CHAPTER 8

6 0 0
                                    

CHAPTER 8



Hindi pa nakakatagal ng sampung minuto ay agaran na agad din iyong nakita ng mga kaibigan ko. Ang bagong tweet ni Zabdiel. Maging si Phia ay napabangon sa kinahihigaan niya para makiusisa sa akin kung ano na nga ba daw ang nangyari. Si Mai naman ay parang naging dakilang shipper na namin ni Zabdiel. Grabe, hindi ko na talaga kinakaya ang mga ito. 



Ang iingay nila, katanghaliang tapat.


Habang binabasa ko ang statement ni Zab. Parang, hindi ko maipaliwanag kung ano ang dapat kong maramdam. It is being stated there na it was just purely friendly moves. At sobrang saya sa feeling na matawag na kaibigan ako ni Zabdiel. 


Mukhang may bago ata akong gagawing playlist ah. 


"Hindi mo naman nashare sa amin na friendly ka pala talaga." Ani ni Ailene sa akin habang hindi pa din move on sa statement na nilabas. 


"I mean, as he should naman pero iba na 'to e. Bagay kasi sila. Feel ko may chemistry sila. Feel ko din, hindi lang friends ang agenda diyan ni Zabdiel." Mai said kaya mas lalong nag-ingay ang mga kaibigan ko nang dahil doon. 



Jusko si Mai na ito! Kung ano ano na lamang ang pumapasok sa kanyang isipan.


"Friends lang kasi. Sinabi na 'yan sa statement oh." Sabi ko sa kanila at inilingan.


Hindi ko naman crush si Zabdiel pero idol ko siya? Magulo akong tao mula noon pero hindi ko akalain na may mas igugulo pa pala ako. Iniidolo ko lang talaga si Zabdiel pero hindi umabot sa point na hiniling ko na sana ay magustuhan niya din ako. Siguro, paghanga lang talaga, ganon. 


Hindi ko din nakikita ang sarli ko na in a relationship with him. 


For sure, with him too. It was just friedly intension lang talaga kung bakit niya ako finollow. At hindi ko din alam kung bakit ko ba iniisip ang ma bagay na ganito. Sila Mai kasi. 


Hawak hawak ko ang cellphone ko ngayon. I am planing to follow him back. Katabi ko ang mga kaibigan ko ngayon, inaabangan ang gagawin ko. Gusto daw nilang masaksihan ang pagpafollow back ko sa kanya. Ewan ko na talaga sa mga ito. Ang dami masyadong alam. Suportang suporta din sila sa pagpafollow back ko kay Zab. 


Shipper na ata ang mga ito ay magkaibigan lang naman kami. 


I followed him back since gusto ko din naman talaga siyang maging friends. Like, duh? Ako pa nga ba ang aarte sa'min?


"Boom girl, hindi pa nakaka-isang minuto, kalat na agad ang balita na finollow mo na din si Zabdiel. Grabe! Ang bibilis nila. Wala silang paawat kahit isang minuto." Sabi ni Arie.



"Right, like they don't have a minute to process it. Ipopost agad nila and they will announce it immediately." Sabi ni naman ni Ailene at pabirong ginanutan ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unfading Love's SerenadeWhere stories live. Discover now