🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷 # 7 [ WHAT TO DO? ]

Start from the beginning
                                    

“May kailangan ka?”

Ano? Tinatanong niya ako kung may kailangan ba ako?Baliw ba siya?

“Nang-aasar ka ba?Kung sampalin kaya kita pagkatapos tatanungin kita kung masakit ba?”Pabalang na tugon ko dahil sa inis.

“Kung ganun naiinis ka sa akin?”

“Hindi!Hindi ako naiinis sa’yo,nagagalit ako!”

“Bakit naman?”

“Huh?Bakit naman? Nagpapatawa ka ba? Kung oo kase hindi ako natatawa sa walang kwenta mong jokes.”

“Ganon ba?”Simpleng sagot nito na parang hindi big deal ang ginawa nito sa kanya.

“Wala ka talagang hiya kahit kailan.Alam mo ba na ang trabahong iyon ang inaasahan ko maliban sa scholarship ko?At dahil sa ginawa mo para mo na rin akong pinatigil sa pag-aaral.Ano ba talagang gusto mo!”Halos maiyak na bulyaw niya.

“Fine.Be my slave! In case you forgotten may utang ka sa akin and you must pay.”

“W-what?”Nakamulagat na tanong niya.Maluwang na yata ang turnilyo ng utak ng lalaking ito?

“Yes,well–This is how i want you to pay me ms.Hera.”

“Bat ko gagawin iyon?”

“Matalino ka diba?So what’s wrong with you?Sabi ko magiging slave kita as in alipin para mabayaran mo ang mga ginawa mo sa akin.Pagsilbihan mo ako at susundin lahat ng iutos ko at sabihin for the whole semester,ganun lang kasimple kung gusto mong makagraduate.Then tapos.”Mahabang paliwanag nito.

“Siraulo kang lalaki ka,”bulyaw niya at handang sampalin ito pero nahawakan iyon ni Mark.“Akala mo susundin ko?”Naiinis na talaga siya.Nagkumpulan na rin ang mga tao at tila tuwang-tuwang pinanood sila na nag-aaway.

“Kung ganun madali lang naman akong kausap,siguro kailangan ko na ring ipaasikaso ang scholarship mo.Or better yet,papatalsikin na lang kita sa school?Alam mong kayang-kaya kong gawin iyon,”mayabang na sabi ng binata.

She saw his familiar triumphant smile.Her heart sundenly jumped.Kung hindi ba naman siya isang baliw,nasa isang alanganing sitwasyon na siya pero nakuha pa niyang ngumiti sa lalaking ito ang may gawa kung bakit nagkaproblema siya.Bat kase ang gwapo nito,wait! Ano bang iniisip mo Alliah?Ipinilig niya ang ulo upang maalis ang kakaibang naiisip.

“Di Gawin mo!”Bulyaw niya.

“Sige alisan kita ng mauuwian,”
Napatigil siya saglit bago nagmamartsang umalis sa lugar na iyon.

Lihim na napangiti ang binata.He felt great.Nagawa niyang inisin ang nerd kanina,medyo nakaramdam lang siya ng kaunting guilt.Pero may atraso ito sa kanya kaya dapat lang bigyan niya ito ng leksyon.







~ALLIAH POINT OF VIEW~

Pakiramdam niya ay tutulo na ang kanyang luha anumang sandali.Ano bang ginawa mo Alliah at pinarusahan ka ng ganito ng langit?Talaga bang gagawin niya iyon?At gantihan siya sa pagpapahiya niya dito?Parang tinotoo kase ng lalaki kase natanggal na siya sa trabaho.Anong gagawin ko?Oo nga’t napakaraming trabaho na p’wede niyang pasukan.Pero matagal ang prosesong gagawin niya bukod sa busy siya sa school dahil ga-graduate siya.Saka kailangan na rin niyang magbayad ng tinirahan niyang boarding house kuno.Magtatatlong buwan na kase siyang hindi nakabayad ng rent.Kaya naman dahil wala na siyang work ngayon masasabi niyang para na rin itong death threat niya.

Inis at may halong may pangamba na tinahak niya ang daan pauwi sa boarding house.Bat pa kase pinagkrus ang landas namin ng lalaking iyon?Kaasar!

“Mabuti at nakauwi kana?”Bungad ng masungit na landlady niya,marahil ay dahil malapit na itong mag-menopause.

“Opo,”sagot niya at pilit na ngumiti rito.

“Oh siya dalian mo ang pagligpit ng gamit.Papunta na ang papalit ng sa’yo.”

“Ho?Ano hong sinasabi niyo,madam?”

“Diba may pinapunta ka kanina sa tindahan at pinasabing aalis kana?Kaya tumanggap na akong bagong boarder’s.”

Saglit na hindi nakapagsalita si Alliah.Anong kaguluhan na naman ‘to?
Humanda ka talaga sa’king lalaki ka!
“Madam,hindi ho ganun,hindi ho tayo nagkaintindihan.Hindi naman ako aalis.”

Nakataas naman ang kilay nito na tiningnan siya.Diba sabi kona sa inyo guys masungit nga ang ale.“Hindi ba’t aalis ka?Yun ang sinabi nung lalaking de kotse kanina na boyfriend mo.”

“Ho?Boyfriend ko ika niyo?”Hindi makapaniwalang turo ni Alliah sa sarili.At kailan pa ako nagkaroon ng ganun?

“Yun ang sinabi niya,”hinagod siya nito ng tingin galing ulo hanggang paa.“Hmm hindi ko talaga maisip kung ano’ng nagustuhan ng binata sa’yo?”Pang-iinsulto nitong saad.

Pinanlamigan siya ng husto.Ni hindi niya pinansin ang pang-iinsulto ng landlady niya.Biglang bumalik ang tinuran ng lalaki sa kanya kani-kanila lang.“Sige alisan kita ng mauuwian,”Ito na ba ‘yun?

“Pero madam hindi ho totoo iyo–“

“Naku,Alliah!Tumanggap na ako ng bagong boarder’s kaya naman mag-empake kana.”

“Pero madam wala ho akong malilipatan agad,”protesta niya.

Bumuntong -hininga ito at tumingin sa kanya.“Parating na kase ang bagong boarder’s na papalit sa’yo at ilang buwan kana rin kaseng delayed sa pagbayad.May pangangailangan rin ako kaya naman ayoko ng maghintay sa’yo,di hamak mas madaling magbayad ang isang iyon.”

“Pero madam–“

“Doon kana lang sa boyfriend mo makitira tutal mukhang mayaman ‘yun.”

“Madam please naman,kahit–“

“Pasensya kana talaga,Alliah.Nagdown payment na kase siya.”Wika nito at tinalikuran siya.

Naiwan siyang tulala at hindi alam ang gagawin.What to do?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AVOIDING YOU IS BREAKING MY HEART Where stories live. Discover now