_xavriel.dlpz: sige, I'll be there

david.arinuevo: yown! Thankyou

_xavriel.dlpz:🥰

david.arinuevo: goodnight! Wag mo ako masyado isipin dahil hindi ako maka tulog

Hindi na ako nag reply don dahil hindi ko naman alam ang isasagot pa

Birthday pala ni tita bukas, ano kaya magandang ma iregalo sa kanya

Nag scroll lang ako sa online shop ng nga pwedeng panregalo

What if...dress, kaso mukang hindi naman nag susuot si tita ng ganong damit

Sapatos kaya....pero sabi nya sa akin ay hindi sya mahilig sa mga sapatos

Kung pagkain naman ay baka hindi nya magustuhan o baka di sya masarapan

Nahihirapan akong umisip ng magandang pang regalo kay tita

Eh kung ako nalang kaya? I regalo ko ang sarili ko para sa anak nya

Hindi na ako umorder dahil matagal pa ang shipping non, bukas na ang birthday nya

Wala din ako oras bukas dahil sa tanghali daw kami pupunta kaya hindi ako makakabili ng regalo

Naisipan kong i hahabol ko nalang yon

Hindi naman materialistic si tita kaya ayos lang

Hindi pa nga din mawala sa isip ko ang pag uusap ni kuya kanina

At bakit kailangan nya akong protektahan? Protektahan para san?

At lalong nakaka pag pa sakit ng ulo ko ay kung sino ang kausap nya

Ano ang koneksyon nya kay kuya?

__________________________________________________________________

Nang magising ako ay agad akong bumangon dahil papasok pa ako, naligo lang ako at nag bihis bago bumaba para kumain

Pag baba ko ay naabutan ko pa si kuya doon sa lamesa, nakabihis din sya para sa trabaho

Pumasok na naman sa isip ko yung kagabi, gusto ko syang tanungin kaso ay hindi ko magawa

"Hey! Kumain ka na dito?" Tawag nya sa akin

"Ihahatid kita" dagdag nya

Lumapit ako sa kanya at humalik bago umupo sa tabi nito

"Why? Hindi ka ba busy?" Tanong ko

"Nope, sasaglit lang naman ako sa trabaho tapos ay uuwi din ako agad"

"Wow! Bago yan kuya ah. Hindi ka busy, may sakit ka ata" pag bibiro ko

"C'mon, ayaw mo ba ihatid ka ng poging pogi mong kuya"

Hindi na ako sumagot dahil hahaba lang ang kahanginan ng mga sinasabi nya kaya kumain nalang din ako

Napairap nalang ako sa ere ng makita ang isang plato sa lamesa at kung ano ang laman nito

'Pancake'

Wala naman akong hate sa pancake pero nauumay na kasi ako, kahit nakikita ko lang ito ay nauumay na agad ako

"Baka mapatay mo yang pancake, easy ka lang" sabi ni kuya

"Huh"

"Kung maka tingin ka kasi dyan eh parang may ginawa sayong masama yan" natatawang sabi nito

"Hindi ka ba nauumay kuya"

"Puro ka pancake"

"Why?" Nagbigay sya ng inosenteng mukha "I love pancakes" direktang sabi nya

Happy Crush Lang Ba Talaga? [Completed] जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें