Chapter 14

9 1 0
                                    

Chapter 14

Annica's POV

Mabilis kong tinulak sa balikat si Kendrick at tumingin sa likuran niya. Suminghap ako nang bumungad sa paningin ko ang blangkong mukha ni Leon na nakatingin sa amin ni Kendrick. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Kendrick na nakakunot ang noo.

Bumaba ang kanyang tingin patungo sa bewang ko kung nasaan naro'n pa rin ang kamay ni Kendrick.

"Who is he, Annica?" bulong ni Kendrick sa tenga ko habang titig na titig kay Leon.

Hindi ko pinansin ang tanong niya at basta na lang na binaklas ang kanyang braso na nasa bewang ko. Bumaling ako kay Leon na blangko pa rin na nakatingin sa 'min.

"L-Leon, anong ginagawa mo dito?"

Nakakunot ang noo niya na tumingin siya sa akin. "Ikaw anong ginagawa mo dito? Saka sino itong kasama mo?"

Kinalma ko muna ang sarili ko bago magsalita ulit. Ayaw kong mautal. Bakit ba ako kinakabahan? Si Leon lang naman 'yan, 'tsaka wala akong— kaming ginagawa na masama dito.

Napailing ako nang pumasok sa isip ko ang imahe kanina na halos magkahalikan na kami ni Kendrick.

"Nauna akong magtanong. Anong ginagawa mo dito?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Papunta ako sa talon. Ikaw anong ginagawa mo dito?"

Uy! Tama! May kasama na kami. Hulog ka ng langit, Leon. Kaso ang wrong timing ka, hindi mo muna hinintay na ma-kiss ako ng crush ko bago ka sumulpot.

"Doon din punta namin!  Sabay na tayo," excited kong sabi.

Narinig ko ang pagtikhim ng katabi ko kaya napatingala ako sa kanya. Ang tangkad talaga.

Nginisihan ko lang ang magkasalubong ang kilay na si Kendruck at inaya na silang dalawa na umalis.

Saka ka na siguro umi-score ng halik kapag ready ka nang makuha ang first kiss ko.

"Nica, kailan balik ni Katherine?" mahinang tanong ni Leon habang nakaupo kaming dalawa sa putol na kahoy habang si Kendrick ay nakaupo naman sa malaking bato sa harapan namin.

"Hindi ko alam. Hindi nga ako kinausap nun bago umalis e." ngumuso ako.

Nagkasalubong ang kilay ni Leon nang makita akong ngumuso.

"Para kang pato." pinitik niya ang aking nguso kaya napahawak ako roon at mahinang napa-aray.

Ayaw niya talaga akong nakikitang ngumuso kahit noon pa man. Kahit noong Grade 9 kami hindi niya talaga nilulubayan ang nguso ko kapag hindi niya mapipitik.

"What are you doing?!" nagulat ako nang biglang lumakas ang boses ni Kendrick. Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit sa 'kin.

Nagtatakang sinalubong ng tingin ni Leon ang galit na si Kendrick. "Pinitik ko. Nakita mo naman siguro. Hindi bagay sa kanya ang ngumunguso."

"Hindi mo siya kailangang pitikin. Ano bang pakialam mo kung gusto niyang ngumuso? Hindi mo siya pag-aari para basta mo lang pitikin yung nguso niya!"

Napahawak ako sa braso ni Kendrick nang akma niyang lalapitan si Leon na bakas pa rin sa mukha ang pagtataka.

"What's the big deal?" kunot noong tanong ulit ni Leon.

Ito talagang animal na ito ang slow masyado. Syempre ayaw ng crushiecakes ko na may pumipitik sa nguso ko.

"The big deal is, masyado kang pakialamero."

Napatayo ako sa pagkaka-upo nang bigla akong hinila ni Kendrick paalis.

May binulong-bulong siya sa hangin na hindi ko maintindihan. Baka mamaya nagdadasal na pala siya sa mga kampon ng dyablo para parusahan si Leon a?

"Kendrick, teka saglit lang!" reklamo ko nang bigla akong matisod sa isang sanga.

Tumigil siya sa paglalakad at nakapa-meywang na humarap sa 'kin. Napakagat labi ako nang tumingin siya na parang may nagawa akong masama.

"Hoy, 'wag mo akong tingnan ng ganyan. Wala akong ginagawang masama."

Inirapan niya lang ako at tumalikod na. Nagtataray pa shuta talaga. Tumakbo ako para maabutan ko siya. Ang bilis niyang maglakad a? Samantalang parang pagong naman kanina.

Umupo ako sa tabi niya nang maabutan ko siyang nakaupo sa damuhan. Nakatukod ang kaniyang dalawang kamay sa likuran bilang suporta nang sulyapan niya ako.

"Bakit galit ka kay Leon kanina?" tanong ko.

"You know what? Kung 'yung lalaki lang na iyon ang bukambibig mo dito, bumalik ka na lang do'n."

"Tinatanong lang e, nagtataray agad. May monthly period ka ba?" umirap ako sa hangin.

Lumingon ako sa kanya nang humiga siya sa damuhan at ginawang unan ang dalawang braso. Umiwas ako ng tingin nang tumingin siya pabalik sa 'kin. Kahit nakaupo ako at nakatalikod sa kay Kendrick ay ramdam ko pa rin ang titig niya sa likuran ko.

Nasa harap kami ng talon. May mga puno sa paligid na hindi ko alam kung ano ang tawag. Malinaw ang tubig ng talon at sariwa rin ang hangin. Kung may dala lang sana akong damit makakaligo sa ako ngayon dito.

Napapikit ako nang dumaloy sa alaala ko ang huling ligo namin dito kasama ni Leon at Katherine. That was also the last time that I've heard Katherine's laugh and voice. How I wish she were here.

Naalala ko pa kung gaano ako kainis sa kanya noon dahil bigla niya akong tinulak mula sa taas ng talon.

Muntikan akong malunod dahil hindi ako naging handa. Mabuti na lang at sumunod sa pagtalon si Leon at sinagip ako. Dinala ako ni Leon sa batuhan, pinaupo niya ako sa ibabaw ng bato habang nakatayo naman siya sa harapan ko.

Kahit basa ako sa tubig ay naramdaman ko na may mainit na dumaloy pababa sa pisngi ko. Binalot ako ni Leon ng mainit na yakap, tahimik akong umiiyak sa kaniyang dibdib. Paano kung nalunod ako? Paano si mama, hindi pa naman ako nagpapaalam.

"Hush. . . Tahan na, Nica." pinalis ni Leon ang luha sa pisngi ko.

Nang tumahan na ako sa pag-iyak ay inaya niya na akong bumalik sa itaas. Pagkarating namin sa itaas ng talon ay naabutan namin si Katherine na tahimik rin na umiiyak. Nang makita niya kami ay mabilis siyang lumapit sa 'kin at humagulhol na yumakap sa 'kin.

"S-Sorry, Ann. . . sorry." hagulhol niya sa balikat ko.

Hindi ako yumakap pabalik sa kanya kahit gaano pa kahigpit ang yakap niya sa 'kin.

"Paano. . . Paano kung nalunod ako? Paano kung wala dito si L-Leon? Anong sasabihin mo kay mama kapag may nangyaring masama sa 'kin?" humikbi ako at mahinang tinulak sa balikat si Katherine para kumalas sa pagkakayakap sa 'kin.

Naramdaman ko ang paghagod ng kamay ni Leon sa likuran ko. Tiningnan ko si Kath na patuloy sa pagluha at sinusundan ng tingin ang bawat galaw ng kamay ni Leon.

Nasasaktan ako para sa kanya. Nasasaktan akong makita siyang umiiyak, pero mas nanaig sa akin ang inis at pagtatampo sa kaniya.

She was about to open her mouth to say something, pero bago pa may lumabas na salita sa bibig niya ay pinutol na iyon ni Leon at pinatahimik siya.

Napabalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang kamay ni Kendrick na pinapahid ang tumulo na luha sa pisngi ko.

Walang isang salita niya akon binalot ng mainit niyang yakap. Mahina akong humagikhik dahil hinihigpitan niya ang pagkakayakap sa 'kin.

"Are you okay?" tanong niya.

Umiling ako.

Mas lalong hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa 'kin. "Is there something wrong?"

"Naiipit ako."

Mahina siyang natawa at niluwagan ng kaunti ang kaniyang yakap.

©: ayzarae

Wish I Was Still A Kid | Youth Series #11Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt