Chapter 32 - Deja Vu

Magsimula sa umpisa
                                    

"After tomorrow, what's your next plan?" Tanong niya sa akin.

Ano nga ba ang plano ko? Ano nga pala ang plano ko sa mga susunod na araw? Hindi ko rin alam.

"Mas okay yata pag-usapan natin 'to bukas. Gusto ko lang talaga magkaroon ng peace of mind." Sabi ko habang diretso ang tingin ko sa kalsada.

"Ako since last week, may peace of mind." Tumingin siya sa akin at mabilis naman siyang bumaling sa akin at saka niya ibinalik ang tingin sa kalsada. Nginitian niya ako, itong mga ngiti niyang ito hindi niya 'to pinapakita sa akin noon. Kung ngingiti man siya, sa mga mata niya kitang-kita ko ang pagod.

Pag si Hope ang tinitingnan niya ng diretso sa mga mata, tila black and white ang paningin niya dahil matamlay ito. Pero ngayong nasa isip niyang si Cerise ang kasama niya. Masaya siya, masayang masaya ang mga mata niya.

"I love you, Nyx—"

"Nah, I love you more, Cerise. You don't know how long I waited for you." Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at bahagyang pinisil ito. "Actually I have lots to ask you."

Binalik niya ang kamay niya sa manibela.

"Ano 'yun?" Tanong ko at sa mga dinadaanan namin na mga building na lang ako nakatingin.

"Simula nang magkita tayo, you're not sharing anything about you. I'm curious, where did you stay for about six years? What's your family name, and what do you like except for ice cream? I asked you about your family but I noticed that you don't want to talk about it. Do you have a problem with them?"

Kapag ba sinabi ko ang totoo makakahalata ba siya?

"Wala kasi sila dito—"

"I remember, you have a sister who's older than you, right?" Bumaling muli siya sa akin ng mabilis at saka ibalik ang tingin sa daan.

"Oo, pumapasok na siya ngayon eh. Masaya ako actually kahit pa medyo malungkot ang nangyari sa akin. Okay lang, masaya naman akong makita ang kapatid kong nagiging maayos ang lagay."

"I can't wai—-"

Hindi na natuloy ang dapat niyang sasabihin dahil nag ring ang phone ko.

It was Khai.

I didn't answer it and texted him instead.

"Nasa car kami ni Nyx, just text me."

Baka may masabi siyang hindi ko kayang sagutin at lalong hindi pwedeng malaman ni Nyx dahil ako si Cerise kapag kasama siya.

Napansin kong napapatingin siya sa phone ko.

"It's from work." Palusot ko.

Ang totoo niyan kinakabahan ako dahil hindi ko alam gagawin ko kung sakaling mahalata niya ako sa pagpapanggap ko.

Nag vibrate ang phone ko... nagreply na si Khai.

Binuksan ko agad ang message niya sa akin.

"He's getting worse, Hope. We should stop this. Kasi lalo lang natin siyang pinapaasa, mas mahihirapan siyang mag heal."

Kunot-noo kong binabasa muli ang text niya sa akin, paulit-ulit hanggang sa ma-realize ko ang sinabi niya.

Huminga akong malalim bago ako mag reply.

"No, Khai. Please. Trust me! Tomorrow is the last day, may pangako siya sa akin at bukas pangako ko rin sa'yo na aaminin ko na talaga sa kanya. Sasabihin kong ako si Hope. Please, bigay mo na sa akin ito." Sunod-sunod kong type at sinend ko agad.

"Are you okay? You seemed so worried. Is there anything I can help?" Nabigla pa ako ng magsalita si Nyx.

"N-No, okay lang ako. Stress lang talaga sa work." Palusot kong muli.

The Hope He Left Behind {SOON TO BE PUBLISHED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon