Chapter 1

4.6K 66 7
                                    


Maaga akong nagising dahil sa lakas ng tunog ng alarm clock ko, maliwanag na sa labas dahil 6am na ng umaga, maaga pa naman pero agad na akong bumangon dahil kailangan kong maging maaga sa school.

First day of pa naman namin ngayon kaya ay hindi pwedeng ma late....senior high school na ako, at ang pinili kong strand ay ang STEM. Sa katunayan ay wala       talaga akong alam kung bakit ako napadpad sa Science Technology Engineering and Mathematics, dahil wala naman akong interest sa mga subject na yon.

Kapag kasi nag college ako ay balak kong mag Educ, hindi talaga sya connected sa STEM dahil HUMSS dapat ang kukuhanin ko, kaya lang ay naisip kong mas malaki ang oportunidad kapag graduate ako sa ganoong strand. Marami kasing mga offer na scholarships and mas prefer ng mga college university ang mga STEM students.

Bago ako tuluyang lumabas sa kwarto ko ay inayos ko muna ang higaan ko...naligo na ako saka nagbihis ng uniform. Pagkatapos ay saka ako bumaba...hindi ko na naabutan si Kuya roon dahil maaga na itong umalis, may trabaho din kasi sya kaya madalas ay hindi kami nag papang abot...iniiwanan na lang nya ako ng allowance para sa buong linggo.

Si Kuya na lang din ang nagtatrabaho para sa amin...wala na kaming magulang dahil namatay sila dahil sa car accident,  bata pa ako noon dahil nasa 15 pa lang ako ng mawala sila habang si Kuya naman ay nasa 18. Dahil doon ay maagang namulat si Kuya sa buhay, hindi na nya nagawa pa ang mga bagay na ginagawa ng normal na teenager dahil sya na ang naging punong abala sa negosyong naiwan nila Mommy sa amin.

Honestly! It was very hard...dahil super close ko sa mga magulang ko, walang araw na hindi ko sila na miss at hindi ako umiyak...hanggang ngayon ay parang kahapon lang ang lahat, nananatili pa rin sa isip ko ang mukha nila...maging ang boses nila na kinakatakot kong dumating ang araw na malimutan ko na ay tanda ko pa.

Sa unang taon namin na walang magulang ay talagang sobrang hirap...pareho kami ni Kuya na nangangapa dahil hindi namin alam kung ano ang dapat naming gawin.

Bata pa kami! At marami pa kaming hindi alam sa mundo, pero sinubukan naming dalawa na tumayo sa mga sarili naming paa...si Kuya ay kahit sobrang nahihirapan na ay pinag patuloy pa rin nya ang negosyong naiwan ng mga magulang namin kahit wala talaga sa pag nenegosyo ang gusto nya.

Ako naman ay pinilit kong mabuhay ng magisa at sanayin ang sarili kong walang ibang tao sa paligid...dahil kahit nariyan si Kuya ay parang wala rin sya.

Nasa jeep ako ngayon papunta sa school na papasukan ko, medyo may kalayuan nga ito mula sa bahay namin...pinili kong lumipat ng ibang school dahil walang strand na offer sa dati kong pinapasukan.

Nang huminto ang jeep ay hinantay ko munang makababa ang mga nasa harapan ko bago ako bumaba...naglakad lang ako ng kaunti bago marating ang gate ng school.

Bago tuluyang tumapak sa paaralan na iyon ay huminga ako ng malalim...habang naglalakad ay natatanaw ko ang mga estudyante na may malalawak na ngiti sa kanilang mga labi, halatang masaya sila sa unang araw ng eskwela.

Kinakabahan naman ako dahil ni isa ay wala akong kilala, bago ang lahat ng nakapaligid sa akin...dinasal ko na lang na sana ay maging maganda ang takbo ng buhay ko sa bago kong papasukan.

Kasalukuyan kaming nakapila dahil magkakaroon pa raw ng maiksing orientation.

I doubt kung maiksi lang talaga!

Pero sa tingin ko ay tama nga ako dahil halos kalahating oras kaming nakatayo sa gymnasium...puro mga paalala lang mga rules and regulations ng school.

Agad kong hinanap ang classroom ko...inisa isa ko ang classroom sa building ng STEM Department...hanggang sa makita ko ang pangalan ko.

11 Hope

16. Dela Paz D. Xavriel Jane

Nang makita ko iyon ay agad akong pumasok sa loob, nagtinginan silang lahat sa akin kaya nakaramdam ako ng kaunting hiya...gandang ganda siguro sa akin ang mga ito.

Well! I can't blame them.

Wala mg bakante...pero may isang upuan pa ang walang nakaupo kaya ay dali-dali akong naglakad pa tungo roon.

"Umhh, excuse me. May naka upo na ba dito" Kinakabahan kong tanong habang hinihiling na sana ay sabihin nyang wala pa dahil ito na lang ang bakante.

"Ay sorry, may naka upo na eh. Nag cr lang saglit" Sagot ng babae na mas lalong naka pag pa kaba sa akin dahil wala talaga akong nakikitang bakante pa.

Hindi ko alam ang gagawin ko, mananatili na lang ba akong nakatayo rito. Nakakahiya naman! Bakit ba kasi na late pa ako.

Pero agad ding dininig ng langit ang hiling ko dahil biglang tumayo ang lalaking nasa likod ko saka ako pinaupo sa upuan nya.

"Here, dito ka na umupo" ani nito sabay kuha nya sa bag nya.

"Thank You...pero pano ka wala kang upuan " Sabi ko naman sa kanya dahil wala na talagang bakante kahit isa.

"Don't worry, nag pakuha yung adviser natin ng upuan,baka padating na din yon" binigyan nya lang ako ng matamis na ngiti.

Nang gawin nya iyon ay parang naestatwa ako sa kinakatayuan ko...bakit ang cute ng smile nya!! Ohhh! Ngayon ko lang mas napagtanto, hindi lang pala sya basta gentleman kundi pogi din...singkit ang mga mata nito, may mapupulang labi at matangos ang ilong...ang kinis din ng mukha parang ang pimples na mismo ang nahihiya sa kanya.

"Don't stare at me like that" nabaling ang atensyon ko muli sa kanya dahil sa sinabi nya...nakatitig ako sa kanya ng matagal. Nakakahiya! Baka isipin nya na may gusto ako sa kanya.

"Huy hindi ah, na cu curious lang ako kung ano gamit mong skincare" pagdadahilan ko saka sinabayan pa ng akward na tawa.

Sige Jane! Ipahiya mo lalo ang sarili mo.

*****
Edited—

Happy Crush Lang Ba Talaga? [Completed] حيث تعيش القصص. اكتشف الآن