5. Last Vigil

0 0 0
                                    

August 12, 2023

Ito na ang last day na ibuburol si Lolo Jesus or mas kilala bilang last vigil dahil kinabukasan ay ililibing na siya. So 7am pa lang andun na si lola para tumulong, masama nga loob ni lola kasi si Lolo Goning hindi kasama sa nakalagay dun sa pangalan ng mga kapatid sa kabaong. May mga alitan at sama ng loob pang nangyayari, hay naku, sigurado g di din naman magiging masaya yan si Lolo Jesus na magkakaroon ng alitan sa mga kapatid niya.

Naging busy na din kami dito sa bahay. Si lola maghapon nasa lamay at mga 3:30 kinuha nila lola at rj yung putong inorder nila para mamaya dun sa upper. Nag iinit na ulo ni ate Rita kasi pupunasan niya pa at papalitan si liah, anak niya, kakain pa kami eh anong oras na kailangan pa naman daw 6:30 andun na kami sa patay kasi 7pm mag uumpisa ang misa. Tapos ngayon pa nagpa gupit si rj eh gahol na daw sa oras, ang init ng ulo kahit di naman dapat, bahala nga siyang mag panic dyan siya lang naman nagpapanic eh. Natapos din naman at mga 6:30 pumunta na kami dun.

Pero alam niyo nagstart yung misa 8:30, ang late na tapos si Jajah, patay tayo gustong mag cr hay naku. Kaya pumunta pa kaming bahay para lang umihi siya.

Alas dyes na din kami nakauwi nun. Sila lola nagpa iwan pa, kami nila ate Rita umuwi na eh. Tapos si lola dita dito sana samin makikitulog, eh parang ayaw din nila lola kasi nga may TB yun eh may bata dito tsaka may mga kapatid din naman daw siya dito bakit di dun makitulog. Andami ngang issue sa pamilya nila eh.

Pero di na din sila lola dita nakitulog dito kasi dun na kila lola maring daw kasi naka wheel chair na lang siya at mahihirapan lang sila dito samin. Pero may nakiusap na dito daw makikitulog, yung kapatid ni ate Janice. Si ate Janice asawa ni kuya intoy na anak ni Lolo Jesus, sana nagets niyo hahhahaha. Tapos inaantok na ko mga 11 wala pa din sila lola, mga 12 na din sila nakauwi tapos yung makikitulog samin wala pa kaya pinuntahan ko sila para tanungin kung makikitulog pa ba sila samin. Nakapantulog pa naman na ko, nakaka hiya tuloy na pumunta dun sa patay pero kailangan tsaka di din naman na ata nila mapapansin, tapos ayon sabi hindi na daw sila makikitulog samin kaya nakatulog na din kami sa bahay 12:30 na tapos maaga pa bukas kasi daw 8am ang alis dito.

My JournalWhere stories live. Discover now