Chapter 2-Accidental Kiss

1 0 0
                                    

"Hayss, makatulog na nga lang." Sabi nito sa sarili.

Kaya humiga na nga siya sa kanyang kama. Pagkaraan ng ilang sandali, napabali-balikid ito dahil hindi siya makatulog marahil sa bawat pagpikit ng kanyang mga mata ay si James lang ang kanyang nakikita. Makaraan ang ilang sandali ay nakatulog narin ito sa wakas.

Alas singko ng umaga nung nagising sya ng tunong ng alarm clock.

"Ring..ring..ring..ring!!!" Kaya kahit inaantok pa siya ay pilit parin nitong ibinubuka ang tila nakakadena nyang mga mata.

Hanggang sa tuluyan na itong nakaidlip ulit. Makaraan ang ilang sandali, bigla siyang nagising at natauhan sa pagsigaw ng kanyang ina.

"Jerome... GISING NA, ANONG ORAS NA OHH.. ANONG BALAK MO BAKA MALATE KA NIYAN SIGE KA..!!" Pagsigaw ng ina na gumising ulit sa kanya.

"Oo na ma, eto na." Agad nitong sinabi.

Pagkarating nya sa paaralan, agad na bumungad sa kanyang paningin ang isang lalaking parang kilala nito.

"Hhmm, si James ba yun?? Malapitan nga." Sabi nito sa kanyang sarili.

Nilapitan nga nya ang binata at nakumpirma na si James nga ang lalaking iyon.

"Oh James ikaw pala yan." Pagbati nito ng may ngiti sa kanyang mga labi.

"Oo, ako nga. Haha" sabi naman nya.

"Teka, teka. Sa section A ka?" Pausisang tanong ni Jerome kay James.

"Yeah, don't tell me sa secrion A karin?" Tanong naman nito pabalik.

"Yes." Sagot ni Jerome sa tanong ni James.

"Well, thats good to hear. Meron na akong kakwentuhan mamaya lalo na't nasa section B mga barkada ko. Sabay na tayong pumunta sa room." ani nya.

"Sige ba" sagot naman ni Jerome ng may ngiti sa kanyang mukha. At sabay nga silang pumasok sa kanilang silid-aralan.

Nagsimula na ang klase nila. PE ang una nilang subject sa araw na yun. Dahil unang linggo palang ng klase ay nag 'Introduce yourself' nga sila upang makilala ang isa't isa.

"Hi everyone, I'm Kristelle Sy" at nagpakilala na nga ng isa isa ang mga ito hanggang sa umabot kina Jerome at James. Hi I'm Jerome Stanley, and I hope we can build friendship together in the future." Pagpapakilala nito sa sarili. At agad namang tumayo si James upang ipakilala rin ang sarili.

"Hi, siguro kilala nyo naman na ako diba? Pero gusto ko parin ipakilala ang sarili ko ng maayos para sa mga baguhan. Hahha. Hi, I'm Jerome Corney, masipag, at pinakapogi against the world hahaha char.. just call me James in short." Nakangiti habang pinapakilala ang sarili.

Nagsimula na ang kanilang klase. At nabanggit ng kanilang prof. na meron silang group project at yun ay binubuo ng dalawang tao kada grupo at kung sino man ang mapiling pinakamahusay ay may nakarapat na gantimpala.

"May magaganap na dance competition sa ating paaralan at ang Mapeh Club ang magsusulong ng PE'YESTA gusto kong sumali kayong lahat. Kaya humanapa na kau ng partners nyo dahil ang mananalo ay bibigyan ko ng gantimpala. Exempted sa Exam sa subject ko." Pangungumbinsing sabi ng guro sa kanyang mga estudyante.

"Rome, tayo nalang dalawa hahh.." masayang pangungumbinsi nito kay Jerome.

"Tayo nalang magsama? Sige ba." Agad naman nitong sinagot.

"Unang subject, pangalawang alaala. Unang sayaw na siya ang kasama, simula pa nung una alam ko na, na siya nga ang pinana ng tadhana. Makapangyarihang PE Class, ikaw ang pinagpalang magbibigay ng unang kulay sa aking pantasya." Sabi ni Jerome sa kanyang isipan.

Sila nga ang nagkapartner sa kanilang sayaw sa subject nilang PE. Lalo pa't sa susunod na araw ay masusubok na ang kanilang galing at pinagpaguran sa kanilang sayaw dahil ito na ang itinakdang araw ng paligsahan nila.

Huling gabi na ng pageensayo nila. Pumunta si James kina Jerome upang magpractice, nagkataon na wala ang nanay ni Jerome kaya ok lang kahit doon na siya magpalipas ng gabi.

Nagsayaw sila buong magdamag, ilang ulit at walang tigilan. Titigan at magiliw na sumasaway ng biglang naapakan ni Jerome ang nakakalat na mga lapis nya sa sahig na naging dahilan ng pagkatumba nito at dahil sila ay sumasayaw ay aksidente niyang nahila si James at naitilapon sa kanya.

Nagdikit ang kanilang mga labi ng higit isang minuto na para bang tumigil ang paggalaw ng oras na para bang sila lang ang tao sa gitna ng malawak na disyerto. Makaraan ang isang saglit ay di parin sila bumalik sa kanilang mga sarili ng biglang bumukas ang pinto na siyang nagpanumbalik sa kanilang sarili. Nagulat ang ina sa kanyang nasilayan.

"Huy, anu yang nakikita ko Jerome, ha!! Huy!! Sumagit ka nga! Ba't 'di ka makaimik ngayon? Dati rati naman eh palasagot ka sakin ahh!" Pausisang tanong ng kanyang ina.

Tatayo na sana siya nang biglang nagising siya mula sa kanyang pagkakatulog.

Ten-thirty na ng umaga, basang-basa na ang kanyang salawal nakaihi pala ito habang nakatulog dahil sa malabahaghari nyang panaginip. Bigla-bigla itong bumagon mula sa kinahihigaan nya at mabilis ang paghinga nito. Nagtagal ito ng ilang sandali.

"Hayys.. panaginip lang pala ang lahat!" Ani nito sa sarili.

Hindi narin ito pumasok sa paaralan dahil late narin siya.

"Ba't di man lang ako ginising ni mama. Late na tuloy ako sa school hayysss?" Sabi nito sa sarili.

Pagkalabas nya sa kanyang kwarto ay nakita nya ang kanyang ina na nag-aalmusal.

"Ohh gising ka na pala anak.. halika kain ka muna." Ani ng ina.

"Ma, ba't di mo man lang ako ginising, late na tuloy ako sa klase." Napakamot ito sa kanyang ulo habang nakikipag-usap sa ina. Agad namang umupo ito sa tabi ng ina.

"Anu ka ba anak, sabado ngayon kaya wala kayong pasok. Di na kita ginising dahil napansin kong pagod na pagod ka kagabi pagkagaling mo sa eskwela di ka na rin naligo kagabi dahil sa pagod mo." Natatawang sabi nito sa anak.

"Ayy, sabado pala ngayon. Hahahaha." Napakamot ito sa kanyang ulo at tumawa ng malakas.
Nagsimula narin itong kumain ng almusal.

𝓘 𝓦𝓪𝓷𝓽 𝓨𝓸𝓾 𝓽𝓸 𝓽𝓱𝓮 𝓜𝓸𝓸𝓷 𝓪𝓷𝓭 𝓑𝓪𝓬𝓴Where stories live. Discover now