Nong mag midnight na ay napagdesisyunan namin na mag movie marathon kasi pare pareho kaming di makatulog. Horror yung pinili namin nila eh ang kaso, ako lang yata ang takot kaya ang ending. Imbis na matakot sila ay puro tawa sila dahil lagi akong nagugulat.

Haysst 😮‍💨. Kawawa naman ako.

*******

STELL'S POV

Madaling araw na pero di parin ako dalawin ng antok, samantalang yung tatlo ay subrang himbing na ng tulog.

Pupunta sana ako ng kusina para uminom nang marinig kong bumukas ang kwarto ni Pablo.

Teka, lalabas sya? Baka magising si Jah at Josh.

Agad akong lumapit kay Pablo para salubungin ito.

"I'm thirsty." Bungad sakin ni Pau. Babae nanaman ang itsura nya. Pero kahit na may sakit at nanghihina ay maganda pa rin ito.

Nakakainis lang, kasi kahit anong itsura nya ay gusto ko pa rin sya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakakainis lang, kasi kahit anong itsura nya ay gusto ko pa rin sya.

"Bumalik ka na sa loob, ako na kukuha ng tubig mo. Baka magising pa sila at makita ka." Tumango lang sakin si Pau saka sya bumalik sa kama nya.

Pumunta agad ako sa kusina para ikuha ng tubig si Pablo. Pag balik ko ay naabutan ko sya na nakaupo lang sa gilid ng kama nya.

Nong makalapit ako ay inabot ko agad sa kanya yung dala kong tubig na agad din naman nitong ininom.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko kay Pau saka ko sinalat yung noo at leeg nya.

Hindi na sya masyadong mainit, di tulad kanina.

"Medyo okay na."

"Buti naman,.. may kaylangan ka pa ba? If wala na, aalis na ko." Sabi ko kay Pau.

Para kong kinurot sa puso nang makita kong lumungkot ang expression ng muka nya. Parang gusto ko tuloy syang yakapin kasi namimiss ko na sya. Ilang araw ko na rin kasi syang iniiwasan. Alam kong magtataka na sya pero para naman sa grupo namin tong ginagawa ko. Kasi baka pag lalo ko syang nilapitan, maslalo lang lumalim yung nararamdaman ko para sa kanya.

"Labas na ko." Paalam ko kay Pau kasi di na sya nagsalita. Tumalikod na ko sakanya saka ako nag umpisa ng maglakad.

Nong pipihitin ko na sana yung doorknob ay may biglang humablot sa isa kong kamay. Pag tingin ko ay nakita ko si Pau na nakayuko habang hawak yung kamay ko.

Girl From Nowhere - Pablo's Secret Where stories live. Discover now