“Hija, It’s been a while. How are you?”, she was just asking, but it made me feel like I was going to tear up again.

“D-doc.. I-it happened again..”

“Wait, what?! I mean.. When?”, naguguluhang tanong nito.

“Just now…”, nakatulalang sagot ko.

“But these past few days or weeks, wala naman?”, muling tanong nito.

“It happened twice, d-doc.. just a week ago and just n-now..”, huminga ako nang malalim para muling pigilan ang sarili sa pag-iyak pero hindi ito um-epekto dahil may namumuo na namang luha sa mga mata ko.

“Oh my god! What happened? Did you take your medicines?”, nag-aalalang tanong nito.

“y-yes”, mahinang saad ko.

“Are you okay now?”, bakas sa boses nito ang pag-aalala.

“It’s haunting me again, d-doc.. hindi ko na po a-alam ‘yung g-gagawin ko.”, I said as my voice cracked.

Hindi ko na rin muling napigilang tumulo ang luha sa pisngi ko habang nagk-kwento sa kaniya nang mga nangyari. Habang nag-uusap kami ay pinapakalma niya ako. Pagkatapos ay sinabihan niya akong bumisita sa kaniya ng personal at doon makausap nang maayos at para na rin daw ma-check niya ako’t makita niya ang lagay ko.

“I already told you what you should do if ever na maulit ulit ‘yan, but as long as kaya mo pang pigilan o makaiwas para hindi mangyari ulit ‘yan.. umiwas ka at kayanin mo, hija..”, tumango ako kahit alam kong hindi naman niya ako nakikita.

“Nakaya mo na noon, Reign… at alam kong makakaya mo ulit ‘yan..”, she said as she comforted me with her words.

Saglit pa kaming nag-usap bago ko ibinaba ang tawag. Napapikit ako at huminga ng malalim saka napatingala.

“I can do this.”, I hope I can.

Pinunasan ko ang bakas ng mga luha sa mukha ko at inayos ang sarili bago tumayo ng maayos, sakto noong makarinig akong may lumabas ng elevator. Napatitig ito sa akin habang napakunot ang noong naglalakad palapit sa kinaroroonan ko.

“Hello. Good day, Mr. Montejo!”, I tried to put a smile on my face while greeting him.

“Namumula ka, Mrs. Sanford. May sakit ka ba?”, tanong nito ng mapuna ang itsura ko.

“U-uhm.. Wala po, galing lang po ako sa labas. Sobrang init po kasi kaya po siguro namumula ako..”, pagpapalusot ko.

“Okay..”, napatango-tango ito ngunit nakakunot pa rin ang noong pinagmamasdan ako. As if he wasn't convinced at all.

“Anyways, I have an appointment with your husband today.”, napatango naman ako sa kaniya at iginiya sa loob ng opisina ni Lucas.

Ibinilin sa akin ni Lucas kanina na mag-uusap daw sila ni Mr. Montejo regarding do'n sa collaboration. Pinaayos niya rin sa akin ‘yung magiging contract nila if ever na magkaroon na sila ng deal.

Seryosong nag-uusap ang dalawa sa harapan ko habang tahimik lang akong nagsusulat ng mga importanteng napag-usapan nila. Hindi ako kumikibo hanggang sa makaalis si Mr. Montejo. Pagkatapos ay ipinakita ko kay Lucas 'yung mga isinulat ko at aakma na sanang lalabas nang magsalita ulit ito.

“Are you okay?”, he asked.

Humarap ako sa kaniya at tumango.

“You look pale. Kanina ka pa rin tahimik.”, puna nito at tumayo.

Sinubukan akong hawakan nito sa kamay ngunit agad akong napaiwas. Napatingin ako sa kaniya at bakas sa mukha nito ang gulat sa ginawa ko.

“Did I.. Did I do something?”, parang hindi pa rin ito makapaniwala sa ginawa ko. He even asked me if he did something to me and why I reacted that way. I actually didn't know why I reacted that way. Kusa nalang akong napaiwas noong hawakan niya ako.

“W-wala.. nagulat lang ako.. I’m sorry.”, he sighed in relief.

“Damn. I thought I did something I didn't know.”, wika nito at naglalambing na yumakap sa akin.

“Sir, you should go. You still have a meeting.”, kumalas ito sa pagkakayakap pero nakaharap pa rin ito sa akin habang nakahawak ang dalawang kamay sa beywang ko.

“I can cancel it anytime. I wanna have time with you.”, tinitigan ako nito ng mariin.

Hindi ako nagsalita at hinawakan lang ang mga kamay nito para alisin sa beywang ko.

“Fix your things na. Marami pa akong gagawin.”, wika ko habang inaayos ang gamit niya.

Wala na itong nagawa at tinulungan nalang ako. Pagkatapos ay hinalikan ako nito sa noo at nagpaalam ng umalis. Naiwan akong nakatayo at napatulala. Pilit ko mang alisin ang mga bagay na pumapasok sa isipan ko ay pilit din nitong ginugulo.

I’m sorry, Lucas. You’d better not know anything about me.



Nakahiga ako ngayon sa kama at sinusubukang matulog ngunit hindi mapakali ang isipan ko. Hindi ako makatulog. Napaangat ang ulo ko nang inayos ni Lucas ang kumot ko mula sa likod.

“I thought you’re already asleep.”, wika nito at umayos ng higa sa tabi ko.

“Is there something bothering you?”, tanong nito at niyakap ako.

Umiling ako sa kaniya kahit hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakatalikod ako habang nakayakap siya. Iniangat nito ang ulo para silipin ang mukha ko. Nilingon ko naman siya para tignan.

“Why?”, I asked.

“Nothing. You are just so quiet.”, saad nito habang inaayos ang buhok sa gilid ng tainga ko.

“I’m just tired.”, tinalikuran ko ulit siya at pumikit.

“You should rest, then. Good night, hon.”, wika nito at hinalikan ako sa ulo.

Hindi ako umimik at nagpanggap na natutulog na. Naramdaman kong umayos na rin ito ng higa at lalong humigpit ang pagkakayakap nito. Maya maya ay gumalaw ito at nagbago ng puwesto. Nagpabaling-baling ito at hindi nagtagal ay naramdaman kong umupo.

Nilingon ko ito at tinignan kung bakit umupo siya. Napatingin din ito sa akin at umatras ng upo sa ulo-han. Isinandal nito ang ulo sa headboard ng kama at pumikit.

“Bakit, masakit ba ang ulo mo?”, agad na tanong ko at umayos din sa pagkakaupo paharap sa kaniya.

Umiling ito at muling dinilat ang mata. Inabot nito ang kamay ko at hinila ako pahiga sa dibdib niya.

“I can’t sleep.. hindi ako mapakali..”, niyakap ako nito at pinagmasdan ako.

“ Are we really good?”, mahinang tanong nito.

“Is there a problem, hon?”, umayos ako sa puwesto ko at hinawakan ang kabilang pisngi nito.

“Walang problema, Lucas.”, malinaw na sagot ko habang hindi tinatanggal ang tingin sa mga mata niya.

“I feel like I did something to you.”, sagot nito

I suddenly felt guilty because I made him feel that way. If only I could tell him the reason why I was being like this. I badly want to tell him that he is not the problem, but I am.

“Lucas, listen. You did nothing. I am just tired and wasn’t in the mood to talk. I am sorry for making you feel that way.”, bumaba ang tingin nito at huminga ng malalim.

“Lucas..”, tawag ko sa kaniya nang hindi ito umimik. Hinawakan ko ang baba nito at tinaas para tignan ako.

I tried to smile at him. “Magpahinga kana.”

Bumuntong hininga ito at umayos ng higa. Umayos din ako sa tabi nito at humarap pahiga. Tumingin ito sa akin habang yakap-yakap ako.

“If we have a problem, let’s talk about it. We shouldn’t sleep with an unsettled misunderstanding.”, he said as he kissed my lips.


___________________________________________________

happy reading, everyone!💙

AT MY LOWEST ( Ongoing )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora