Chapter 33 - Santorini Blue

186 6 0
                                    

Napansin niya yata ang pananahimik ko, "she didn't pursue her dream and t-that's because of what happen to my father. I told you about him, right? My Mom got depressed and stressed. I got some fear of—"

"Yes—but do you remember Starfire's line about the past? 'On Tamaran we appreciate the past. We respect it. But we don't live there. We live here. Now. In the moment.' We don't live in the past, Nyx." I cut him off. "Just enjoy living today, and leave all the bad memories in the past."

Am I too harsh? Ayaw ko lang maisip na sila ang dahilan ng pagkamatay ng magulang ko. Wala akong sinisisi sa nangyari sa magulang ko kung hindi ang sarili ko lang, at tapos na akong pagsisihan iyon. Gusto ko na lang umusad.

"Okay." Simpleng sagot niya sa akin. "Do you want to eat?"

"Pero kasi ininvite din tayo ng dinner sa inyo, pero okay lang din naman." Sabi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at tulad kanina, magka-holding hands kaming maglakad.

Pumasok kami sa isang japanese restaurant.

"Good afternoon, Sir Nyx and Ma'am..." Tumingin ang babae sa akin na tingin ko'y isang Manager dito.

"Her name is Cerise." Sambit ni Nyx.

"Ma'am Cerise." Ngumiti ito sa akin at hinatid niya kami sa VIP room na satingin ko naman ay dito pwedeng mag meeting, or may other occassions.

"Nyx, pwede kaya tayong sa doon na lang?" Turo ko sa labas ng VIP room kung nasaan ang ibang kumakain din dito. Gusto ko rin kasing kahit papaano ay makihalubilo siya sa mga tao, hindi 'yung lagi niyang nilalayo ang sarili niya sa mga tao.

Alangan pa siyang tumingin sa akin pero ngumiti din siya, "if that's what you want. Shiella," bumaling siya sa Manager na naghatid sa amin sa VIP room. "Doon na lang kami." Turo niya sa bakanteng upuan na katabi ng bintana kung saan kita mo ang mga taong naglalakad na nasa mall.

Iniabot sa amin ang menu, "sorry, hindi ko kasi alam kung anong gusto mo. Hindi ko rin alam kung gusto mo ba dito—"

Ang lungkot na naman ng mga mata niya, "okay lang. Basta kasama kita, gusto ko lahat." I smiled at him sincerely.

Hinaplos niya ang aking pisngi at bumalik ang mga ngiti niya. "If this is just a dream, I don't want to wake up."

"May kilala ka bang Hope?" I suddenly asked him without even thinking!

"Hope?" Kunot-noong nakatingin siya sa mga mata ko. "How did you know her?" May awtoridad ang kanyang boses.

"Hope?!" Napabaling ako nang biglang may tumawag sa akin hindi kalayuan.

Sh*t! Si Myla!

Napatayo ako agad nang makita kong papalapit siya sa amin, "Where are you going, Cerise!"

Hindi ko na nilingon si Nyx at hinila ko agad si Myla papalabas ng restaurant.

"Anong Cerise?! Bakit Cerise? Ano ba trabaho mo?!" 'Di'ba? I told you! Ganito siya mag-react! Ang lakas pa ng boses niya.

"Saka ko na ipapaliwanag sa'yo. Sa ngayon, kailangan ko munang bumalik do—"

"At sino kasama mo?! Baka naman customer mo 'yan sa bar?!" Galit at pasigaw na naman niyang tanong.

"Hinaan mo nga ang boses mo! Gusto mo laging naririnig ng ibang tao mga pinagsasabi mo eh!" Inis kong sambit.

"Una, hindi mo pinaalam sa akin na lumipat ka na pala ng trabaho! Pangalawa, tinatanong ko kung saan ka nag ta-trabaho, tapos eto pangatlo, makikita kita dito na may kasamang lalaki, kahit pogi 'yun wala akong pake! Tapos iniba mo pa ang pangalan mo! Nasaan si Raya?! Kasama mo sa kanila?!" Sunod-sunod na salita na naman niya.

The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}Where stories live. Discover now