Chapter Twenty Two

624 12 0
                                    


"Ano ba?!" Sigaw ko at tinulak siya palayo sa'kin. Matalim ang tingin nito sa'kin at nagulat ako nang marahas niyang punasan ang gilid ng labi kong hinalikan ni Regan.

"No one can kiss you Bela. Ako lang." May pagbabanta niyang saad sa'kin. I glared at him and slap away his hand in my face.

"Wow. Ano ako? Sa'yo? Ang kapal mo naman din ano?"

"Bakit hindi ba?" Ngumisi ito, "You are fucking mine Bela. I don't want any man near you, understand?"

"Don't be such a selfish asshole Zephyr. Baka nakakalimutan mong ikaw ang nangiwan sa'kin anim na taon na ang nakakalipas! Wala kang karapatan angkinin ako!"

"Six years ago doesn't matter anymore—"

"It does matter to me!" Naluluha kong sagot. Ang kapal ng apog niyang angkinin ako na parang wala siyang kasalanan? Na parang walang nangyari? "Gago ka. Kung inaakala mong magmamakaawa pa din ako na balikan mo ko tulad noon ay nagkakamali ka. You're an asshole Zephyr!"

"Call me whatever you want. Ikaw pa din naman ang hahabol sa'kin." Anito bago pinaandar ang sasakyan. Nakuyom ko ang kamao ko habang nakatingin sa kanya. Kung wala lang kami sa gitna ng kalsada ay baka sinuntok ko na siya.

"I want nothing from you but my son, Montenegro." I said. Sumulyap ito sa'kin bago siya ngumisi.

"You won't get anything from me, Bela. I'll make sure you'll beg to me before you can get what you want."

Umiwas ako ng tingin dahil sa inis. I'll prove to him that I don't need him anymore. Siya ang nagtulak sa'kin palayo noon. Siya ang nangiwan sa'kin at siya ang naglayo sa'kin sa anak ko. Ako pa din ba ang dapat magmakaawa kung siya naman ang dahilan kung bakit anim na taon kong dinala ang lahat ng sakit at pagsisi na iniwan niya?

Nang tumigil ang sasakyan sa stoplight ay mabilis kong tinanggal ang seat belt ko at bumaba ng sasakyan. Malakas akong tinawag ni Zephyr ngunit hindi ko siya pinansin at tumakbo palayo doon.

Tuluyan nang tumulo ang luha ko dahil sa galit. Bakit naging ganito na siya? He used to say that he love me. Gano'n ba talaga kalaki ang kasalanang nagawa ko para i-trato niya ko ng ganito?

Kinabukasan ay walang imik akong pumasok ng opisina. Pagupo ko sa mesa ko ay inayos ko na ang mga papeles na ipapasa ko sa kanya ngayon.

Napatingin ako kay Zephyr nang maglapag siya ng coffee sa lamesa ko. Hindi ko man lang namalayan na nakatayo na pala to sa gilid ko.

"C-Coffee—" Tumikhim ito, "Coffee yan. Na-doble kasi bili ko."

"Hindi ko yan kailangan." Sagot ko. Hindi agad ito umalis sa kinatatayuan niya pero nang tignan ko siya ay agad itong tumalikod tsaka bumalik sa kinauupuan niya at iniwan ang kapeng binigay niya. Naiinis na tinapon ko 'yun sa trash can sa gilid ng mesa ko bago ko siya sinulyapan ng masamang tingin.

Lunch time ay nag-order ako ng pagkain para kay Zephyr at nang dumating to ay naka-simangot akong lumapit sa kanya.

"Lunch mo." Saad ko. Sinara nito ang laptop at inabot niya ang paper bag na hawak ko dahilan para mahawakan niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung sinadya niya ba 'yun pero tila nangaasar siya dahil sa ngisi niya.

"Join me." Pagaaya niya pero agad akong umiling. Gago ba siya? Pagtapos ng nangyari kahapon aayain niya ko na parang wala lang?

"Sa cafeteria na lang ako."

Hindi ko na to inantay sumagot tsaka nagmamadaling lumabas ng opisina. Pagbaba sa cafeteria ay agad akong nag-order ng pagkain. Puno halos ang mga table at nang makita ko si Allein ay nilapitan ko to.

CONSEQUENCE OF TEMPTATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon