Chapter Twenty Seven

569 10 1
                                    


What does love means to you?

Ayan ang tanong na bumabagabag sa'kin ngayon. Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng pag-ibig? Does it mean to hurt? To be happy? To feel sad? Love has many meanings. Nasa sa iyo na lang kung paano mo to madedescribe.

Mula nang may mangyari sa'min ni Zephyr ay hindi na maalis sa isip ko kung ano nga ba talaga siya para sa'kin. I loved him when I was still an ordinary person, a no one. I wanted to be famous just to get his attention.

Sa dami ng pinagdaanan naming dalawa sa nakalipas na mga taon, nananatili ang pagmamahal ko kay Zephyr. Siya ang una't huling lalaking pinangako kong mamahalin ko. Akala ko huli na para sa'ming dalawa pero...puwede pa naman di ba?

"Are you okay, Isabela?" Napakurap ako nang magsalita si Allein. I decided to end things with him. Alam kong magiging unfair ako sa kanya dahil minahal niya ko pero ayaw ko nang paasahin si Allein.

"I-I'm sorry. May naalala lang ako." Sagot ko.

"Okay. So, what are we going to talk about?" He smiled. Napahinga ako nang malalim bago sinalubong ang nagtatanong niyang titig.

"Allein, I'm sorry." Umpisa ko. Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitang ng pagtataka ang mga tingin niya.

"For what?"

"Y-You're a good man, Allein. But I think I-I'm not the woman for you." I finally said. Katahimikan ang bumalot sa'min, "I know I'm being unfair to you after the months we dated but I can't...I can't teach my heart to fall for you."

"Isabela..."

"Patawarin mo ko Allein. But I think we're better off as friends."

Muli kong tinignan si Allein at doon nakita ko ang lungkot sa mga tingin niya. I disappointed him, I hurt him. Hindi ko naman inaasahan na hindi ko makakalimutan si Zephyr. Akala ko ay magagawa ko 'yun kapag nakakilala ako ng ibang lalake pero hindi. Hindi ko pa din kayang ipagpalit ang lalaking minahal at minamahal ko. Dahil kahit pagbaliktarin pa ang mundo, kahit punuin pa ng galit ang puso ko, hindi pa din magbabago ang katotohanang si Zephyr lang ang mahal ko.

"D-Don't be sad Isabela." Ani Allein na kinatingin ko. May masayang ngiti sa labi nito kaya mas na-guilty ako, "I told you that I will not assume to anything. Hindi ako aasa at mananatili akong naghihintay. At kahit man hindi mo ko bigyan ng chance na maging kasintahan mo ay hindi ako magdadamdam. Isabela, you're a wonderful person and I know you will never be mine."

"I-I'm sorry Allein."

"Siya ba?" Tanong nito. Nagtaka naman ako kaya mahina siyang natawa, "Lagi kong napapansin na ang sama ng tingin sa'kin ni Zephyr. Palagi kong nararamdaman ang mga mata niyang nakamasid. I still remember when I gave you the tea in the cafeteria, he was also there watching us. I can feel his glares too."

"H-He did those things to you?"

"Yeah. Nagtataka ko nung una. Pero nang makita ko ang mga titig niya sa'yo, naintindihan ko na. Because I was looking at you with so much admiration and love too."

"Allein..." Tanging nasabi ko. Hindi ko na alam kung ano pang masasagot ko. Nahihiya ako dahil nasaktan ko ang isang taong tulad ni Allein.

"Isabela, it's okay, I'm fine. Sabi nga 'di ba, pag mahal mo, papakawalan mo? Besides, I already told myself that you will never be mine." He chuckled, "I didn't put my hopes too high, don't worry. Dahil pag magmamahal ka ng isang tao, wag mong ibigay lahat para sa huli masakit lang, hindi masakit na masakit."

Right. Kaya naman sobrang sakit nang iwan ako ni Zephyr noon. Because I gave him everything I have. I gave every bit of my body and love. Wala akong tinira kahit na konti para sa'kin dahil gano'n ko siya kamahal. I'm willing to lose everything just to give him anything. That's why I ended up in the mud; hurt and alone. But I somehow manage to stand up and still, Zephyr have my heart with him.

CONSEQUENCE OF TEMPTATIONWhere stories live. Discover now