CHAPTER 21

9 1 0
                                    

M abilis na naglalakad si Ezra patungo sa bahay nina Ae at Aebie. Nasa labas lang ito at matalim ang titig sa bahay.
'Isusunod kita sa mahina mong kapatid,' tumawa ito ngunit hindi ganoon kalakas. Pagbukas ni Ezra ng pintuan ay sinalubong agad siya ng bala. Naka-silencer ang Bizon SubmachineGun ni Aebie kaya naman hindi ito maririnig ng iba. Tinamaan ng mahigit sa dalawampung bala at bawat bala ay sumabog nang ito ay tumama sa katawan ang binata ngunit baliwala lang ito sa kanya. Huminga ng malalim si Ezra at pagbuga niya ng hangin ay nagtalsikan pabalik ang mga tinga ng bala pabalik kay Aebie. Agad naman ito napansin ng binata kaya agad itong umilag at muling Bumaril. Ngunit wala nang tao sa lugar na binaril niya. Hinanap niya si Ezra at ngunit huli na ang lahat bago niya maramdaman na nasa likod niya si Ezra.

Isang malakas ng sipa ang ibinigay ni Ezra,sumuka naman ng dugo si Aebie. Bloodsucker na handang pumatay ng kapwa niya dahil sa pansarili niyang hangarin.
"Masarap ba? Anong lasa ng dugo? Matagal mo na nga palang natikaman 'yon. Ang mga mahihinang tulad mo ay hindi nababagay sa ganitong mundo. Ang mundo ay mabangis kung hindi magiging mabangis din,talo ka at hindi ka magtatagal." Mabilis at malakas na sumuntok si Aebie gamit ang kanang kamay kay Ezra habang tumatawa ito ngunit gamit ang kanang kamay ay sinalo niya ang suntok. Habang nakahawak si Ezra sa kamay ng binata ay dagli inikot niya ito,naglagutukan ang mga buto sa kanang braso ni Aebie at humiyaw sa sakit. Hindi na maramdaman ng binata ang kanyang kanang kamay,nawala na ang kontrol niya dito. Paunti-unti itong naghihilom pero bago iyon tuluyang maghilom, gamit ang isang napakatalim na espada ay pinutol ni Ezra ang kanang braso ng binata at Muling humiyaw ito sa sakit.
"Papaanong tumalab sa 'kin ang espada niya?!" Sigaw nito.
"Simple lang...Mas malakas kasi ako sa inyong lima. Kaya ko kayong pagpira-pirasuhin." Humalakhak ang binata at inhanda ang espada para iwasiwas ang espada.

-----------------------------------------------------

Naglalakad ang tatlong makikisig at matitipunong lalaki patungo sa bahay ni Aebie. Nagtatawanan,nakukwentuhan pero hindi nila alam ang nakaabang sakanila sa bahay ng kanilang kaibigan. Malapit na sila ng mapasin nilang may kakaibang nangyari.
'Bakit naamoy ko si Ezra dito?' Tanong ni Vladimir sa sarili habang sumisinghot-singhot ito.

Nagulat sila sa kanilang nakita. Halos buong harap ng bahay ay wasak,kalat ang mga butas na dulot ng nga bala,at higit sa lahat isang lalaking nakahiga at duguan. Mayroon din na isang malaking sulat sa dingding gamit ang dugo"Nakakagulat ba? Ikaw na ang susunod Vladimir."

Daglian silang tumakbo sa tila walang buhay na lalaki. Umaasa sila na hindi si Aebie iyon. Ngunit ang mas nakakagulat,wala ang ulo ng binatang nakaratay sa sahig. Luminga-linga sila upang hanapin ang ulo, balisa,nangangambang baka si Aebie nga 'yon. Isang bagay ang nakapagbigay sa kanila ng proweba na si Aebie iyon ay ang kanyang silver ring na kaparehas ng sa kakambal niyang si Ae.
Nanlaki ang mga mata ni Vladimir at mabilis silang tumakbo patungo sa bangkay ni Aebie. Walang luhang tumutulo sa kanyang mga mata pero gustong-gusto niyang umiyak. Wala siyang ibang magawa kundi ang isigaw ng malakas ang pangalan ng binata. Nababalisa at natutuliro ang nararamdaman ng binata dahil isang tao nanaman ang nawala sa kanyang buhay. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kanyang kaibigan.
'Ano ba ang nagawa ko bakit pati sila nadadamay?' Nagkuyom ang kanyang kamao at sinuntok ang sahig. Nagkabiyak ang sahig,dahil sa lakas ng pagkakasuntok ng binata at biglang may tumawag sa kanya. Tila nagaalangan siya na sagutin ngunit nanaig ang paghahangad na malaman kung sino ang tumatawag,kinuha niya mula sa kaliwang bulsa niya ang kanyang smartphone at sinagot ang tawag.

"Maganda ba ang regalo ko?" Malumanay at nakakapang-inis na boses sa kabilang linya.

"Sino kang hayop ka! Puputulan din kita ng ulo! Mata sa mata,ngipin sa ngipin! Tandaan mo yan." Bulyaw ng binata.

"Ni hindi mo na nga ako kilala eh, Hay bakit kaya mapakabilis makalimot ng mga tao? Pero kung gusto mong malaman... Magbibigay ako ng clue,kapatid mo ako,hahaha!!" Nanginginig ang katawan ni Vladimir ng marinig ang mga salitang binitiwan ng kanyang kausap,
"Bakit mo ito nagawa Ezra?! Ano ang dahilan!!" Bulyaw muli ng binata,nanlaki naman ang mga mata ng iba pang kasama ni Vladimir.
"Simple lang...dahil sa'yo pinatay si Anna,at dahil sayo nagpakamatay si Diana!. Dalawang tao na mahalaga at mga taong nakakaintindi sa akin ang pinatay mo! Matagal ko nang gustong gawin 'to at ngayon ang tamang oras!" Puno ng galit ang mga pahayag ni Ezra ng pagkakataong iyon,walang pagaalinlangan upang sabihin ang mga salitang 'yon.
"Humanda ka,malapit ka na!..." Pagbabanta ng binata. Agad din namang pinatay ni Ezra ang tawag.
Natigilan si Vladimir,tulala at tinatanong ang sarili kung paano nagawa ng kanyang tinuturing na kuya ang mga bagay na nangyari. Maaring iyon din ang dahilan kung bakit malayo ang kanilang loob sa isa't-isa. Napaluhod ang binata at hinayaan lamang siya ng kanyang mga kasama. Inaasahan niyang may tutulong luha pero niisa ay wala,
'Ang pag-iyak ay isang natatanging katangian ng tao,pero hindi ako tao,' wika sa sarili ng binata.
'Tama! Hindi ako pangkaraniwan,may pambihirang kakayahan,kaibigan,at ama. Mayroon akong dahilan at dumadami pa ang dapat kong ipaghiganti,'tumapang ang mukha ng binata at muling tumindig.
"Para sa inyo,kaya ako may ganitong kakayahan,pero hindi ko nagamit,patawad..." Lumungkot ang mukha ng binata at kinuha ang bangkay ng Aebie. Binitbit niya itong gamit ang kanyang dalawang kamay na tila isang bata,naglakad ng maayos at patungo sa may bakuran ng bahay ni Aebie, nasa kakahuyan ang bahay nito kaya't wala itong kapitbahay,at walang nakasaksi sa pangyayari.
Kumuha ng tatlong pala si Zed na nasa bakuran na din at ibinigay sa dalawa at ang isa naman ay sa kanya. Tulong-tulong silang naghukay para sa libingan ng kanilang kaibigan. Di tulad ni Aebie si Ae ay may desenteng libing.
"Patawad kaibigan kung hindi ka namin nabigyan ng maayos na libing..." Lahat at malungkot habang tinatabunan ang walang ulo na katawan ni Aebie. Lahat ay nagdadalamhati at naghahangad ng hustisya.

Nag-uwian na ang silang lahat na may lungkot ang mukha,
Habang nagmamaneho pauwi si Vladimir ay patuloy siya sa pag-iisip kung papaano niya maipaghihiganti ang kanyang ina,at mga kaibigan. Napupuno ng galit ang kanyang puso kaya't ang tanging naus niya ay paghihiganti. Tinapakan niya ng mas madiin ang Accelerator ng kanyang kotse at tila nakikipagkarera na sa daanan. Isang tunog mula sa kanyang cellphone ang nakapagpabalik sa kanya sa ulirat. Humanap siya ng mahihintuan at saka sinagot ang tawag.
"Marahil ay kilala mo na kung sino ang tumatawag sa'yo ngayon?"at Humagikhik ang binatang sa kabilang linya. Kumunot naman agad noo ni Vladimir at sumagot,
"Oo,ikaw ang taong papatayin ko! Malaki ang paghanga ko sa'yo pero nilamon ka ng kasamaan!" Hindi talaga sigurado ang binata kung magagawa niya nga bang patayin ang kanyang kapatid. Natigilan naman si Ezra at nainis sa sinabi ng kanyang kapatid,at gumanti ng sagot,
" Magkita tayo! Tayong dalawa lang,sa dati mong bahay..., ipapakita ko sa'yo kung ano tunay na kahulugan ng malakas,at ipapadama ko sa'yo ang sakit na nanaisin mong sana namatay ka na lang!" Bulyaw ni Ezra ,hindi siya sigurado kung tutugon ang kanyang kapatid. 'Kung hindi siya tutugon may mamatay pa.' Ngumisi ang binata at pinatay ang linya.

Sa kabilang dako naman ay natutuliro si Vladimir hindi niya alam ang tamang gagawin.
'Para matapos na 'to,kailangan may mamatay sa aming dalawa...' Bulong niya sa kanyang sarili.
'Kaya ko ba siya patayin? Ang taong itinuturing at hinahangaan kong kapatid?' At naisip niya ang larawan ng kanyang mga kabigang pinatay niya,tumapang ang mukha niya at nagpatuloy sa pagmamaneho.
'Pupunta ako,tatapusin ko na ito para wala nang mamatay pa,ayaw ko nang may iba pang madamay."Malapit-lapit lang siya sa nasabing kitaan nila ng kanyang kapatid. Hinarurot niya ang kaniyang kotse at tila naging usok ang mga alikabok sa daanan.

The Blood PrinceWhere stories live. Discover now