#AS3

818 11 0
                                    

3 people
10:02 AM

Ivy Rose:
nakaka-inip pala pag walang pasok

parang may kulang pag wala akong kailangan i-cram

Laverne:
can't relate

i'm currently cramming for finals

Sorley:
ako rin can't relate

kasi hindi ako naiinip na walang ginagawa☺️

dati naiinggit lang ako sa mga walang midyear class

ah this is life

hilata and lamon

may bago na akong pangarap guys

maging tambay

Ivy Rose:
after mo makuha degree mo pwede ka naman maging tambay

Sorley:
kung papayagan ako?

ngayon pa nga lang pag nakikita ako ni mama nakahilata sa sofa nag-iinit yung ulo niya tapos parang umuusok yung ilong

bakit ang tamad tamad ko raw

ma, ngayon lang nakahinga sa bagsik ng engineering yung anak mo😭

Laverne:
ikaw lang naman nagpilit umuwi

siguro walang problema si tita nung wala ka diyan

Ivy Rose:
HAHAHAHAHA

maghugas ka kasing plato

Sorley:
ako nga naglalaba

speaking of

kakadaan lang ng mama ko sa harap ko

pinapatulong ako sa shop ni tito para daw may pakinabang naman ako hshshshs

😭😭😭

akala ko bakasyon ko

Laverne:
anong shop ba ni tito mo?

Sorley:
ceramics

fam business namin

yung mga clay na ginagawang vase tas yung isa alam mo yung nagko-crochet ng mga table mat

Laverne:
you know how to?

Sorley:
hindi

tinuruan ako nung grade 2 ako kaso nag aaway lang kami ng papa ko

ayon di na nila ako pinilit

sabi magfocus na lang daw ako sa pag aaral

pero mukhang magtutuos ulit kami ng mga yarn bukas

Ivy Rose:
bukas niyan nagb-bake na ulit yan ng banana bread kasi sinukuan na yung crochet HAHAHAHA

Laverne:
padala mo sakin banana bread if ever ^_^

After SummerWhere stories live. Discover now