1) The Lonely Assassin

341 16 0
                                    

REEN JHAME MAVINE

Ang ipinagtataka ko lang ay pinipilit talaga nilang sabihin na wala akong malay sa loob ng labing isang taon. They would keep on saying that. Pero, alam kong hindi iyon totoo. Hindi totoo na ganoon ang nangyari sa akin. Alam kong totoo ang lahat ng mga naganap sa akin mula ng bata ako hanggang sa mapunta ako sa ibang bansa at ngayon.

Nakita raw ako sa pool at nalulunod. Oo, nangyari iyon pero hiindi naman ako na-comatose. Buhay na buhay pa rin sa alaala ko ang lahat ng mga bagay na napagdaanan ko. Ramdam ko ang bawat pagpapahirap sa akin noon sa China at ang bawat dugo na nahahawakan ko mula sa mga taong napatay ko.

Paano nila nasasabing wala akong malay nang ganoon katagal kung alam ko sa sarili ko ang lahat ng nangyari sa akin. Panaginip lang ba iyon o sumanib ang kaluluwa ko sa ibang katawan? Hindi ko maipaliwanag. Magkakaiba ang mga pinaniniwalaan namin.

Gusto kong malaman ang totoong nangyayari. May mali rito. Kung makakaalis ako rito at makapunta ako sa mga lugar na napuntahan ko, baka magkaroon ng kasagutan ang mga tanong ko. Lalo na si Rico. Siya ang huling kausap ko bago mangyari ang kahibangan na ito. May ginawa kaya siya?

Hindi ako makaalis sa mansion. Pinipigilan akong makaalis ng ama ko maging si Samantha. Pinipilit nilang kumbinsihin ako na hindi pa ako magaling at kailangan ko pa ring makahuma mula sa napakatagal na pagkakahimlay ko sa ospital.

Nakamasid ako sa kanila habang abala sila sa pag-aasikaso ng mga gamit nila. He's still the mayor of San Diego, which means I'm not really hallucinating or what. Siya ang kinikilalang mayor hanggang ngayon.

Pinagmamasdan ko ang bawat kilos nila hanggang sa sumakay sila sa isang sasakyan na pag-aari ng amain ko. Nakakunot lang ang noo ko. Parang hindi nila ako nakikita o sadyang hindi lang talaga nila ako napapansin. Hindi naman gaanong malayo ang pwesto ko.

Nakaupo ako sa isang bench na malapit lang din sa pavilion. They're busy doing their usual thing. Papasok sa trabaho at papasok sa race track. Hindi ko mapigilang mag-isip nang malalim.

Samantha died.

Paanong buhay siya ngayon? Posible nga ba talagang hindi totoo ang pagiging assassin ko, panaginip lang ba ang lahat at ito ang katotohanan? Hindi ko masasagot ang mga tanong ko kung nakaupo lang ako.

Nang makaalis ang sasakyan nila ay ako naman ang pumunta sa garahe. Maraming sasakyan na narito lalo na ang iba ay sira at hindi na ginagamit.

Naghanap ako ng sasakyan na pwede kong magamit hanggang sa nakita ko ang isang kotse. A Maserati Quarttroporte. Ito ang lumang sasakyan ni Samantha. Wala akong susi ng sasakyan kaya hindi ko iyon magagamit.

Pumasok pa ako saa loob hanggang sa makarating ako sa ibang sasakyan na may mga takip. Tinanggal ko ang takip ng isang maliit na kotse. Isang Honda Civic. May sira rin ang isang ito, walang susi at nakarekta. Kakalikutin lang ang mga wire at pwede nang magstart.

Binuksan ko ang pinto na nangangalawang na. Nahirapan pa ako sa pagbukas niyon pero nakasakay rin naman ako nang maayos. Iba na ang amoy, parang lupa at kalawang. Inayos ko ang rear mirror. Mabilis na napalingon ako sa likod nang may mapansin akong isang bagay.

Kumunot ang noo ko habang inaaninag ko ang nakikita ko. Isang motor na mayroong takip. Ako lang ang gumagamit ng motor sa amin kaya bakit magkakaroon ng motor ang garahe ng ama ko?

Mabilis akong lumabas sa kotse para takbuhin at lapitan ang motor na mayroong balot ng isang itim na tela. Halos manginig ang kamay ko. Napalunok ako bago ko tuluyang alisin ang takip. Parang huminto ang takbo ng mundo ko sa nakikita ng mga mata ko.

This is my fucking Ducati Streetfighter!

Hindi ko alam kung mamamangha ako o kakabahan sa nakikita ko. Binili ko ang bike na ito nang makauwi ako ng Pilipinas mula sa China. I'm fucking sure I bought this bike. This is mine.

REPLICA IIWhere stories live. Discover now