CHAPTER 3

471 9 0
                                    

CHAPTER 3

Hawak ang isang baseball bat habang suot ang sombrero, pasimple at tuloy-tuloy lang na pumasok si Marian papasok sa kumpaniya na kaniyang pinapasukan hanggang makasakay ng elevator.

Nang makarating sa floor ng opisina nang CEO ay dire-diretso siyang pumasok sa loob nito na agad siyang hinarang ni Jacob pero natigilan ito nang makita ang mukha niya.

Nag-sign pa siya na tumahimik ito dahil nakatalikod ang amo na may kausap sa cell phone at nakatayo sa harap ng bintana.

Nang papaharap na ito ay isang malakas na hampas ng baseball bat ang ginawa ni Marian dito na naiwasan nito nang hindi sinasadya dahil sa biglang pagyakap ni Jacob sa likod niya para pigilan siya.

"Marian ano ba!!!"

"Anong ano ba!!! Iyang amo mong demonyo!!! Alam mo ba ang ginawa sa akin niyan ha!? Ibinenta ako niyan sa kaibigan niya para gahasain!!!"

Isang malakas na sigaw ni Marian at akmang susugod nanaman ng paghampas ng baseball bat sa amo na nakatago na sa table nang mahinto siya dahil sa sumunod na salita ni Jacob sa kaniya.

"Oo alam ko..."

Halos manginig na napalingon si Marian kay Jacob na nakatingin lang sa kaniya na parang wala lang sabay nagbago ang reaction nito at nagsindi pa ng sigarilyo sa harap niya.

"A-Anong sinabi mo...?"

"Okay mukhang nabingi ka...ang sabi ko alam ko ang tungkol doon—"

Hindi na natapos ni Jacob ang sasabihin niya nang biglang hampasin siya ni Marian ng baseball na nagpadugo ng ulo niya.

"Hayop ka!!! So sinadya mo rin!? Hayop ka!!! Mamatay ka na!!!"

Galit at luhaan na sambit ni Marian at hahampas nanaman sana ulit kay Jacob nang matigil siya dahil sa emosyon na lumabas sa kaniya.

Nanghihina niyang naibagsak ang baseball bat sabay luhaan na lumabas ng opisina hanggang sa makalabas ng building na walang nakakalapit sa kaniya dahil sa takot na mahampas niya.

Nanginginig sa iyak na naglakad si Marian sa kahabaan ng daan dahil sa katotohanan na nalaman niya hanggang sa manghinang mapaupo sa gitna nang kalsada at doon na nagtuloy nang pag-iyak.

Lumipas ang dalawang araw na wala sa matinong pag-iisip si Marian na kahit ang kaniyang ina ay hindi niya ngayon pinapansin, panay inom lang siya ng alak sabay tumatambay sa bar para lalo pang magpakalunod.

Halos hindi na siya makatayo sa kalasingan nang may lumapit na lalaki sa kaniya.

"Miss okay ka lang?"

"Shino ka....hindi namen kita kilala ah! Shino ka ba ah...? Gushto mo pasayahin kita...? Pero babayaran mo ako...yung malaking bayad...yung maraming peya...! Hahaha!!!"

Lasing at para nang wala sa sariling nagsalita si Marian nang bigla siyang binitawan ng lalaki at iniwan na lang siya sa kalsada sa labas ng bar.

Habang halos gumapang na ay nagtataka naman siya nang may mga lalaking dumampot sa kaniya sabay isinakay siya sa isang sasakyan.

Halos malabo na ang paningin niya sa babaeng katabi niya sa loob ng sasakyan, magsasalita pa sana si Marian nang mawalan na siya ng malay.

Sa kalagitnaan ng gabi ay marahang namulat si Marian kahit hilong-hilo pa rin siya, pinagmamasdan niya ang paligid nang makita ang babaeng nakasuot lang ng robe sabay inabutan siya ng maiinum.

"S-Sino ka?"

"You don't recognize me?"

Mas iminulat pa ni Marian ang kaniyang mata nang makilala ang babaeng nasa harap niya.

Love Hate then getting LaidOnde histórias criam vida. Descubra agora