I blinked a few times, trying to register everything he said. Gagi, si Renz ba talaga 'to?

Sa dami ng sinabi niya, iyan talaga ang naisip mo? Ay ang tanga nga.

Mag shut off kayong mga bulate kayo.

"Wow. The English is very englishing." Kumento ni Kyle at pumalakpak. Nakigaya ang iba at pumalakpak. Kung hindi ko pa sila sinamaan ng tingin ay hindi nila hihinaan ang palakpak nila.

"Kung sino ka mang sumanib sa katawan ni Renz," Ani Timothy. "Wag ka nang aalis. Diyan ka nalang."

Dinamba siya ni Renz at kinotongan, na ikinatawa ng iba. Syempre ang isa hindi rin magpapatalo kaya ang ending nagbawian na sila ng batok. 

"But hey, I agree with him." Biglang sabi ni Clover. Tumigil yung dalawa sa pagbabatukan ang nakinig kay Clover. "Don't be afraid. We'll be here, ready to help you. Okay?" He said and smiled. Tumango lang ako at nginitian siya.

"Ate. Huwag mo kaming iiwan ah?" Ani Renz at muling tumabi sakin. I chuckled and ruffled his hair.

"I won't. Sino ba nagsabing aalis ako? Edi nawalan kayo ng maipagmamalaki." Sabi ko at tumawa. Kanya kanya naman silang kumento kaya napairap ako.

"Sige na, alis ka na. Kaya na namin 'to."

"Pre pakicheck nga yung bintana. Parang biglang humangin bigla eh."

"Oo nga pre. Parang tatangayin na nga ako ung hangin eh."

"CJ, hindi naman masamang mangarap. Pero yung may realidad naman sana."

"Nyenye. Ang pangit niyo." Sabi ko at binelatan sila. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Kahit na mostly puro pang-aasar lang ang ginawa nila.

Bumalik sila sa pag-aasaran. At habang pinapanood sila ay hindi ko maiwasang maalala ang mga pangyayari netong mga nakakaraan. They sacrificed a lot. For me. For someone they barely know.

A few months ago, these guys are my bullies. Everyday, they think of something that'll piss me off. Trying to get me out of their section. Pero ngayon, they're here. Inside my room, naghaharutan, nag-aasaran. At feeling home talaga.

"A penny for your thought?" I heard Clover whisper. I look at him and chuckled.

"You should be in your own houses, not in mine. And yet, here you are, making sure I'm okay."

"Ay, bakit? Sino nagsabing andito kami para sayo? Shunga. Andito kami para sa aircon at pagkain." Biro ni Kyle na nakaupo na rin pala sa likuran ko. Hinampas siya sa braso na hindi naman niya ininda at tinawanan pa talaga ako.

"Ang kapal naman ng mukha mo beh. Lumayas ka na nga rito baka mabigwasan kita." Sabi ko at inambaan siya. Siyempre tatawanan lang niya ako. Malakas sapak nito eh.

"Of course, Cy. We'll always be here for you." Ani Clover at inakbayan ako. "Tsaka utos ni bossing. No choice kami. Joke."

"Psst hoy pare ikaw ah tsuma-tsansing ka. Baka mawalan ka bigla ng braso." Sabi ni Klarenz. Biglang tinanggal ni Clover ang braso niya at napakamot sa batok. Nabaling sakaniya ang lahat ng tukso at muling naging maingay ang kwarto ko.

"Pero, CJ, di nga. Seryosong tanong." Biglang nagseryoso si Riu kaya hindi pati ako ay nagseryoso na rin. Tinaas ko ang kilay ko.

"Ano?" Tanong ko.

"Ilan ngang anak ang gusto mo kay Ice?"

Naghagalpakan ng tawa ang mga tukmol samantalang ako ay puputok na ang pisngi ko sa sobrang init. Sinamaan ko ng tingin si Riu at binatukan nang malakas.

"T*NGINA MO!" Bulyaw ko sakaniya at muli siyang hinampas. Tumayo siya at kumaripas ng takbo at ako tong tangang hinabol siya. Kada naaabutan ko siya ay hinahampas ko siya. Mga ilang segundo lang ay bigla kaming napatigil nang malakas na katok mula sa pintuan ko ang narinig. Bigla rin silang nagsi tahimik at halos pigilan na nila ang mga hininga nila.

"CJ?"

Hala g*go yung tatay ko!

"T*ngina niyo kasi ang iingay niyo." Bulong ko at sinamaan sila ng tingin. Nagkagulo sila lalo nung muling kumatok tatay ko.

"I'm coming in." Ani ng tatay ko at binuksan ang pinto. Huli na ang lahat dahil nabuksan na niya nang malaki ang pintuan. Nagkatitigan pa siya at ang mga kaklase ko.

"ige museum tteusiya?!" ("What is the meaning of this?!")


(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)


The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now