SIMB 66

369 51 0
                                    

Note

Check SIMB 27 and 29 for references

-

DIALOGUE

[1A Psychology]

3:02 PM

Krizzle:
Nakita ko yung naghatid sayo ng bulaklak kahapon, Allie

Krizzle looked at Allie with a hint of teasing.

Krizzle:
May dalang colored paper. Parang nagmamadali pa nga

Itinago ni Allie ang pagkakuryoso nya sa sinabi ni Krizzle sa pamamagitan nang pagnguso.

Krizzle:
Ang usap usapan pa, may banda daw 'yon? The taste, Allie. Gwapo nya ha

Napayuko't umiling iling si Allie dahil sa narinig

Allie:
Gwapo nga

Krizzle:
Bubulong ka pa ha. Rinig ko 'yon

Krizzle chuckled and pinched Allie's side. Ipinatong nya ang baba nya sa kanyang magkasaklop na kamay habang tinitingnan si Allie

Krizzle:
Ganda mo bebe, bagay kayo

-

TWITTER

5:18 PM

Allie #MarcosMagnanakaw🔒@allieirishm

Kanina sa intro to psych, tinanong kami kung bakit namin pinili 'tong kurso na 'to

Allie #MarcosMagnanakaw🔒@allieirishm

Maraming sumagot na pre-law o pre-med course raw nila ito

Allie #MarcosMagnanakaw🔒@allieirishm

Yung iba naman, gusto lang raw nila ng titulo kasi ang lakas daw makasosyal

Allie #MarcosMagnanakaw🔒@allieirishm

Gusto ko pa nga maiyak kasi bakit yung sagot ko sa isip ko hindi ganon

Allie #MarcosMagnanakaw🔒@allieirishm

Na kaya ito ang kinuha ko kasi gusto kong intindihin yung ibang tao dahil hindi ko naman kayang intindihin yung sarili ko

Allie #MarcosMagnanakaw🔒@allieirishm

Sana tulad nila, ganoon din ang naging rason ko

-

MESSENGER

Andrei Vander Angeles

7:34 PM

Andrei:
madam, nakasakay na ako

sayang magkaiba way natin🙁🙁🙁

bakit pala ang sama ng tingin mo sa lollipop kanina nung tinanggap mo na😭

nag i-scrunch pa ilong mo🙁

cute mo pa rin🙁

hindi ka ba mahilig sa sweets?

iba iba flavor nyan🙁

Allie:
'Wag kang magcellphone. Nasa byahe ka, diba?

Andrei:
hala

teka

kinikilig ako

teka nga

ano ba

Allie:
Isa.

Andrei:
okay, cancel ko muna kilig ko😭 ituloy ko mamaya kapag nasa studio na ako. kumain ka ha

7:42 PM

Allie:
Mag ingat ka

7:52 PM

Allie:

Hindi sa hindi ko nagustuhan yung binigay mo

Ang cute nito, paano ko magagawang sirain?

Ikaw nagdrawing sa cover nito, diba?

You unsent a message.

You unsent a message.

You unsent a message.

-

DIALOGUE

[Allie's and her sibling's house]

7:55 PM

Aldrich:
Kanino galing 'to, Ate?

Cute ah, cinoveran at dinrawingan pa

Tanong ni Aldrich sa ate nyang binubuksan ang lollipop ni Aldwayne.

Aldrich:
Galing ba 'to doon sa aaswangin mo? Yieeee, si ate

Allie glared at Aldrich and chose not to answer

Aldrich:
Hahahahahahahhahaa

Damot mo na, Ate

Pakilala mo saakin 'yan

Kikilatisin ko kung deserving ba 'yan sayo

Maglalaban muna kami ng pogs at teks bago ka pumayag na aswangin sya ha

Allie:
Epal ka

Aldrich:
Hahahahahahahahaha

Kain ka na, Ate. Ipinaghain na kita

Kakain na ang aswang nating ate, Aldwayne

Aldrich laughed when Allie glared at him again.

Sunny In My BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon