"What? You're going to punch me honebabyloves?"

Tibay..

Iniba ko ang direksyon ng ulo ko saka mabilisan siyang inambahan ng suntok dahil napuno na talaga ako pero agad niya itong nahuli.

Gulat akong tumitig sa kaniya. Pilit kong inaalis ang kamay niya sa kamao ko pero hindi ko matanggal dahil sa laki ng kamay niya.

"You're the one who call me that first. Isn't it rude if I don't use our endearment you created?" Sabi niya sabay bitaw niya sa kamao ko. Hindi pinansin ang pag amba ko sa kaniya.

Inirapan ko nalang siya bago naglakad paalis sa harap niya. Nag-init ang mukha ko dahil sa galit at inis.

Naramdaman kong sinusundan niya ako dahil rinig ko ang mga hakbang nito kaya tumakbo na ako. Narinig ko pang tinawag niya ako pero nilingon ko lang siya saka binelatan. Nakita ko ang ngisi niya bago ako tumalikod.

Dumiretso na agad ako sa canteen at nakipagsiksikan sa linya.

"What the heck!"

"Hey!"

"Ouch!

"Sumisingit!"

Rinig ko ang sigaw nila pero hindi ko na sila pinansin.

"Ha! Ate! Pabili ako!" Hingal na sabi ko sa kanya.

"Ano?!"

Gulat kong inangat ang tingin sa tindera.

"Sinisigawan mo ba ako!?"

Balik na sigaw ko sa tindera pero tinaasan niya lang ako ng kilay at nginuya nguya yung bubble gum niya.

"Anong order mo!?"

Tibay inulit pang sigawan ako..

Hindi ako makapaniwalang ginanon ganon lang ako kaya tinignan ko siya ng masama hanggang sa mailang siya.

"A-anong o-order mo! Andaming nag-aantay!"

"Ice cream na cookies and cream saka sandwich!" Balik na sigaw ko sa kanya. Hindi ako papatalo.

Baka Derna 'to.

"55 pesos lahat!" Sabi niya sakin pagkabigay niya ng order ko kaya agad ko nang inilapag yung puro piso kong pera.

Ano?

Magdusa ka! Sinigawan mo ako eh!

Tinignan niya muna 'yong nilapag ko saka ako kinunutan ng noo.

"Ano yan?!"

Bobo

Pati barya hindi niya alam!?

Noong nakaraan 'yong guard kung ano ano sinasabi sa ID. Ngayon naman itong tindera.

"Malamang barya! Bobo!" Sigaw ko sa kanya pabalik.

Please, Say Yes.(Under Editing)Where stories live. Discover now