Chapter Thirty-One

Mulai dari awal
                                    

"Tingin mo ba ikaw lang ang nahihirapan? Bela, I am too! I'm fucking stressed about this and I regret everything too! If I should've found you seven years ago this won't happen! Everything won't be like this!"

"Listen to me—"

"No! You listen to me!" He shouted and his eyes were burning with anger, "I just want nothing but my son. I'm not asking you for anything in return Bela. I just want you to tell Zephyr the truth."

"Parang sinabi mo na din na nagtagumpay si Magnus sa plano niya." Sagot ko at humagulgol. Naiisip ko pa lang na iiwan ako ni Zephyr ay hindi ko na ata makaya. Why is this happening to me? Bakit ba hindi na lang ako puwede maging masaya?

"Mas gugustuhin mo bang lumaki ang anak mo sa isang kasinungalingan?" Aniya kaya tinignan ko siya, "I don't want that for my son, Bela."

"He's not yours." I answered him.

"Fine. Magpa-DNA test tayo ulit. Kahit ilang beses mo pa gusto. Kahit sa kilalang doctor mo pa papayag ako. Just to slap the truth in your face I'll do it."

Hinatid ako ni Laurent pabalik sa hospital nang matapos kaming magusap. Hindi pala kami natapos dahil hindi ko na sinagot ang mga sinasabi niya. Wala sa sariling pumasok ako sa room ni Zach at naabutan ko tong nanonood ng cartoons at katabi si Zephyr.

"Mommy..." Ngumiti si Zach sa'kin at hindi ko na napigilang mapaiyak.

"Baby." I walked towards him and hugged him. Bakit ba ang malas ko sa tadhana? Bakit ba to nangyayari sa'kin? Ano bang kasalanan ang nagawa ko para parusahan ako ng ganito? If it's because of the time when I left Zach in Zephyr's door then I deserve this all. Pero pinagsisihan ko na 'yun. Hindi ba puwedeng tama na?

"Bela, bakit ka umiiyak?" Tanong ni Zephyr. Nilapitan ko to at mahigpit na niyakap. Iniyak ko lahat ng luha ko sa dibdib niya habang mahigpit ang kapit ko sa damit niya.

"Mommy what's wrong?"

Hindi ako makasagot hanggang sa umupo si Zephyr sa hospital bed at niyakap ako. Hindi na halos ako makahinga dahil sa kakaiyak pero hindi ako tumigil. Ang sakit na kasi. Napapagod na ko pero kailangan ko pa din harapin ang bagay na to. If this truth will be the last time that Zephyr and I will be together, I would at least enjoy everything from now on.

"Shh, tell me what's wrong." Bulong ni Zephyr sa'kin saka ko dinala sa guest room na nandito.

"Z-Zephyr m-mahal na m-mahal kita." Humihikbing sagot ko bago ko siya muling niyakap, "I'm sorry for everything Zephyr. I'm sorry that I lied. I'm sorry. Sana mapatawad mo ko. Alam kong malaki ang naging kasalanan ko pero tandaan mong mahal na mahal kita."

"Bela, I love you too so much. Why are you telling me these like you're saying goodbye? Babe, don't you ever leave okay? Dahil kahit saang lupalop ka pa ng mundo, mahahanap kita."

"I'm sorry, I'm sorry." Paulit ulit kong sagot. Hindi ko man masabi ang tunay na dahilan pero ngayon pa lang ay gusto ko nang humimgi ng tawad. Zephyr's life won't be like this if I we didn't come to his life. Siguro hindi ako ang kasama niya ngayon. Siguro ibang bata ang tumatawag sa kanya ng daddy at hindi ang batang inakala naming anak niya. Everything won't be like this if it wasn't because of me.

"Tahan na. Tell me what's wrong." Anito pero hindi ako sumagot. I still can't tell him the truth. Gusto ko muna siya makasama kahit na ilang araw, kahit na ilang saglit lang...

—•—

After more than a week ay nakauwi na kami sa bahay. Magaling na si Zach at bumalik na ang pagiging makulit niya. Malakas na din siyang kumain at gusto na agad niyang pumasok sa school kaso ay baka mabinat siya.

CONSEQUENCE OF TEMPTATIONTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang