My heart aches at the thought of letting my love go.  Bumabalik 'yong dating sakit. Na akala ko nakalimutan ko na.

"No..." Umiling ako. Inalis ang kamay niyang nasa akin. "No. Hindi pwede. Humiling ka lang ng kahit ano. H'wag lang siya," ani ko sabay lakad papasok sa bahay.

**

Napilitan akong magpalit ng damit sa ginawa ni Jezel. Right now, I am wearing a dress which is kinda awkward for me. Ayoko lang siguro ng ganito. But Lana had forced me to wear this cream white simple dress. Sleeveless ito at mga 2 inches ang nilayo sa tuhod ko.

"You look like an angel outside but a devil inside, Leigh..." natatawa nitong sabi. Inirapan ko siya at napatayo. Tinignan ko muli ang aking sarili sa salamin. I wince looking at myself.

"Nasa baba na ba si Benj?" tanong ko sa kanya at inalis ang tingin sa salamin.

"I don't know," anito at inayos ang skirt ng dress. "Kaya siguro ayaw mo ng ganitong damit dahil ang awkward sa'yo. Because you're a devil inside and out." asar pa nito. "But you're gorgeous, bitch. Liked it," she added.

I roll my eyes. Hind ko rin maintindihan 'tong si Lana sa mga naiisip niya.

"Tara na sa baba. Madami pang naghihintay sa'yo. Nakaayos na sila Newt sa baba." Lana wiggles her perfect brows. Hinatak na niya ako at hindi na nakapag-react. Mabilis ang aming paglalakad hanggang sa pababa na kami. Muntik ng mawala sa isip ko na naka-dress na pala ako. Damn it.

Sa pagbaba palang namin sa hagdanan, kitang kita ko na sa gitna si Newt na nakatayo na may hawak na microphone. Iyong mga kapatid niyang si Van at Henrik ay may hawak na electric guitar. Si Ian naman sa drums.  Parang dati lang sumisilip lang ako sa kanila ngayon sila pa ang naghanda nito sa birthday ko.

Minsan pala nasa katinuan din 'tong si Newt. Siya pa nag-isip nito sa akin.

"Una na 'ko! Kung dyan ka lang manonood!" ani Lana. Hindi na ako nakapagsalita sa mabilis niyang pagkilos. Nakita ko na lang siya sa tabi ni Seb sa harap nila Newt. Okay, isa rin 'tong excited.

Tinignan ko ang paligid. Nasa isang upuan si Conrad habang hawak ang phone at parang wala rito. Si Mama at Papa naman sa tabi ni lolo. Iyong mga pinsan ko sa kabilang upuan. Biglang nagtama ang tingin namin ni Jezel. Tumaas ang kilay nito kaya napaiwas ako at tumingin sa ibang bisita.

Ngunit hindi ko tuluyang nasusulyapan ang mga bisita nang bigla na lang tumugtog. Napatingin ako kila Newt at unti-unting kumurba ang labi ko sa isang ngiti.

 

She wears a white dress

She sees the light and it's saying come back

 

Saktong tumingin si Newt sa pwesto ko pagbira niya ng lyrics. Napakagat na ako ng labi at tuluyang napababa.

 

And I start believing her when she says that

The city's gonna save her...love

 

Benjamin's favorite song.

Dinala ako ng mga paa ko papunta kila Newt. Si Newt naman nakatingin na sa mga bisita. God, I can't help but to smile. Newt's good, you know. Medyo may tama lang talaga sa ulo minsan.  I liked his voice. Siguro alam nilang magugustuhan ko 'yong kakantahin nila dahil favorite ni Benj.

God, where are you, Benj?

 

But I can't let it go

 

Tuluyan ng napaindark ang mga bisita sa pagkanta ni Newt kasama ang mga kapatid niya. These men are greek god. Shit, shit to them. Lana is even jumping at the rhythm kasabay ni Sebastian. Napapikit na lang ako hanggang sa nag-iba na ang boses ng kumakanta.

 

That's why I'm telling her

I opened my eyes.

I want to love you more

Than all of the things you wanted

Than all of the things you're not

You want to have it all

 

"Benj," I called his name. He is looking at me. My smile widen at the image of him. He even gave me a wink and continued to sing. God, I love you. He is wearing a white vintage shirt and dark blue jeans. I don't know why I sensed that he's nervous. Dahil ba sa boses niya na hindi naman katulad nung kay Newt? At least Benj tried to sing for me...for me. At least he tried. Para sa akin mas maganda 'yong sa kanya kaysa kay Newt, no! Let's talk about being supportive girlfriend.

She wears a gold cross

She sheds her skin but it never comes off

 

Sabay na sila ni Newt at Benj kumanta. Napapaindak na ang lahat sa kanilang ginagawa. I can't stop myself from smiling. Tinignan ko sila mama at papa, nagthumbs up sila sa akin ng sabay. Iyong mga pinsan ko naman na babae, titig na titig kila Newt. Napairap ako.  At si Jezel na titig na titig kay Benj.

Oh she floats off

Through a crowded room

She remember the rows and rows of houses

 

Umalis sa tabi ni Benj si Newt at parang papunta sa direksyon ko. Napakunot ako ng noo nang bigla niya akong hinawakan sa kamay pagkarating sa pwesto ko. "Tara na! Wala naman akong gagawin sa'yo. Iyong isa meron..." ngisi nitong sabi sabay tingin kay Benj.

Sumama na lang ako.

I want to love you more

Than all of the things you wanted

Than all of the things you're not

You want to have it all

Nang makarating kami sa pwesto nila. Binitawan kaagad ako ni Newt. Patuloy siyang kumanta ngunit si Benj hindi na nakisabay pa. Napalingon tuloy ako sa kanya dahil sa pagtigil niya sa kanta.

I don't know what to react. My hands is shaking. Tuluyan akong napaharap sa kanya nang makita kong siyang nakaluhod.

Oh, love's right behind you

 

I don't know if I'm still breathing. O God. Tumingin ako sa mga bisita. I don't know if they are shouting or what but I can't hear any sound at my point of view. Nakita ko ang pagkagulat ng mga pinsan ko. Si Mama na nangingilid ang luha kasama si Papa. Si Lolo. Si Lana at Sebastian. Sila Newt at Conrad. Ngunit may isa na palabas at patakbo ng bahay. Jezel.

Tumingin na lamang ako sa lalaking nakaluhod sa aking harapan.

"Leigh Scarlett Alegre," He breathes my name.  "I am Benjamin Franco Salazar asking you to be my...wife, my Mrs. Salazar for the rest of your life." Benj fished out something on his pocket. A box. "Alam kong naging makasarili tayo but let them know how selfish we are about us. I beg you to say the answer I'd heard from your lips. Let them witness my tireless love." Binuksan ni Benj ang kahon. My tears of happiness roll down on my face. "Will you marry me and be a Salazar?"

"Yes," I breathed the answer. "Yes." I repeated and kneeled and kissed him with the same love he has for me.

When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)Where stories live. Discover now