Umiling iling ako at pinilit alisin sa utak ang mga ideyang ganon. Hindi pwedeng nandidito siya! I don't want to see him.

Tumayo ako saglit para kumuha ng pagkain sa gilid kung nasaan naroon ang mga pagkain. At sa kamalas malasang pagkakataon nga naman si Khalil pa ang naabutan kong kumukuha roon ng pagkain. Nagdalawang isip pa ako kung tutuloy pa ba ako kumuha ng pagkain pero nagugutom na talaga ako kaya naman dumeretso na rin ako.

"Excuse me," ani ko.

Kaagad din na lumingon si Khalil at kaagad kong nabasa ang bakas ng gulat sa kaniyang mga mata. Hindi ko iyon pinansin at saka nagsimulang pumili ng pagkain. Ramdam ko man ang tingin n'ya sa akin ay hindi ko na ininda.

"Kamusta? I didn't know you're. . .here," sabi nito. Hindi pa rin nakakabawi sa gulat.

"Yeah. And I'm not aware that you're here too." Casual na sagot ko.

"It's nice seeing you here again, Dianne." Khalil let out a playful smile. "Now I know why he accepted that position here in Canada."

Binigyan n'ya pa ako nang mas nakakalokong ngiti na ipinagtaka ko. Hindi ko rin lubos na naunawaan ang huli nyang sinabi dahil biglang nag echo ang boses ng isa sa mga kasamahan namin para mag offer ng toast.

"I'll see you around, Dianne."

Tumango ako at pinanood si Khalil na bumalik sa kanilang table. Nakakapagtaka lang na nandirito siya. Of all the countries around the world, bakit dito pa naman? Umiling ako at inalis sa utak ang mga posibilidad na naiisip.

Bumalik na rin ako sa table namin at nagsisimula naman ng konting program ang isa sa mga fellow surgeon ng department namin. Nasa gitna kami ng program nang muling bumukas ang pinto sa restaurant.

"I'm sorry I'm late-" Natigilan siya sa pagsasalita nang marealize n'ya na hindi lang kokonti ang tao rito.

Muli.

Sa ikalawang pagkakataon sa araw na ito, literal na napatitig ako sa bagong dating. Mula ulo hanggang paa ay kilalang kilala ko na siya.

Vyn Nathaniel.

He's wearing a white polo na bukas ang tatlong unang butones at nakalulon hanggang siko ang sleeves. Mas nag mature ba siya? Definitely, yes. Pakiramdam ko ay tumangkad rin siya lalo. Wait, he change his hairstyle too-

Why the hell I am checking on him?!

Tahimik akong tunikhin at yumuko. I don't want him see me! Sa pangalawang pagkakataon ay ninais kong umalis sa lugar at umuwi na lang.

"Everyone." Nakuha ng aming chief ang aming nga atensyon. "I would like you all to meet Mr. Vyn Nathaniel Castueraz. He will be the next head surgeon of our department!" He said.

The whole crowd clapped their hands except of me. My jaw literally dropped after hearing the news that was just announced. What the fucking hell?! Nakatitig lang ako sa una at pilit pinoproseso sa utak ang narinig. Ibig sabihin, magiging magkatrabaho kami?

Malamang, Dianne.

Nang magtama ang aming mga tingin, parang magic isa isang bumalik lahat ng mangyari. Just like before, his deep blue eyes are bringing me in the depth that I don't think I can't get out.

Ako rin ang unang nagbawi ng tingin. Kataka takang hindi siya mukhang nagulat na makita ako.

"Huy, okay ka lang? Natahimik ka yata bigla." Pansin ni Juliana sakin.

Umiling ako. "Ayos lang. Gusto ko na lang kasi umuwi."

"You sure? You look pale."

"I'm sure, Julia. Thank you."

In the end, she just believed me. Naging busy rin naman siya makipag kwentuhan sa mga kasama namin.

"Can I share a table?" Napaangat ang tingin ko sa nagsalita mula sa gilid ko.

Vyn's height dominated me. Lumingon ako sa mga mesa ng mga kasama namin at kataka takang napuno iyon at sa amin lang may vacant! Kung minamalas ka nga naman, oh!

I avoided his gaze and bit my lower lip. Ayoko. Pero tumango rin ako. Sabihin pa n'ya ay iniiwasan ko siya. Well, yes.

I saw Juliana's eye widened when she saw who's in our table. Kaagad siyang tumayo at pinagpag pa ang vacant seat sa gilid namin.

"Thank you," aniya Vyn kay Juliana.

Umiling ako at pinokus ang sarili sa pagkain ko sa pinggan. Makikisit lang naman s'ya kaya hindi ko siya inabala pang lingunin. Pinaglalaruan ko na lang ang pasta na nasa pinggan ko.

"Doc." Tawag ni Juliana. "Grabehan mo naman awayin yang pasta."

Natigilan ako at nareliaze na durog durog na ang pasta. Napatingin sa akin si Vyn kaya kaagad akong nag iwas ng tingin.

"Uuwi na ako," sabi ko kay Juliana.

"Huh? Sure ka?"

"Oo. Medyo masama na rin pakiramdam ko."

Ang totoo ay hindi ko na lang talaga kaya magstay pa roon. Sa kasamaang palad, dahil malalim na ang gabi, wala na akong mahanap na sasakyan. Without a choice, I started walking. May malapit kasing train station sa may sunod na street. Clutching my bag, I started walking.

Hindi pa man nakakalayo ay natigilan ako sa paglalakad nang may humintong sasakyan sa harap ko. Nang bumukas ang bintana ay naaninag kong si Khalil ang driver at nasa shotgun seat ang head surgeon namin.

"We'll drive you home, Dianne."

"No, I'm fine. But thank you!"

"Gabi na, wala nang masasakyan. C'mon, Dianne." He still insisted.

Huminga ako nang malalim bago buksan ang pinto sa likod. Muntik na akong mapaatras dahil nandoon si Vyn at tulog. Nakapatong ang kanyang braso sa kaniyang mata at nakahilig sa sandalan.

He looks tired.

Pinilig ko ang sarili at sumakay na. Nakakatawa dahil mas nauna ko pang maamoy ang pamilyar na pabango ni Vyn kesa sa amoy ng pagkalakas lakas na aircon ng kotse ni Khalil.

"Where do you live, Dianne?" Ani Vyn.

Sinabi ko ang pangalan ng building at kaagad n'ya namang inilagay sa waze para masundan.

"Uunahin lang natin ihatid si chief, mas mauuna kasi yung bahay n'ya. Okay lang ba, Dianne?" Sinilip ako sa rearview mirror ni Khalil.

Tahimik na tumango na lang ako.

Habang nasa byahe, hinilig ko ang sarili sa bintana at mas piniling panoorin ang paglipas ng mga puno at streetlights. I still can't believe that I am breathing the same air with him. Ni sa panaginip hindi ko nalaman na makikita ko na pala ulit siya.

"Bye chief! Goodluck to your next journey!" Paalam ko sa dating head surgeon.

Kumaway lang s'ya sa amin. Medyo may kalayuan pa ang building ng condo ko sa bahay nya kaya sandali kong pinikit ang mata.

"Shut up, Khalil! You'll wake her up."

Nagising ako mula sa ingay na iyon. When I opened my eyes, Vyn's face is the first thing I saw. Napaayos ako ng upo at sumilip sa labas at narealize na nasa condo na ako.

"Ah, uhm. . . thank you sa paghatid. Alis na ako." Tumayo ako ngunit natigilan nang may malaglag na bagay mula sa hita ko. Pinulot ko iyon at narealize na jacket iyon ni Vyn.

Pinulot ko iyon at iniabot sa kaniya. "Thanks," maiksing sabi ko.

Hindi ko na siya inintay umimik at kaagad na bumaba ng kotse deretso loob. Pagkabukas ko ng pinto ay nanghihinang napasandal ako roon at pinakiramdaman ang mabilis na tibok ng puso.

Shit! Shit!

Andito talaga siya?

Pakiramdam ko unti unting bumalik sa isip ko ang isang alaalang pilit kong kinakalimutan dahil pinatay ako ng pangyayaring iyon.










-


Love at First TouchWhere stories live. Discover now