Chapter 11: Friends

26 7 7
                                    

Sabado ngayon at tulad na ng nakasanayan ko, maaga akong gumising para maglinis ng buong bahay at ng silid ko. Si Clarence ang sumama kay Nanay sa palengke dahil magkikita kami nina Mo at Kristine para makapagsukat ako ng gowns at magpa-practice na rin kami ng sayaw para sa talent ko sa pageant.

"Kuya, sa tabi na lang po," pagpara ko sa sinasakyan kong tricycle sa tapat ng isang commercial complex dito sa bayan.

Hinanap ko ang hagdan patungo sa second floor kung nasaan ang pinakamalaking patahian ng gown at rentals dito sa Angono na pagmamay-ari pala ng tita ni Mo. Pagkaakyat ko sa second floor, narinig ko agad ang boses ni Mo.

"Caela, dito!"

Masaya akong lumapit. Naroon na rin si Kristine na halatang excited para sa akin. Pagpasok namin sa loob ay nagulat ako sa laki nito.

"Alfred, siya ba ang kaibigan mo?" masayang bati ng isang babae na sa tingin ko ay nasa edad singkwenta na.

Tumango si Mo. "Opo. Asan po si tita?"

"Busy siya kasi may tinatapos pa doon sa design na pinapagawa nung isang kandidata. Sunod kayo sa akin ipapakita ko sa inyo yung mga puwede ninyong hiramin," magiliw pa ring pag-eestima sa amin ng babae. May kahabaan ang buhok niya at maganda ang pangangatawan kahit may edad na.

Sumunod kami sa kanya at tumambad sa amin ang ilang hilera ng mga gown. Sa dami ay parang hindi ko alam kung paano ako pipili.

"Kayo na ang pumili. Naroon sa bandang kanan ang fitting room," saad ng babae bago kami iniwan sa kwartong iyon.

Napatingin ako kay Kristine dahil hindi ko alam ang gagawin. Ngumiti siya para pagaanin ang loob ko. "This is exciting! Tara simulan na natin!"

Dalawang gown ang kailangan kong piliin, isa para sa opening program kung saan magpapakilala ang mga kandidata at isa para sa evening gown competition.

"Ganito ba ang kailangan mo?"

Napalingon kami ni Kristine kay Mo na may hawak-hawak na dilaw na long gown na maraming sequins.

Sinamaan ng tingin ni Kristine si Mo. "Gusto mo bang magmukhang bagong miyembro ng Boohbah si Caela?"

Natawa ako sa komento ni Kristine habang napakamot naman ng ulo si Mo. Sa inis ng huli ay naupo na lamang siya sa isang couch sa pinaka-gitna ng silid na iyon. Muli naming ibinalik ni Kristine ang atensyon sa paghahanap ng gown. Maghiwalay kami ng rack para mabilis kaming makahanap.

"Heto!" Napahiyaw si Kristine at dinala sa gitna ang isang simpleng peach one shoulder long dress na gawa sa chiffon fabric. May ruffles ito sa gilid.

Napangiti naman ako ng may makitang white long sleeves dress na may silver sequins sa balikat at balakang. Kinuha ko ito at dinala rin sa gitna.

Una kong sinukat ang napili ni Kristine. Nang lumabas ako sa fitting room ay maluwag ang ngiti ng dalawa tila kuntento sa kanilang nakikita.

"'Yan ang isusuot mo sa opening, simple pero elegante sa iyo," komento ni Kristine na sinang-ayunan naman ni Mo.

Muli akong bumalik sa loob ng fitting room at isinuot naman ang puting evening gown. Nasiyahan din ang dalawa sa suot ko. Kaya nagdesisyon na kaming iyong dalawa na ang isusuot ko.

Tinawag ni Mo ang babae kanina upang ipakita ang mga napili namin. Muli niyang ipinasuot sa akin ang mga damit at saka tiningnan kung may dapat i-adjust sa dibdib at baywang.

Bago mag-alas dose ay natapos na kami sa gown rentals kaya nagyaya na ang dalawa na kumain ng tanghalian. Nagpasya kami na sa SM Foodcourt na lamang kakain dahil hindi kami magkasundo sa gusto naming kainin.

Two Steps Behind YouWhere stories live. Discover now