CHAPTER 7

381 7 0
                                    

CHAPTER 7

Natutulala si Marian nang bigla siyang iwan ni Gail sa couch nang nakahubo't hubad at mula doon ay hindi na niya napigilang hindi maiyak.

Napayakap siya sa kaniyang tuhod habang tuloy-tuloy ang luha.

"Kailangan mo maging malakas...hindi ka pwede iiyak iyak lang Marian..."

Sabi niya sa sarili habang pinakakalma ang pakiramdam.

Maya-maya lang ay nagpahid na siya ng kaniyang luha sabay nagbihis muli ng damit at lumabas na ng study room.

Nang makalabas ay naghihintay na sa kaniya ang mayoroma ni Gail sa labas na bahagyang ikinagulat pa ni Marian.

"Ipagpaumanhin niyo ma'am kung nagulat po kayo, sasamahan ko na po sana kayo sa inyong kwarto"

"Wala pong problema manang, sige po"

Sabi ni Marian at sumama naman agad sa mayordoma papunta sa kwarto niya.

"Dito po ma'am ang inyong silid, pwede na po kayo magpalit ng damit at maghanda para po sa dinner niyo kasama ang madam"

"O-Okay po, maraming salamat po ulit manang"

Sagot ni Marian at tuluyan nang pumasok sa loob ng kwarto niya sabay umupo sa kama at napabuntong hininga.

Napapalibot ang mata niya sa kwarto na namumuo nanaman ang luha sa mata.

"Sana hindi na lang nangyayari ang lahat ng ito...bakit ba kailangan na kami ang maghirap ng ganito"

Naluluhang sambit ni Marian at mga ilang minuto pang nakaupo sabay tumayo na rin upang tignan ang mga gamit niya sa sariling malawak na cabinet na punong-puno ng sapatos at damit.

Tanging haplos at hawak sa mga magagandang damit at sapatos lang ang nagawa niya nang magsalita bigla sa likod niya si Gail.

"I'm not surprise na hindi ka na na-aamaze sa mga gamit dito, you once had all this"

"Hindi naman sa ganon, I appreciate all of it, I should... besides, bayad naman lahat ng to, bayad naman ng katawan ko diba?"

Malamig na sagot ni Marian sabay lumabas mula sa malawak na cabinet at nilagpasan si Gail na nasa entrada nito.

"What's with the attitude again?"

"Nothing, bakit naman ako mag-a-attitude, am I even allowed doing that"

"You're allowed to say and express what you want coz I'm allowed din to do the same with you"

Sa sinabi ni Gail ay nahinto si Marian sa pagtupi ng mga damit niya sabay lignon kay Gail.

"What are you doing here? May kailangan ka ba?"

"I suddenly have someone to meet later so I cannot be with you at the dinner—"

"—go, I don't mind eating alone or eating here inside my room"

"I'm not yet finish. I said prepare your clothes, you're coming with me"

Sambit ni Gail sabay lakad at labas ng kwarto ni Marian na natitigilan ngayon.

Napapikt na lang siya sabay buntong hininga at bumalik sa kaniyang malaking cabinet at napapaisip kung ano ang isusuot niya nang maguluhan bigla kaya naman minabuti niyang puntahan ang kwarto ni Gail upang itanong kung ano ba ang dapat niyang suotin.

Kakatok na sana siya nang makitang nakabukas naman ng kaunti ang pinto kaya naman binuksan niya iyon sabay pasok at magsasalita pa nang matulala siya bigla.

Si Gail na naka-bra lang at walang pambaba na bahagyang magbibihis.

Agad na tumalikod si Marian sabay nauutal niyang salita.

Love Hate then getting LaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon