He's familiar pero hindi ko na iyon pinagtuonan pa ng pansin.

"Manong guard sige na kasi! Papasokin mo na ako, hindi ka ba naaawa sakin.."

Nag puppy eyes ulit ako sa kanya para lang pumayag siya pero dinedma niya lang ang cuteness ko dahil hinawi niya ako paalis.

"Umalis ka diyan!" Iritang saway niya sakin, pero hindi ako titigil.

"Eh.. kuya paano kung maholdap ako dito kasi hindi mo ako pinapasok? Edi kawawa ako! Ikaw sisisihin ko pagnaho-"

"Ay aba iha, hindi ka mahoholdap dito, Ayan lang yung police station oh! Katapat lang ng school."

May tinuro siya sa likod ko kaya agad napunta ro'n ang mata ko.

Shit! Nakalimutan ko.

Wala talaga akong lusot sa matandang ito. Late na ako paano 'yan!

Siguradong mapapatawag ako at si Mama sa guidance dahil pangatlong beses ko ng hindi mahanapan ng ID

Matinding digmaan ang mangyayari samin ni Mama sa bahay kung nagkataon.

Aalis na sana ako dahil wala akong napapala sa guard na ito, nang maalala ko 'yong paalala ni Mama kanina.

"Pag nalaman kong hindi ka pumasok ngayon at may tumawag nanaman sakin, itatago ko talaga ang camera mo."

Ang mga camera ko!

Napag-disesyonan kong bumalik sa harap ng guard at uutuin siya mapapayag lang.

"Manong guard sige na kasi.. Pogi ka naman eh, kahit panot ka, sige na papasokin mo na ako," Aniko sa guard pero wrong moves ata dahil ang kaniyang seryosong mukha ay napalitan ng masamang tingin nang marinig ang tawa ng tatlong estudyante.

Handa na sana akong tumakbo dahil mukhang nagalit ko siya, nang bigla akong mauntog sa isang katawan nang tumalikod ako sa guard.

"Anong po'ng problema manong?" Ani ng nasa harap ko. Ang sarap naman manirahan sa dibdib niya. Ang init.

Napabalikwas lang ako at nai-angat ang tingin ng bigla niya akong kurutin sa tagiliran.

Siya iyong seryosong lalaki na nakatingin sa'kin kanina pa. Tinitigan ko ang mukha niya, hanggang sa napagtanto kong kilala ko nga talaga siya.

The great great class president of Class 2-HUMSS. Kaklase ko ito!

"Ah, iho ito kasing isa, Walang ID. Eh alam mo naman NO ID, NO ENTRANCE." Sagot ni manong guard kay Pres.

Napalingon agad ako sa guard ng marinig ang hindi kaaya-ayang sinabi nito.

Napatango nalang si Pres sa kaniya at napansin din ata ang mali na sinabi nang guard.

Sa pagkaka-alam ko NO ID, NO ENTRY 'yon?

"Ah, manong guard NO ID, NO ENTRY 'yon, hindi po entrance." Sabi ko sa kanya kaya nabaling sa'kin ang mata niya at binigyan ako ng masamang tingin.

Panot ka na nga tapos hindi pa marunong mag english. Tss!

NO ID, NO ENTRY kasi 'yon!

"Bastos na bata! sumasagot ka pa!? wala ka na ngang-"

Agad akong pumunta sa likod ni Pres nang nakaramdam ako ng takot dahil sa laki ng bunganga nito. Buti nalang naputol ang pagsasalita ni manong dahil sumabat si Pres na nagkakamot ng ilong.

"Manong pwede bigay mo na sakin 'to? Kilala ko po 'to, Kaklase ko po. May quiz pa po kasi kami eh, baka po hindi namin ma-take." Sabi ni Pres sabay hawak sa braso ko.

Please, Say Yes.(Under Editing)Where stories live. Discover now