-igting ang panga ni Rov at dahan-dahan akong binitawan. Na-guilty tuloy ako, baka akalain ni kuya ay sinasaktan ako nito. Pero totoo naman ah!

Tumikhim si JD at tinawag ang babaeng nag-a-asisst "Wrap it" utos nito, tukoy sa mga sapatos.

Agad nilang inilagay sa box ang mga sapatos at nilagay sa paper bag. Binayaran na ni JD Ang sapatos na binili ni Blythe at ang kaniyang sapatos. Hindi nadin ako nagpulit tungkol sa sapatos ko, bahala na siya sa gagawin niya. Agad tumaas ang sulok ng labi ko nang makitang ini-abot ni Kuya Dark ang isang paper bag kay Nicole na binayaran niya, nag pasalamat naman si Nicole dito. 

My Possessive Bodyguard:RAIN_LOPEZ (Complete)Where stories live. Discover now