Chapter 4

10 4 0
                                    

Chapter 4

                           Annica’s POV

“Ikaw ba si Annica?” napatuwid ako sa pagkakaupo nang marinig ko ang boses ng mama ni Katherine sa sala.

Sabi ni Kath, 29 pa lang daw ang mama niya at gano'n din ang mama ko. Lumapit sa'kin ang Ginang at nginitian ako. Ang bata niya pang tingnan, blond na hanggang balikat ang kaniyang buhok at naka floral dress.

Tumango ako. “Magandang hapon po...”

“Just call me tita, okay?”

Tumango ulit ako at ngumiti. Malaki ang bahay nina Kath, may second floor tapos may swimming pool pa sa labas. Nagpaiwan ako dito sa sala at umakyat naman sa kwarto niya si Katherine para magbihis at maglinis ng katawan.

“I'm so happy that your mother allowed you to be here ija,” nakatingin lang sa'kin si tita Angie  na may nakaplastered na ngiti sa mga labi. “Ikaw ang unang naging kaibigan ni Katherine dito sa laguna.”

Ngumiti rin ako. “Si Katherine din po ang una kong naging kaibigan….”

“Talaga?”

Tumango ako. “Opo…”

Niyakap niya ako nang nakangiti. “That's nice to hear!” nang bumitiw sya sa 'kin ay ngumiti ulit ako. “Ahm.. Oh by the way, magluluto muna ako ng food para sainyo at kung matatagalan si Kath. Puntahan mo nalang sya sa kwarto niya, okay?” 

Tumango ako, kunware nalang alam ko kung nasaan ang kwarto ni Kath.

Habang naglalakad ako sa hagdan papunta sa second floor kung nasaan ang kwarto ni Kath ay hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng bahay nila. May chandeliers, mga paintings na nakadikit sa dingding, at isang family pictures yata 'to na umagaw sa atensyon ko nang nasa harap na ako ng pinto na may pangalan ni Katherine.

Siguro family pictures nila 'to, habang tinitingnan ko ang retrato ng mama, papa, at kapatid ni Katherine ay hindi ko maiwasang humanga. Ang gaganda at gwapo nila.

Magkatabing nakaupo ang mama at papa ni Kath. Si katherine nakatayo sa tabi at nakapatong ang isang kamay sa balikat ni Tita Angie at ang kapatid naman niyang lalaki ay nakatayo sa gilid ng papa niya.

“O’ Ann, and'yan ka pala.”

Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang gulat na boses ni Katherine.

“Ah... Nagluluto pa kasi ang mama mo ‘tas sabi niya puntahan daw kita dito sa kwarto mo.” I straightened my back and give all my attention into my friend. “Nadaanan lang ng mata ko ang frame kaya tiningnan ko muna...”

“Halika, pasok ka muna...”

Hinawakan niya ang isa kong kamay at marahang hinatak papasok sa loob ng kwarto niya.

“Ang laki naman dito, Kath.” hindi ko maiwasang pagkomento dahil sa paghanga ko sa kwarto niya.

May isang kama na kasya ang dalawa, may closet para sa mga damit niya, may study table malapit sa pinto kung saan kami nakatayo, may isa pang cabinet din na naglalaman ng mga laruan niya at shoe rack kung saan nakahanay ng maayos ang mga sapatos at sandalyas niya, mayroon din siyang sariling banyo. At mayroon ding pink na vanity mirror malapit sa closet.

Mas malaki ang kaniyang kwarto kumpara sa'kin. May aircon din siya, samantala ang kwarto ko nga electric fan lang meron.

“Ahh...” tumakbo sya papalapit sa cabinet kung nasaan ang mga laruan niyang barbie. Kinuha niya ang dalawang set ng barbie house at nilagay sa ibabaw ng kama niya. “Lika, Ann. Laro tayo... matagal pa 'yon matatapos si mama.”

Wish I Was Still A Kid | Youth Series #11Where stories live. Discover now