"Not yet... Let's go? Recess, My treat." Pag-aaya niya sa babae saka hinawakan sa braso.

"Saya mo ha." Sarkastikong bulong ko.

Dahil dakila akong loko may naisip akong kalokohan.

"Okay!" Rinig kong sagot ng babae sa paunlak ni Pres na mag recess.

Akmang aalis na sila, agad akong lumabas sa tinataguan ko saka nagmamadaling pumunta sa harap ni Pres.

"Baby! Sino siya!? Pinagpalit mo na ako!? Manloloko ka!" Sigaw ko kay Pres sabay sampal sa kanya, kitang kita ko kung paano tumagilid ang ulo niya dahil sa pagkakasampal ko.

Nakabawi na ako.

Gulat niyang ibinalik ang tingin sakin habang hawak ang pisnge niya. Napansin kong iyong babae ay hinablot niya at inilikod ito. Nakatikom lang ang bibig nang babae at halata ang gulat na mukha nito.

Ang gulat na mukha ni Pres kanina ay napalitan ng galit ng lumapit siya sa akin.

"What the fuck!?" Sigaw ni Pres sa mukha ko.

Since nakabawi na ako, handa na sana akong kumaripas ng takbo pero hindi iyon natuloy dahil agad niyang hinawakan ang braso ko ng napakahigpit.

Pilit kong inaalis ang mga kamay niya sa dalawang braso ko ngunit hindi ko kaya ang lakas niya.

"O-oy pare, b-bakit?" Smabit ko habang iniinda ang higpit ng pagkakahawak niya.

Nilapit niya ang mukha tainga ko kaya agad akong napapikit. "Pare huh? Not baby?"

Agad kong minulat ang mata at tinignan ang nakangisi niyang labi. Shit! Magsasalita na sana ako at akmang babawiin ang sinabi ko dahil nakakatakot pala siya magalit, nang bigla nalang din siyang sumigaw na nagpatigil sa'kin.

"No! Of course not! I'm not cheating on you baby! Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko!" Sambit niya na nagpatigil sa'kin.

Ramdam ko parin ang kamay niya sa braso ko pero mas ramdam ko ang nag-iinit kong mga pisnge. Ilang segundo akong natulala at pinakatitigan ang mukha niya bago ako bumalik sa wisyo.

"A-anong sinasabi mo!?" Takang balik ko sa kanya dahil hindi ko akalain na papatulan niya ang kabaliwan ko.

Nilingon ko ang paligid, at buti nalang ay walang nakarinig sa sinabi nito dahil konti lang ang mga estudyante dito sa garden ngayon.

Nabalik lang ang tingin ko sa kaniya nang gumalaw ang kamay niya sa braso ko. Nasaksihan ko kung paano mang gigil ang panga nito. Napansin ko rin ang bakat ng kamay ko sa pisnge niya.

"What?! Baby! Believe me, I'm not cheating on you!" Ulit niya at diniinan niya pa talaga 'yong BABY.

Inilibot ko ang paningin ko dahil nakarinig na ako ng kaunting mga bulungan. Mukhang may nakapansin na sa'min. Masama ang tingin ng iba sa akin, at 'yong iba naman ay nagtataka kung anong nangyayari.

Mukhang akala ata nila ay totoo akong girlfriend ni Pres dahil sa buhok ko.

Binalik ko ang tingin ko kay Pres na galit ang mata pero nakangiti.

Ang creepy...

"A-ah Pre-"

"Shh stop talking baby." He said before he put his index finger to my lips, trying to shut my mouth. Natigil ako dahil doon. Randam ko ang nginig ng katawan ko nang mailapat niyang ang daliri sa labi ko.

Strawberry With Chocolate Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang