8. Greetings

0 0 0
                                    

August 15, 2023

Umagang umaga galit na galit na agad si lola sakin, parang tanga lang. Nagagasgas daw yung tiles dahil di ko nilagyan ng basahan yung hinihigaan kong folding bed. Nilagyan ko naman yun eh pero yung isang side lang, pero di na ko nakipagtalo pa kasi alam ko namang makaka hanap pa rin yun ng dahilan para pagalitan ako. Kagigising ko pa lang din naman yun eh, tapos yun ang bubungad sakin, nakaka sira talaga ng umaga.

Birthday pala ng kapatid ko ngayon, si Jenny, nakatira siya ngayon kila ate Kelly, malapit lang din naman sa tinitirhan ko at mag kamag anak din sila nila lola pero mas okay pa rin dun sa kanila kaysa dito sakin kaya medyo atleast panatag loob ko na andun nakatira kapatid ko. So mga 7 binati ko sa messenger si Jenny, na pag kailangan niya ng tulong andito lang ako, wag siyang mahihiya. At nakakatuwa lang kasi napapangiti ako sa nireply niya sakin, na swerte daw siya kasi may ate siyang katulad ko, syempre natouch ako at the same time naguily din kasi parang wala naman akong nagagawa para sa kanya para sabihin niyang swerte siya at naging kapatid niya ko. Ilang years din nung huli ko silang nakasama, yung tumira sa isang bubong, mag away sa maliliit na bagay, ang dami kong na miss na years na makasama mga kapatid ko, ang family ko. Kaya ngayon naninibago din talaga ko sa kanila, nagugulat ako pag nakikita ko sila ang la-laki na samantalang nung umalis ako mga elementary pa lang sila pero ngayon mga high school na. Di ko na alam mga personality nila, anong mga gusto at hindi nila gustong bagay bagay, na mimiss ko na din makipag away sa kanila, yung mga away magkapatid kahit mga walang kwentang bagay tulad ng dahil sa paghuhugas at paglilinis sa bahay, kasi ngayon mga away na nararanasan ko na lang ay puro backstabbing eh.

Kaya sobrang halaga talaga ng komunikasyon sa isa't isa noh. Nahihiya kasi talaga Kong mang reach out kahit sa mga kapatid ko eh, kaya naman wala akong masyadong alam sa kanila. Iniisip ko kasi lagi na baka hindi sila online kaya di ko na rin sila chinachat which mali naman. Kaya naman talaga kung magpapamilya ko, hindi ako papayag na manirahan sa ibang tao ang magiging anak ko, ayaw kong maranasan nila ang mga naranasan ko, namin sa bahay ng ibang tao. At ang goals ko nga ay ang makapag hanap ng maayos na trabaho para maka tulong na ko sa family ko, gusto ko ako na lang mag papa-aral sa mga kapatid ko instead na manirahan sila. Kaya sana makapag tapos ako ng pag aaral, madami pang kaming magkapatid na responsabilidad sa pamilya namin. Marami kaming kailangang gawin at napaproud nga din ako kay Jenny eh, kasi alam niya ang mga responsabilidad namin at napag uusapan din naman ito. Naging honor students din siya, wow, samantalang dati natatandaan ko ang tamad nyan mag aral, minsan nag aaway pa kami nyan kasi tumatakas kapag tinuturuan ko hahaha. Pero atleast ngayon nagbago na siya, for the better and I'm so proud of her.

Mabuti na lang din andito pa si rj kaya siya ang kasama ni lola dun sa taas sa pag luto ng laing. Pag ako kasi ako ang kasama ni lola alam kong papagalitan lang nyan ako, lahat ng kilos ko mali na para sa kaniya, kaya atleast kay rj di naman siya dun magagalit. Pero bukas aalis na din naman si rj papunta sa probinsya, sa Bicol kasi dun siya nag aaral eh. Napanaginipan pa nga daw niya si lolo Jesus eh, di daw siya pinapauwi kaya sabi nila lola magpaalam muna siya kila ate Kelly bago umalis, kasi baka daw yun ang gusto ni Lolo Jesus. At alam ko mga tao dito samin matatakutin eh, takot na naman toh for sure dahil sa kwento.

Andami nga nilang binigay sa kanya eh, sanaol, umalis siya dito ng mas madami pang mga tsinelas at sapatos kaysa sakin. Maya't maya kasi binibilhan nila ng kung ano ano, samantalang sakin wala, edi wow sa kanila. At alam ko din naman na binigyan na yun ni lola ng pera, syempre siya pa, malakas si rj kay lola eh. Kahit si ate Rita binigyan siya ng pera eh, samantalang ako parang bawal humawak ng pera, pag may pera ko bawal kong gastusin, dapat ipunin ko lang daw para pag may bayaran sa skul, parang tanga lang eh, ginawa akong bata. Kaya pag may binibili ako patago lang eh, pag nakita naman nila sasabihin ko na lang na bigay lang yun sakin kasi mapapagalitan nila ko. Gaya nung bumili ako ng case ng phone ko, nakita nila tapos nagalit si lola, ang arte arte ko daw parang ang dami daw pera, pabili bili pa daw ng case edi sana yung pera ng pinambili ko ginamit ko panggastos pag may kailangan sa skul. Diba!!! My god, pera ko naman yun, di naman ako humingi sa kanila ah, tsaka for protection ng phone ko na din kasi si naman nila binibilhan, edi sana kung binilhan nila ko di ako bibili. Kainis talagang pamilya toh.

My JournalWhere stories live. Discover now