CHAPTER 6

414 9 0
                                    


CHAPTER 6

"Hindi ko maintindihan itong ginawa mo!?"

"Ma, please, not now, hindi ko kailangan ng galit niyo...hmmmm sob*sob* hmmmm mas kailangan ko ang suporta niyo...wala na akong iba pang maisip..."

"Pero Marian marrying a lesbian woman? Oh god! Gusto kong maintindihan ka anak pero...hindi mo kailangan ilagay ang sarili mo sa ganito!"

"And what? Hayaan ko kayo? Hayaan kong mamatay si Dad kasi wala na tayong pang-suporta sa hospital bills niya? Nalaman ko rin...malaki ang utang ni Dad sa iba pang loan sharks and corporation, Gail Veron pay all of that"

Paliwanag ni Marian sa lumuluhang ina.

"Gusto kong intindihin anak, kahit man lang sana malaman kong mahal mo ang taong yon, wala akong pakilam kung babae siya pero iyong magpakasal ka sa taong hindi mo mahal! Ang hirap maging masaya para sa iyo!"'

"Limang taon lang...kakayanin ko 'yon ma...I am sorry ma..."

Umiiyak na sabi ni Marian sabay yakap sa ina at kinuha na ang kaniyang mga gamit paalis ng bahay nila.

Nang makalabas ng bahay ay sinalubong naman na siya ng mga tauhan at driver ni Gail sabay sakay niya sa kotse.

Isang luhaang mata na lang na tingin ang ginawa niya habang papaalis ang sasakyan mula sa bahay nila.

VERON MANSION

Nakaharap sa bintana habang nagsisigarilyo si Gail nang pumasok ang personal niyang secretary na si Hans.

"Madam, kakaalis lang ng bahay nila Ms. Marian"

"That's good. Prepare her room, tell the servants to cook something appetizing for dinner"

"Yes madam and Mr. Klein is here"

"Let him in"

Agad naman pumasok ang lalaking si Klein sa study room ni Gail at nagbeso naman agad ito sa kaniya.

"You look prettier and prettier Gail"

"Am I? I thought you're disappointed in me"

"Well, medyo, kung kalian pwede na akong maging part ng Ms. Universe event e doon ka naman tumakbo at nagpakarebelde riyan!"

Natawa naman si Gail sabay umupo sa couch habang nakaupo naman sa tabi niya si Klein.

"That's not easy Klein...it takes me a lot of thinking before I come up with that decision"

"Dahil sa nanay mong sugapa sa korona!?"

"Yeah pero more like, I am not sure what will I be if mawala ako sa lime light then leaving alone for two years, I was so free and can do what I want but ends in a blink of an eye..."

"Alam mo girl, kung hindi mo rin pinili ang buhay na 'to, alam mong sasam-samin ng evil step mother mo ang lahat! And I heard they are now here...they have returned"

"I throw them away so they cannot just go back and step on my premises. Things have changed so much Klein after that night"

"Siya pa rin ba?"

"I'm still looking for her pero wala pa rin...well, I better not know where she is than knowing she's dead"

"Grabe Gail, now lang ako nakakilala na nagmahal ng isang taong isang beses niya lang nakilala at naka-sex"

Natawang muli si Gail sabay hit-hit muli ng kaniyang sigarilyo.

"I guess I'm always unique as ever...by the way, how's the girls?"

Love Hate then getting LaidWo Geschichten leben. Entdecke jetzt