TWENTY TWO :

11 0 0
                                    

FINNLEY


ILANG araw ang lumipas at patuloy pa rin akong ginugulo ng masamang panaginip na iyon.

"Ayos ka lang ba? You look pale," alalang tanong ni Gheric. Umiling lang ako saka ngumiti.

"Nagugutom na ako," saad ko at hinawakan ang tyan ko. Agad naman kaming nagpunta sa malapit na restaurant at um-order ng pagkain. Kanina pa kami namamasyal dito sa isang amusement park at ilang rides na rin ang nasakyan namin.

"Thank you sa pagdala sa akin dito," pagpapasalamat ko kay Gheric.

"No worries, kahit araw-araw pa tayo dito," he makes a smile kaya ngumiti rin ako sa kanya.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang kami saglit at muli kaming sumubok ng mga rides. Namataan naman ng mata ko ang roller coaster kaya hinila ko si Gheric at itinuro ito.

"Wag mong sabihin na sasakay tayo dito?" tila siya namumutla kaya siniko ko ito.

"Umayos ka nga, namumutla ka na oh,"

"A-Ako? N-Namumutla?" Kinuha niya ang cellphone niya at nanalamin. "H-Hindi naman ah," napailing na lang ako dito.

"Naku, naku, siya sige ako na lang mag-isang sasakay," inwan ko na siya at nagpunta sa pila. Ang buong akala ko ay hindi siya susunod pero maya-maya pa ay may kumapit sa braso ko and it's Gheric.

"Akala ko ba natatakot ka? Bakit ka sumunod?"

"Ako natatakot? Baka sila ang matatakot sa akin," mayabang niyang sabi. Malapit na kaming makaupo at tila nanginginig na ang kasama ko. Natatawa na lang ako sa hitsura niya.

"Chill, relax ka lang," saad ko.

"Sino nagsabing tensed ako?"nagkunawari itong matapang na lalo kong ikinatuwa. Maya-maya pa ay turn na namin upang sumakay at pahirapang isakay si Gheric dahil hindi daw niya maigalaw ang paa niya. Nang makasakay na kami ay panay ang kapit niya sa akin samantalang di pa ito nag-uumpisang umanadar.

Nang mapuno na ang roller coaster ay pinaandar na nila ito. Sa una ay mabagal lang ito and boom, sobrang bilis na at nakakahilo kung hindi ka sanay. At itong kasama ko? Mukhang humiwalay na ata ang kaluluwa niya at daig pa ang babae kakatili. Dapat pala nagdala ako ng pambusal sa bibig dahil mukhang eardrums ko ang mababasag sa kakasigaw niya.

Nang makababa kami ay kulang na lang na isumpa niya ako dahil sa nangyari sa kanya. Hinang-hina siya ngayon at may hawak ng plastic dahil maya't maya siya sumusuka.

Mahinang nilalang.

"Paano mo ako makakasama sa mga gusto kong gawin kung sa pagsakay lang ng roller coaster ay hapong-hapo ka na?" natatawakong sabi at tinignan niya lang ako ng masama.

"The hell, mukhang mauuna akong mamatay kaysa ang maikasal sa 'yo," natigil ako sa pagtawa. Tama ba ang dinig ko? Maikasal sa akin?

"Halika na nga, mukhang matindi pa rin yang hilo mo at kung anu-ano yang mga pinagsasabi mo," akmang aalis na sana ako ng bigla niyang hatakin ang braso ko.

"Finnley Velasco, will you be my boyfriend?" Dahan-dahan siyang lumuhod. Hindi naman siya nag-pro-propose kaya wala itong hawak na singsing.

Nagkumpulan na ang ilang mga tao. Nahihiya na ako kaya pilit ko siyang pinapatayo pero sadyang matigas ang ulo niya.

"Hindi ako tatayo rito hanggat hindi mo sinasagot ang tanong ko. I will ask you again. Finnley Velasco will be my boyfriend?" pag-uulit niya.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at kahit na alam kong maraming nanonood sa amin ay agad ko siyang hinalikan, tanda na pumapayag akong maging boyfriend niya.

HS #3: Waiting for LoveWhere stories live. Discover now