"Hmm 4;30."

"Great! 3;30 naman samin, ako na aantay sayo" Hinablot nito ang kamay ko at biglang hinalikan na ikinagulat ko ng bahagya pero isinawalang bahala ko nalang kasi mukang wala naman yun sa kanya.

"Sige, kita tayo mamaya."

Bandang 4;30 ay natapos na nga ang class ko. Aalis na sana ako ng room kasama si dev kaso bigla raw akong pinatawag ni Ma'am Vastes.

"T-talaga?" Tinanong ko ulit yung studyanteng inutusan ni ma'am.

Inirapan pa ako nito. "Muka ba akong nagbibiro? Punta ka na." Masungit na sabi nito saka tumalikod na at umalis.

Ang sungit non ah?

Pero teka?

Bakit naman ako pinatawag?

"Ano pang tinatanga tanga mo dyan pumunta ka na ron." Tinulak pa ako ni dev.

"Oo na, parang ewan to eh." Gusto lang non na makasabay ngayon si mika na umuwi eh.

Mabilis nga akong pumunta sa office ni ma'am at kaagad na kumatok.

"Come in."

Rinig ko sa loob kaya pumasok na ako. Bahagya pang bumilis ang tibok ng dibdib ko nang makita ko na naman sya.

Seryoso lang syang nakatingin sa laptop nya at ang hot nya tingnan.

"Come here." Utos nito na hindi parin inaalis ang atensyon sa laptop nya.

Sumunod nalang ako at umupo sa harap ng table.

Ilang minuto rin akong nakaupo lang habang nakatunganga na nag-aantay na magsalita sya pero hanggang ngayon focus parin sya sa ginagawa nya.

Kailan ba nya ako papansinin? Hanggang kelan ba tong katahimikan nato? Aantayin ko pa ba syang matapos sa ginagawa nya bago kami mag-uusap?

Haish, hindi pwede. Kailangan ko ng basagin ang katahimikan nato. Kailangan ko ng umalis dahil may lakad pa kami ni ave.

"*ehem* ahm.. ma'am..." panimula ko. "Ahh.. bakit nyo po ba ako pinatawag?" Maingat na tanong ko.

Kakahiya naman.

Sa wakas ay nabaling na ang tingin nito sakin pero agad din namang itinuon ulit ang pansin nya sa laptop.

"May iuutos ako."

Iuutos? Teka bakit naman sakin? Inutusan nya pa talaga yung studyante nya kanina na tawagin ako tapos pinapunta lang ako dito para utusan din. Ano yun?

"Iuutos po? Ahh.. bakit naman po ako--"

"Bakit naman hindi? Nagrereklamo ka?" Agad ako nitong binalingan ng masamang tingin. "Nagmamadali ka? Ano may lakad ka na naman?" Ramdam ko sa boses nito ang inis.

"N-nako hindi naman po sa ganun. Ahm kasi..."

"Mas importante pa ba lakad mo sa iuutos ng TEACHER mo?" Napailing agad ako ng ilang beses.

"Hindi po--"

"Then cancel whatever your plans right now and follow what I was about to commaned." Napatango nalang ako at tumahimik nalang.

Tinext ko nalang si ave na hindi muna kami tutuloy dahil may iniuutos sakin si ma'am.

From: Calliopi Cutie 😚

[Hintayin nalang kita pwede? 🥺]

To; Ave❤

[Wag na ave, uwi ka na baka gabihin ako eh]

From; Calliopi Cutie 😚

Never ThoughtWhere stories live. Discover now