Napatampal nalang ako ng noo ko dahil doon. Alam niyang hindi ako girlfriend nong mokong na iyon.

"Girlfriend!?" Gulat parin na ulit ni Jace na tila hindi niya narinig kanina.

Ano ba 'tong pinasok ko..

"Yes! Pinakilala siya sakin ni Kuya earlier. You! Kunwari ka pang hindi alam!" Dagdag pa ni Gabriella at tumatango tango. Habang ako nakayuko lang.

"Tara na nga sa table nyo nangangalay na ako dito!"

Tumango nalang si Jace sa kaniya at tumingin sakin ng nakatagilid ang ulo at nagtataka.

Pareho sila ni Pres kung mangilatis. Pansin ko lang.

Ilang hakbang lang ang nilakad namin papunta sa table nila. At agad din naman kaming pinaupo nito.

Kwento lang ng kwento si Gabriella tungkol sa kanya. Nakikinig naman kami ni Jace kaya mas lalo atang ginanahan mag kwento. Nalaman kong 2nd year highschool palang siya.

Napagkamalan ko pang nilalandi ni Pres. Sasabihin ko na sana ng pedophile eh.

No offense pero mukha na siyang senior high din dahil sa ganda niya.

Hope all.

Napatigil lang siya sa pagkukwento ng dumating na si Pres at agad tumuon sakin ang tingin niya kaya agad akong umiwas. Pinasadahan ko ng tingin ang mga hawak niya. Andami niyang dalang pagkain! Titignan ko ulit sana siya, nang makita kong nakatingin parin pala siya sakin kaya umiwas ulit ako.

Tangina.. kinakabahan ako..

Hind ko alam pero nakaramdam na naman ako ng kaba dahil sa presensya niya.

"Here's your mogu mogu and donuts." Lapag niya ng pagkain sa harap ni Gabriella habang nakatingin parin sakin "And this is for my HONEYBABYLOVES." Sabi niya saka ako nginisian.

Narinig ko ang muntik ng pagduwal ni Jace pero hindi ko na iyon pinansin dahil Isa isang nilalapag ni Pres ang inorder niya. Andami niyang nilapag sa harap ko.

Tinignan ko isa-isa iyon saka napalunok ng laway. May Sausage, C2, Pizza, Donuts, Burger, Fries, Tubig, Pancake, at Cake!

Shutangina hindi ko maaubos 'to!

"Wow Kuya ha! Ang sweet mo naman!" Nakangiting ani ni Gabriella kay Pres. Nginitian lang rin siya nito saka lumingon sakin.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Napansin kong maraming studyante ang nakatingin sa pwesto namin. Yung iba nakatingin pa ng masama sakin.

Kung wala lang ako sa sitwasyon na 'to ngayon, paniguradong kanina ko pa kayo binawian ng masamang tingin.

Yumuko nalang ako at nagpipigil ng gutom dahil nahihiya ako.

For the first time in my life! Nahiya din ang mukha ko na kasing kapal ng paa ng kabayo.

Kahit ang bango bango nang pizza, tiis tiis muna. Ilang minuto akong nakayuko hanggang sa may kumalabit na sakin. Binaling ko ang ulo doon, at namataan kong si Gabriella pala.

"Oh Ate Derna, Why hindi mo ginagalaw 'yong pagkain na bigay ni Kuya? Ayaw mo ba niyan?" Sambit niya.

Kahit si Pres at Jace ay napatingin din sakin at sa pagkaing nasa harap ko.

"Ah.. Hindi sa g-ganon..a-ano...ano kasi..diet ako. Oo diet ako." Alanganing sagot ko sa kanya at umiling iling pa.

Takam na takam na ako sa pagkain sa harap ko.

Anong klaseng parusa ito lord.

"You should eat ate! Kahit unti unti lang." Tumango nalang ako sa kanya.

Please, Say Yes.(Under Editing)Where stories live. Discover now