Sinuri ko pa ang bangkay niya nang maigi. Ang una kong napansin ay ang peklat niya sa palad. Parang pirma yun. Well uso naman yung colloid scars as tattoo. Ang sunod na nakita ko ay bite mark sa leeg niya. Some amateur vampire did it. Tinamaan ng pangil ang carotid nerve na napaka-vital sa humans. He just died of blood loss. Poor thing.

Tlaaak!

Bumukas bigla ang double door. Masyadong huli na ang lahat para bumalik pa ako sa stretcher. Isang matangkad na lalake ang pumasok. Nakasuot siya ng white overcoat; therefore siya ay isang doktor. His eyes are shining red in the dimness.

"Ano ang pangalan mo?" tanong niya agad pagkasara sa pinto.

"Parapa." my instinct told me to give him a fake name but I am surprised at what I just picked: pangalan ng asong kumakanta sa isang video game.

Ngumiti siya nang makahulugan. "You have a weird mother." komento pa niya.

LOL. It's not my mother's fault! "Ikaw, sino ka? Anong pangalan mo?" pag mabantot ang pangalan niya, I'll bash him like a boss!

"Hindi na mahalaga ang mga yun. Tapos na ang consultation natin." aniya tas may isinulat siya sa dala niyang clipboard.

"Consultation?" hey I'm confused!

Lumapit siya sakin at sa stretcher bago niya iniabot ang papel na sinulatan niya. I can see a lot of zeroes dre.

"Yan ang halaga ng magagastos mo para sa iyong mukha at sa dugo. Yung sugat sa katawan mo, wala akong magagawa tungkol diyan."

Is that it?!

"Wag kang mag alala sakin. Lahat ng impormasyon tungkol sa aking mga nagiging pasyente ay nananatiling confidential."

Mas lalo akong nawalan ng tiwala sa kanya nung sinabi niya yun. Yet I need his help. Saka ko na lang siguro iintindihin yung mga complications. "Sige na. Kailangan kong makaalis dito sa lalong madaling panahon."

"Pupuntahan ka dito ng nurse ko. Pakiramdaman mo lang ako kung saan ako pupunta? dadalhin ko na ang bangkay na yan."

"At bakit?!"

"Gagamitin ko ang mukha niya para ilagay sayo."

"WHAAAAT?!"

ARE YOU FUCKING KIDDING ME?! NO WAY!

Inilagay ng doktor ang hintuturo niya sa gitna ng mga labi niya, a sign telling me to shut up. "Sobrang tagal nang namahinga ang katawan na yan. Sa dami ng nawalang tissues at cells, at sa grabe ng sugat mo, you are far from regeneration, unless magsagawa tayo ng transplant."

"Eh! Ayoko ng mukha niya!" protesta ko sabay turo sa bangkay,

Forlorn Madness 2Where stories live. Discover now