CHAPTER 1

416 3 0
                                    

'hinahabol si Vladimir ng dalawang lalaki na nakatakip ng hood ang mga mukha. Nakapakabilis ng mga ito at halos maabutan na siya. Wala ng madadaanan kaya kaya hinarap niya na ang mga ito at inilabas ang kanyang espada.Umatake ang isang lalaki sa kanya at halos nabali ang espada niya sa lakas ng hataw.Napakabilis ng kanilang paglalaban. Alam ni Vladimir na mananalo siya kahit na malakas ang mga ito.Napansin niyang napapagod na ang isa sa mga kalaban niya at unti unti  naring nanghihina.

Pagsugod muli ng lalaking nanghihina ay huli na ang lahat dahil tumarak na sa puso niya ang espada ni Vladimir."Wala ka palang kwenta!" sigaw ni Vladimir at sinipa ang lalaki ngunit nakalimutan niyang may isa pa siyang kalaban. Paglingon niya ay agad siyang sinaksak ng lalaki na nakahood sa kanyang puso.'

Nagising si Vladimir na pawis na pawis at dinig ang napakabilis tibok na ng kanyang puso

"panagip lang pala."sabi Vladimir sa kanyang sarili

"Kamahalan,Gumising napo kayo!,mahuhuli  na po kayo sa inyong trabaho." tawag sa kanya ni jonas ang tagapagsilbi nila Vladimir.

"Oo, andyan na,maghintay ka nalang sa baba."

Si Vladimir ang bunsong anak ni Haring Sutor. Ang kapatid ni Vladimir na Ezra ay hindi parin natatagpuan matapos ang  giyera nila sa pagitan ng mga shaman.Ang mga Shaman ay ang mga mortal ng kaaway nila. Maraming itinatagong kakayahan ang mga ito ang kaibahan lang sila ay mortal ngunit kaya nilang pumatay ng mga bloodsuckers.

 Sila ay hindi mga tao. Hindi rin sila diyos o anghel man sila ay mga blood sucker mga nilalang na nabubuhay sa dugo at sila ay mga immortal. Nakalahati ang lahi ng mga blood sucker ng sila ay  makidigma sa mga shaman dahil inaangkin ng mga shaman ang kanilang mga lupain tatlong daang taon ang nakakaraan.Ngayon binubuong muli ni haring sutor ang kanilang lahi.

Bumaba na si Vladimir sa kanilang malamansyon na bahay at agad binuksan ni Jonas ang pintuan ng kotse at agad silang umalis.

Habang nasa biyahe ay may biglang tumawag kay Vladimir at sinagot niya ito.

"Kumusta, mahal na prinsipe naaalala mo pa ba ako?"tanong ng boses mula sa kabilang linya

"sino ito? mag pakilala ka."tanong  ni Vladimir

"Mukahang ang bilis mo yatang makalimot mahal na prisipe."Sagot ng boses mula sa kabilang linya. Takang-taka si Vladimir ngunit medyo pamilyar para sa kanya ang boses sa kabilang linya.

biglang kumunot ang noo ni Vladimir ang at pilit na inaalala ang sinasabi ng lalaki sa kabilang linya ngunit wala siyang maalala.

"Sino ka ba?Hindi kita kilala!."

"Ito ang tandaan mo mahal na prinsipe,pagbabayaran mo ang lahat ng sakit at pahirap na ginawa mo sa akin." 

"Ipaparanas ko sa iyo lahat ng iyon tandaan mo!!"bulyaw ng lalaki sa kabilang linya

Napasimangot nalang si Vladimir at agad pinatay  ang tawag sa kanya.

Pagdating nila sa pinag tatrabahuan ni Vladimir ay agad na binuksan ni jonas ang pintuan ng kotse at agad na lumabas si vladimir.

Pagpasok ni Vladimir sa napakalaking building ay napalingon sa kanya ang lahat. Tila nakakita ng adonis ang mga kababaihan doon at nagtiliian.

'ang cute naman niya ano kaya name niya??'sabi ng isang babae

'ang pogi, bago lang ba siya dito?'tanong ng isa pang babae

'matagal na yan dito pala asent lang,pero infairnes ang pogi niya!!'sagot pa ng isang babae.

Pagpasok ni Vladimir sa kanyang opisina ay nagulat siya dahil nadoon si Zed ang matalik na kaibigan ni Vladimir.

"akala ko may mongoloid dito tatawag na sana ako ng security ikaw lang pala,anong ginagawa mo dito?bakit ka nasa opisina ko?."Tanong ni Vladimir kay Zed

The Blood PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon