TWENTY FOUR :

8 0 0
                                    

FINNLEY

AFTER one year ay nakamit na ni Ate ang pinapangarap niya at nakapagtrabaho na ngayon sa isang kilalang kompanya. Kahit na lagi siyang busy sa trabaho ay tinitiyak naman niya na mayroon kaming bonding at heto kami ngayon magkasamang kumakain sa bahay.

"Ilang months na lang at magpapasukan na ulit kayo, alam mo na ba ang kukunin mo sa college?"

"Hindi ko pa rin alam," sumubo ako ng pagkain.

"Kung mag-business ka na lang din kaya?" suhesyon niya.

"Wala akong alam dyan, iba na lang,"

Naunang natapos sa pagkain si Ate at dinala niya mula sa kusina ang dalawang hiwa ng cake.

"May nakita akong cake kanina, mukhang masarap kaya ito," inilapag niya ito sa mesa. Habang nakatingin ako rito ay bigla kong naalala ang nalalapit na birthday ni Mama. Hindi sila pala handa sa mga birthday nila kaya walang ganap sa bahay kahit na birthday nila.

"Ate naalala mo ba nung birthday ni Papa?" sinulyapan ko si Ate na abalang kumakain ng cake.

"Alin doon?"

"Siguro ilang taon lang tayo nun at nag-uwi siya ng dalawang barbie, isang lalaki at isang babae. Tapos ang ending ako lang din naglaro,"

"Ah! Yong pinapili ka kung si Ken o si Barbie? Tawa ako noon ng tawa kasi pinili mo si Ken at sinabing magpapakasal ka sa kanya,"

"Nakita mo ba yong mukha ni Papa noon? Kasi ang sabi ni Mama alam naman na daw nila ang kasariaan ko at hinihintay na lang nila akong umamin,"

"Yong mukha ni Papa? Oo! Nakangiti siya noon habang nakatingin sa 'yo. Narinig ko pa nga na sinabi niyang 'mukhang dalawa ang ating prensesita'"

Dumaloy ang luha sa aking mga mata.

"Fin? Bakit? May masakit ba sa 'yo?" Agad na tumayo si Ate at nilapitan ako. Umiling lang ako at kinuha ang cake.

"Ang sarap pala nito," saad ko at muling sumubo. Pinunasan naman ni Ate ang pisngi ko at ginulo ang buhok ko.

"Ate naman, bakit mo ginulo ang buhok ko?" sita ko rito.

"Sus, sige na tapusin mo na iyan para makaligo ka na." Dala ang ibang mga plato ay nagtungo ito para maghugas. Nang matapos na ako ay ibinigay ko ang natirang mga plato at nagpunta sa kwarto para maghanap ng masusuot. Kung dati ay hati pa kami ni Ate sa kwarto, ngayon ay tag-isa na kami.

Nang nakahanap na ako ng masusuot ay nagpunta na ako agad sa banyo para maligo. Pakiramdam ko ay may pumasok ng kwarto ko kaya natahimik ako. Pinakiramdaman ko pa ito ng ilang saglit at ng maramdamang tila wala naman at nagpatuloy na ako sa pagligo.

Inabot ako ng ilang minuto sa banyo at paglabas ko ay nadulas pa ako at unti-unting dumausdos sa kama. Sinabi ko bang kama? Bakit tila sa iba ako dumausdos?

"Ang bigat mo pala Fin." Napatayo ako ng may biglang nagsalita. Sabi na nga ba may pumasok ng kwarto ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito.

"Hindi mo man lang ako babatiin ng good morning?"

"Anong good sa morning kung bigla-bigla ka na lang pumapasok sa kwarto ko? Paano na lang nakahubo't hubad ako dito?"

"Mukhang ginanahan ako laging pumasok dito. I want to see you na walang sapot," ngumisi ito.

"Manyak!" Pahakbang na sana ako ng muli akong nadulas at muling natumba sa kanya. Bumukas naman ang pinto at niluwa nito si Ate na gulat na gulat.

HS #3: Waiting for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon